CAb2: Wrong

556 20 5
                                    

Lexer's POV.

Buhat-buhat ko siya ngayon , hindi ko alam kung bakit ganito ?! Kung bakit ganito yung nararamdaman ko .

Mahal na mahal ko siya !

" Uhhmm.." ungol niya . Napatingin ako sa nakapingit niyang mata.

" Bakit mo ko iniwan ?" Nakapikit siya habang nagsasalita , pinupukpok pa ang dibdib ko gamit ang kamay niya .

" Wala naman akong ginawang masama sayo ha!??" Napansin ko rin ang luha sa mga mata niya .

" Bakit ha ?! Bakit ha Lexer ?!" Kasabay ng pagpukpok niya sa dibdib ko ay ang pagtulo naman ng luha sa mga mata niya .

Sabi ko noon ayokong makikta kang umiiyak ! Pero ano ng nangyari ngayon ? Ako na ang dahilan nito !

Patawarin mo ko Aemy .

Patawad .

" Ang sakit sakit Lexer ?!!!"

" Lexer ?! Bakit mo ko ginanito ? Bakit di mo kami pinanindigan ng anak mo ?"

" Ang sakit..."

Nang mga oras na yon hindi ko alam ang gagawin ko , dapat ba akong maniwala . Bakit niya ba sinasabi toh ? Diba si Kevin naman talaga tong ama ng anak niya ?!

" Hindi si Kevin ang Ama ng anak ko! Alam mong ikaw lang ang lalaki sa buhay ko .. bakit ha Lexer ?? Bakit ??!"

Gising si Aemy , Oo . Dala siguro ng kalasingan kaya niya nasasabi toh .

Pagkarating sa kwarto , inilipag ko na siya nagtama ang mga mata namin ng ilapag ko siya , lasing na talaga siya kitang kita mo talaga ito sa mata niya .

Laking gulat ko ng bigla niya na lang hatakin ang batok ko dahilan ng paglapit ng labi ko sa kanya .

Third Person.

Bilang isang lalaki hindi na napigilan ni Lexer ang mapusok na halik ni Aemy hanggang sa mauwi na ito sa hindi inaasahang bagay .

Habang sa isang banda , walang kaalam-alam ang mga kaibigan sa nangyayari sa kanila kaya naman tuloy pa rin ang kasiyahan .

Hindi na nila naalala ang dalawa hanggang mapagpasyahan na nilang matulog dahil sa kalasingan .

Kinabukasan maagang nagising si Aemy , hinatak niya ang kumot para itakip sa hubad niyang katawan .

Laking gulat niya ng makita ang lalaki sa gilid niya . Si Lexer . Dagli siyang napabangon ng pumiksi si Lexer , isa-isa niya pinulot ang damit at tinungo ang restroom ng kwarto para magbihis .

Pagkatapos ay agad na siyang lumabas . Bihis na rin si Lexer kaya agad na siya tumuloy sa pinto palabas ng kwarto ngunit laking gulat niya ng hawakan ulit ni Lexer ang braso niya .

" Sorry.."

Pekeng ngumiti si Aemy at hinarap si Lexer .

" Para saan ?"

Baliw na kung baliw ang iisipin ng iba kay Aemy pero ito na lang ang kayang niyang gawin ! Ang magbaliw-baliwan at magkaya-kayahan sa lahat ng mga nangyari sa kanya.

Nagmahal lang siya!

" Alam kong alam mo kung bakit , Aemy! Patawarin mo ko .." hawak na nito ang kamay niya , bakas na rin kay Lexer pagsusumamo at pagluha sa kanya mga mata ," handa kong panindigan ang anak nating dalawa ."

" Hahaha.." nagtaka naman si Lexer sa pagtawa ni Aemy ," akala ko , ako lang ang baliw sa ating dalawa .. pati rin pala ikaw .." kinuha ni Aemy ang kamay kay Lexer ," natatandaan mo pa ba yung mga araw na sinabi kong ikaw ang Ama ng anak ko ha Lexer ?!-----Bago mo sana sabihin yan sa akin ngayon , alalahanin mo muna yung mga nangyari noon."

Cute AcademyWhere stories live. Discover now