CA2: Party pt.1

806 21 8
                                    

Pababa na kami ni Kevin sa kotse at kasulukayang papasok pa lamang sa engrandeng party na pinuntahan namin .

" Ang ganda naman dito , Kevin ." Bulong ko sa kanya . Nginitian niya lang ako . Napakarami ng tao pero kita mo sa kanila ang karangyaan ng kanilang pamumuhay .

YAMAN . Iba talaga ang nagagawa ng yaman ng mga tao . Katulad na lang ng kasama ko ngayon , si Kevin . Ang yaman niya , nakita ko mismo kung gaano kalaki at kaganda ang kanilang mansiyon , meron din silang dalawang sarili hacienda sa lugar na ito . Ganoon siya kayaman .

Nasa lamesa na kami at hindi ko pa rin maiwasang mapatitig sa kanya . Ano kayang pakiramdam ng buhay na nakahiga na lang sa maraming salapi ?

" Gwapong-gwapo ka talaga sa akin ano ?" Nakangising sabi niya na nakahawak pa sa baba nito at bahagyang hinihimas-himas .

" Sira!" Sabi ko at hinampas siya .

" Di nga ? Gwapong-gwapong ka talaga sakin nuh ?" Sabi niya .

" Ewan ko sayo !" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin ngunit ngumisi lamang ito .

" Aminin mo na kasi , kaya ka laging titig na titig sa akin dahil nagagwapuhan ka ! Alam ko naman gwapo ako pero sana wag ka masiyadong ipahalata..." Sabi niya habang ako ay nagpipigil sa tawa .

" Abno !" Sabi ko at hinampas ulit siya ." Saan ba yung comfort room dito ?" Tanong ko , nakakaramdam na kasi ko ng you know , naiihi na ako .

" Malayo dito eh . Tara , samahan kita !" Sabi niya .

" Heh! Magtigil ka . Naa-abno ka na talaga eh nuh ?" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin .

" I mean sasamhan lang kita para ituro kung saan yon . Tsee.. don't worry alam ko namang type mo ko pero di pa ako ready , Miss . Masiyado atang advance ang utak mo !" Napangiwi ako sa sinabi niya .

" Yabang naman nito . GGrrrr !" Sabi ko at hinila na siya ," tara na nga ." Hinili ko na siya at tinuro niya sa akin kung saan . Pagkapasok ko sa comfort room eh parang napatakbo na ako sa sonrang pagpipigil at pagkatapos kong umihi ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin .

May isang babae akong kasama sa comfort room , maganda . Ang ganda ng mata parang manika at ang labi napakanipis , ang ilong maliit na matangos . Napakaganda , parang ang panget ko kapag katabi siya . HAHA . Nag-aapply siya ng lipstick ng mapatingin siya sa akin . Nginitian niya ko. Mukha siyang mabait kaya nginitian ko rin siya pabalik nang may bigla na lang pumasok .

" Ms.Jiwon , hinihintay na po kayo ng Mahal na prinsepe ." Mahinahon na sabi ng babae at yumuko . Si Lexer ba ang tinutukoy ng babae ?

" Lalabas na ako ." Sabi niya at nginitian niya ulit ako . Lumabas na siya kaya naman lumabas na rin ako . Tama nga , si Lexer . Magkasabay na silang naglalakad ,

" LEXER !!" Sigaw ko----pero bigla na lang ako hinalikan sa labi ni Kevin , gulat na gulat ako sa ginawa niya . Nakasilip lang ang kalahati ng mukha ko sa gilid ng mukha ni Kevin kung saan nakita kong lumingon si Lexer .

Gusto kong itulak si Kevin para makita ako ni Lexer pero di ko magawa , inihiwalay na ni Kevin ang labi niya sa akin at sinabing ," wag ngayon , Aemy ! Hindi pa pwede ." Bulong niya sa akin habang ang mga mata ko ay nakatanaw pa rin kay Lexer at Jiwon , palayo na silang naglalakad ng mga oras na ito hanggang sa mawala na sila sa paningin ko .

" Bakit ?" Nanlulumong tanong ko . Maluha-luha na ako kaya hinawakan niya ang dalawang kamay ko .

