Ca2: It will be the last

159 6 1
                                    

Lumipas ang panahon at di ko namamalayang unti-unti na pa lang nagpapatawad ang puso ko. Pinatawad ko na si Lexer.

Pero siyempre bago ko siya patawarin marami muna siya pagsubok na nilampasan makamit lang ang matamis kong 'oo' na hindi ko naman pinagkait sa kaniya sa kabilang ng mga sakit na dinulot niya.

Pababa na ko ng buliding ng kompanya, uuwi na kasi ko. Tiyak na naghihintay na sa akin sa labas si Lexer.

Pagkalabas ng elevator may bigla na lang tumakip na panyo sa bunganga na nakapagpawala ng malay ko dahil sa amoy.

Lexer's POV

Nasaan na kaya si Aemy?

Ang tagal niya naman atang mag-out. Napag-isipan kong pumasok na lang sa loob para salubongin siya. Lumiko ako para sumakay sa elevator ng may nakita ako lalaki na hila-hila ang isang babae.

Di ako nagkakamali na nakikita ko.

Si Aemy.

Dali-dali akong tumakbo para sundan sila pero napakabilis tumakbo papuntang exit sa likod ng building at sumakay agad sa itim na kotse.

"AEMY!" napasigaw na lang ako ng tumakbo na palayo ang kotse.

Sumakay ako sa kotse at sinundan sila pero di ko na sila naabutan.

Napahagulhol ako. Sino naman ang gagawa nito?

Aemy's POV

Nakapiring ang mga mata ko at tanging dilim lang ang nakikita ko.

Pakiramdam ko walang tao sa paligid ko. Hanggang sa may mga taong naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko.

Nagpupumiglas ako,"Mga walang hiya kayo! Ano gagawin niyo saken ha? Anong kasalanan ko sa inyo?!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA," isang malakas na tawa ng isang lalaking mukhang hindi pa kaedaran.

"Sino ka ba ha? Anong kasalanan ko sayo?" galit na tanong ko.

"Ikaw, wala kang kasalanan saken pero yung pinakamamahal mo? Malaki ang kasalanan saken!" familiar?















LEXIEN?















"Lexien, bakit mo to ginagawa? Anong kasalanan ng kuya mo sayo ha?!"

Tinanggal na nila ang piring sa mga mata ko. Hindi nga ako nagkakamali.

"Hindi mo kilala ang pamilya ng kuya ko!" galit na sambit niya."Pero huwag kang mag-alala may maganda akong plano sa inyo na tiyak magugustuhan mo at ni Kuya!"

Kinuha nito ang cellphone sa bag ko at mayroong tinawagan, si Lexer.

"Hi, Kuya!" masayang bati nito kay Lexer sa cellphone."Nandito sa isang napakamadilim na lugar. Gusto mo ba kaming samahan dito? Huwag kang mag-alala susunduin ka ng mga tauhan ko diyan. Maghintay ka lang, Kuya!"

At pinatay na ang cellphone pagkatapos ay binalik sa bag ko.

"So, ayon susunduin na siya ng mga tauhan ko huwag kang mag-alala."

"Pakiready na ang mga bulaklak para kay Aemy dahil ito ang magiging dabest na senaryo ng love story nila. Ang magkasama sila habang buhay at hanggang kamatayan. HAHAHAHAHA!"

Ipinalibot nila ang mga bulaklak sa tabi at kung hindi ako nagkakamali ang bulaklak na ito ang mga diniliver ko sa kaniya sa bahay nila.

Mukhang matagal na nitong pinaghandaan ang araw na toh.

Maya-maya ay dumating na si Lexer ng nakagapos.

"Oh magbigay galang sa Mahal na Hari ng Westerland!" sarkastikong sabi ni Lexien at magalang na yinuko ang ulo at pinasunod din ang kaniyang mga tauhan.

"Bakit mo ginagawa toh, Lexien?" galit na wika ni Lexer.

"Bakit? Anong bakit kuya?" nanggigil na tanong ni Lexien at hinawakan pataas ang kwelyo ni Lexer,"Kuya? Hahahaha sabagay isa lang naman akong anak sa labas ng ina natin kaya lagi niyo kong itinatago dahil ikinahihiya niyo ko."

"Ikinahiya? Kelan ka namin ikanahiya, Lexien?"

"Huwag kang magpakainosente, Kuya! Alam mo lahat kung paano ako tratuhing basura ng pamilya mo lalo na ng ate mo! Ikaw na lang yung kaisa-isang malalapitan ko non pero pinagtabuyan mo pa ko! Pumayag ka lang sa lahat ng gusto ng ate mo! Ginawa kong lahat para matanggap niyo ko!" tumatangis na sambit ni Lexien at dali-dali rin naman pinunasan ang luha dali-daling sinuntok ang kapatid.

"LEXIEN HUWAG!" sigaw ko pero hindi ito nakinig at patuloy pinagsusuntok si Lexer na nakagapos hanggang sa maligo na iti sa sarili nitong dugo.

Wala kong magawa kundi ang sumiga at umiyak,"Tama na pleaseeee! Ako na lang!"

At dahil don tumigil si Lexien at nilingon ako.

"WOW!" at pumalakpak,"Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal ano? Gusto mong mauna na ba ha?"

"H-uwag!" nauutal at nahihirapang wika ni Lexer pero hindi nakinig si Lexien.

Kinuha nito ang isang jag na may lamang gasolina at sinaboy sa mga bulaklak na nakapalibot sa akin kaya bigla akong natakot.

"H-uwaag!" muling sambit ni Lexer.

Pero hindi nagpatinag si Lexien at binuksan ang lighter at hinagis sa mga bulaklak na may gasolina. At agad itong nagliyab.

Ramdam ko ang init ng hanging dumadampi sa balat ko. Malayo man ang apoy sa akin pero sinasakal pa rin ako ng usok nito.

"Ano, Kuya? Napakaganda bang tignan na unti-unting mamamatay sa harapan mo ang taon mahal mo? HAHAHAHAHA."

"I--ti--gil mo na y--an, Lex--ien!"

At unti-unting nawala na ng malay ang nakahandusay na si Lexer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cute AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon