CA: Events

727 19 0
                                    

Maagang bumangon si Aemy para sa party ng buong kandidata kaya naman inaayusan na siya ng kanyang stylish .

" Ready ka na ba , Aemy ?" taning sa kaniya ni Riyumi . Ngunit malungkot pa rin si Aemy dahil wala pang Lexer na nagpapakita sa kanya ." Aemy??"

" Ayy! Opo . Ahmm Ma'am nakita niyo po ba si Lexer ?" Bigla na lamang niyang natanong .

" Hindi , bakit ? Ayy! Oo nga pala , kailangan na rin niyang mag-ayos !" Agad na kinuha ni Riyumi ang kanyang Cellphone at dinial ang numero ni Lexer . Ngunit hindi naman sinasagot .

" Nasaan na kaya yun ??" Tanong ni Aemy .

" Anong gagawin natin nito ? Ilang minuto na lang mag-uumpisa na ang party ."

***

Nang makarating sila sa reception ay panay pa rin ang hintay ni Aemy kay Lexer . Nasa party na rin ang ate nito pero ito ay wala pa rin .

Inaasahan niya na sa mga oras na ito ay kakabahan siya dahil di niya kilala ang mga tao rito ngunit takot ang mas nangibabaw sa kanya ngayon dahil wala ang taong mahal niya .

" Aemy , smile !" Pag-papaalala ni Ma'am Riyumi sa kanya . Napangiti na lamang siya ng pilit .

Hanggang sa nag-umpisa ng tawagin ang mga kandidata . Lahat ng mga ito ay may mga naggwa-gwapuhang kapareha . Kinabahan siya ng tawagin na siya .

" Aemy White , From Philippines!" Napatayo na lamang si Aemy at ng papalapit na siya sa stage ay laking gulat niya ng ume-scort sa kanya .

" JETT ?" Gulat na bulalas ni Aemy ,  nginitian lamang siya nito .

" Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ni Aemy .

" Ini-scort-an ka , ayaw mo ba ?" Parang nagtatampng wika nito .

" Di naman sa ganun.." pilit pa rin na ngumiti si Aemy habang naglalakad sa stage .

Nang makababa na sila ay nagsimula ng magtanong ng sangkatutak si Aemy .

" Pero nakita mo ba si Lexer ?"

" Ahmmm..ehh..kasi Aemy ano..siya yung nagpapunta sa akin dito kahapon buti nga at nakaabot ako . Hindi ko naman alam kung bakit basta ang sabi niya pagkarating ko sa Paris eh dumiretso agad ako dito ."

Nagsimula na namang pumasok sa utak ni Aemy ang mga katanungan . Tinatanong niya sa sarili kung may ginawa ba siyang mali kagabi habang magkasama sila sa park . Ang alam niya lang kasi ay nakatulog siya matapos niyang sabihin na mahal niya ito .

Matapos ang party ay bumalik na agad sila sa hotel maraming sinabi sa kanya si Riyumi pero ni isa wala man lang pumasok sa isip ng dalaga dahil ang inaalala niya ngayon ay kung nasaan si Lexer .

Kinabukasan ay araw na ng kaniyang laban ngunit wala pa rin si Lexer . Ginawa niya ang lahat sa contest para manalo kahit wala si Lexer eh buti naman nandiyan si Jett handang ume-scort sa kanya .

" Ito ang iyong katanungan , Ms. Philipines ." ( Tagalog lang po keri ng Author ! Tanga sa English eh !)

" Sa paanong paraan mo maipadadama ang pagmamahal mo sa isang tao ?"

" Salamat po sa inyong magandang katanungan . Ipadarama ko sa kanya na isa akong tapat at karapat-dapat para sa kanya at sa pagpapadama ko nun ay hinding-hindi ko siya iiwan hangga't wala akong sapat na dahilan para iwan siya , dahil mahal na mahal ko siya ! Ganun ko ipadarama ang pagmamahal ko sa kanya."

(Nasaan ka na ba Lexer ?) Naluha na lamang ang dalaga na isipin na sana ay narito si Lexer at nakikinig sa kaniya .

Matapos ang Question and Answer ay sasabihin na ang mga nanalo . Wala sa isip ni Aemy ang manalo ang inaalala niya pa rin ngayon ay si Lexer .

" And the winner is," naluha na lamang si Aemy ng makita si Lexer sa baba kasama ang mga Audience . Nakatayo ito at nakangiti sa kanya , patakbo na siya ng marinig ang, " Our Emerald Cutie winner is Ms. Philippines !" Nagkagulo ang mga tao kaya nawala na lamang bigla sa kanyang mga mata si Lexer .

Kinoronahan siya ngunit wala pa rin ang isip niya dun . Naluluha siya hindi dahil nanalo siya kundi dahil bigla na lamang nawala si Lexer . Hanggang matapos ang Contest nagkaroon ng isang maliit na selebrasyon pero wala pa rin Lexer na nagpakita . Natapos ang party bumalik na siya sa kaniyang kwarto .

Naiyak na lamang siya ng naiyak . Hindi siya masaya ! Hangga't wala si Lexer ay hindi siya magiging masaya .

Hanggang sa mapagod na siya , naramdaman niya na lang na may biglang humagod sa buhok niya habang papikit ang mga mata niya . Di na niya nakita kung sino ito dahil hinila na siya ng antok .

Pagkagising na pagkagising ay nabuo na agad ang desisyon ni Aemy na puntahan ang ate ni Lexer para tanungin kung nasaan ito .

" Hinahanap mo ang kapatid ko ? Kung ganun ay nakauwi na pala siya ?" Sabi ng Ate ni Lexer .

" Ano po ? Hindi ko maintindihan ?"

" Bumalik na siya sa palasyo para balikan ang mga tungkulin niya at ikaw---" ngumisi ito ," wag ka ng umasang babalikan ka pa ng kapatid ko !"

Naikuyom na lamang ni Aemy ang kanyang kamao matapos siyang pagsarahan ng pinto nito. Nagsimula na namang siyang maluha .

Naniniwala siya babalikan siya ni Lexer , at nangako ito sa kanya kaya panghahawakan niya iyon .

Cute AcademyWhere stories live. Discover now