" Basta ." Sagot niya . Pero hindi ako nakuntento sa sagot na iyon .

" BAKIT ? BAKIT HINDI PWEDE ?" Nakasigaw na tanong ko .

Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko . Namimiss ko na siya , namimiss ko na si Lexer . Gusto ko siyang yakapin ng mga oras na ito at halikan katulad ng ginawa ni Kevin sa akin . Miss na miss ko na talaga siya .

" Dahil---dahil...Sorry , Aemy ." Napayuko siya na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan ," Hindi ko gustong itago sayo iyo ito , Aemy pero ikakasal na kasi siya sa babaeng kasama niya ngayon ."

Halos mawasak ang puso ko sa sinabi niya , naghalo-halo ang sakit na nararamdaman ko ng mga oras na ito . Inis , galit at awa .

Inis dahil nagmukha akong tanga . Galit dahil di ko naisip na ikakasal na pala siya sa iba . At awa , para sa sarili ko dahil naghahabol ako sa wala at sa taong nawala na lang bigla . Pero bakit ??

Bakit parang mas lalo ko pa siyang gustong yakapin at hagkan ngayon ?? BAKIT ?? Masakit ? Oo . Pero hindi pa rin nabago yung nararamdaman ko eh. Mahal ko pa rin siya , mahal ko pa rin si Lexer . Ang gusto ko lang ngayon eh itanong kung bakit ??

" Alam kong mahal ako ni Lexer at alam kong may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ang ganito . Hindi niya lang siguro masabi sa akin . Ganun lang yon !! Ako amg pakakasalan niya ! Kailangan ko siyang makausap , Kevin ." Humahagulgol na sabi ko at itinulak siya . Pero niyakap niya lang ako .

" Wag , Aemy ! Wag .." Sabi niya na para bang may kinatatakutan . Nagpupumiglas ako sa pagkakayakap niya .

" Kailangan ko siyang makausap , Kevin !" Humahagulgol pa rin na sabi ko .

" Hindi , Aemy !" Sabi ko pero nilakasan ko pa ang pagkakapimiglas ko kaya nakatakas ako sa kanya . Tumakbo ako at hinanap si Lexer .

Nakita kong maraming mga bodyguard sa tabi niya , katabi niya rin si Jiwon . Alam kong hindi ako makakalapit sa kanya kaya ang ginawa ko ay tumungtong ako sa isang bakanteng lamesa .

Nagulat ang lahat ng nakakita sa akin pero wala akong pake ang gusto ko lang eh makausap ako ni Lexer .

" LEXERRR!!" Sigaw ko kaya naman natahimik ang lahat na para bang nagat . Napatingin siya sa akin , napatingin sa akin si Lexer kaya naman napangiti ako . Napakunot ang noo niya ng makita ako ganun din ang katabi niyang si Jiwon .

Umalis ako sa pagkakatungtong sa lamesa at lumapit sa kanya pero pinigilan nila ko . Hindi naman ako nagpatinag sa kanila kaya ginawa ko na yung dati kong ginagawa , ang pagiging Hari ng Tondo .

Sinuntok ko ang lalaking humawak sa braso ko kaya napabitaw ito sa pagkakahawak sa akin ganun din yung isa , bali lima sila . Sumugod ang dalawa kaya pinagsusuntok ko rin ang mga ito pero di ko napansin ang isang kamao ng lalaking napatumba ko , tumama iyon sa tiyan ko kunsaan nasaksak ako noon kaya naman napaupo ako sa sakit na nararamdaman ko .

Kevin's POV.

Nakita ko kung paano sumigaw at nakipaglaban si Aemy sa mga Bodyguard ng Prinsipe .

Hindi ko inakalang ganun pala siya kalakas pero di ko pa rin maiwasan na mangamba kaya naman ng masuntok siya ng isang lalaki sa tiyan naalala ko ang kwenento niya sa akin .

Na sinaksak na siya dati sa gilid ng tiyan kaya minsan kumikirot daw ito . Agad akong lumapit ngunit naunahan niya na ako , naunahan na ako ng lalaking mahal niya .

***

An: Thanks sa mga nagcomment :) Vote and comment ulit para mapabilis ang update :) THANK YOU PO :D

Cute AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon