CAb2: Heart by Heart

746 18 2
                                    

Mga 2pm na kami nagising kaya naman dumiretso na agad ako sa kusina para handaan siya . Masakit pa nga ang katawan ko eh pero kailangan kong tumayo dahil sigurado akong gutom na siya .

" Ako na," nagulat ako ng bigla niya na lang kuhanin sa kamay ko ang kutsilyo habang naghihiwa ako ng sibuyas ," ako na ang magluluto para sa prinsesa ko , alam ko naman masakit pa !" Sabi niya pa kaya naman hinampas ko . Abno lang , paalala ba naman na nawala na ang v-card ko . Haysss..

" Ewan ko sayo .." nakatawang sabi ko at inirapan ko siya at iniabot ang kutsilyo . Pumunta ako sa mini dining room ng condo ko at dun naupo habang nakaharap sa kanya . Pinagmamasdan ko lang si Lexer , ilang taon din kaming hindi nagkasama . Namiss ko talaga siya ng sobra .

*Tok..Tok..Tok*

Wala akong pinagsisisihan sa nangyari ginusto ko yon . Siguro bahala na kung anong mangyari pagkatapos ng araw na ito .

*Tok..Tok..Tok*

Napalingon si Lexer sa akin . Ngayon ko lang napansin na may kumakatok pala . Tumayo ako pumunta sa pinto para buksan iyon . Si Kevin . Papasok sana siya ng pigilan ko siya .

" Tama nga ako kung ganun ! Nandito pa rin siya kaya hanggang ngayon . Hindi mo ba alam na hinahanap na siya ng mga taga-palasyo , Aemy ?" Sabi ni Kevin ng pigilan ko siyang papasukin ,

" Mahal niya ako ni Lexer , Kevin ...." Yun lang ang nasabi ko kay Kevin . Bakit ba ganyan siya ? Akala ko ba tutulungan niya ko ? Eh bakit parang tutol pa siya sa ginagawa namin ni Lexer . Bakit ba siya nagkakaganyan ?

" Hindi mo pa alam ang mga susunod na mangyayari dito , Aemy---*Bogsh*" Bago pa man siya magsalita ng kung ano-ano ay pinagsarhan ko na siya agad ng pinto . Ayokong sirain niya ang magandang araw namin ni Lexer ngayon .

Ano pa bang hindi ko pa alam na mangyayari ? Tss . Basta ngayon ang alam ko mahal ako ni Lexer at iwan niya man ako alam kong may sapat na dahilan yon kaya tatanggapin ko , kasi mahal ko .

" Sino yon ?" Tanong ni Lexer ng bumalik agad ako sa dining room .

" Wala yon ," sagot ko ," nga pala ba't ang tagal mo naman magluto ? Nagugutom na ko !" Pag-iiba ko .

" Malapit na po , Mahal na Prinsesa ." nakatawang sabi niya . Cute .

Mga ilang minuto lang ay natapos na nga . Siya lahat ang naghanda at siya din ang nagsusubo sa akin ng pagkain ngayon . Napaka-sweet niya talaga .

" Let's take a picture , Babe !" Sabi niya kaya naman nagpicture nga kami ," Cute ." Sabi niya ng matapos kaming magpicture .

" Syempre naman Cute talaga ko !" Sabi ko at kinurot niya lang ang pisnge ko .

" Speaking of Cute , kamusta na ang Cute Academy ?" Tanong niya .

" Okay lang naman." Maikling sagot ko . Ayoko kasing magbalik tanaw kami sa nakaraan .

" Anong course ang kinuha mo ?" Tanong niya pa .

" Teacher ." Sagot ko . Tapos na kaming kumain kaya hinugasan niya na ang pinagkainan namin at pagkatapos ay nagmovie marathon kami .

Nakadalawang CD kaming napanuod kaya gabi na rin kaming natapos manuod nang mapagpasyahan naming lumabas .

" Eh pano ka ?" Tanong ko sa kanya dahil baka may makakilala sa kanya .

" I need tinted sunglasses and hoody ." Sabi niya at buti naman meron ako ng lahat ng yon kaya lumabas na kami .

" So, saan tayo pupunta ?" Tanong ko sa kanya .

" Sa simbahan ." Sagot niya habang hawak-hawak ang kamay ako . Nasa kotse na kami ngayon .

" Huh ? Anong gagawin natin don ? Gabi na." Nagtatakang tanong ko .

" Magpapakasal ." Sabi niya .

" Huh---" pinatigil niya ako gamit ang hintuturong daliri niya na tinakip sa bibig ko .

Mga ilang oras lang ay nakarating din kami sa simbahan . Pumasok kami sa loob at doon iniwan niya ko saglit . Nagulat na lang ako ng makita ko siyang namumugto ang mata at may kasamang pari . Umiyak ba siya ?

" Siya ba ?" Tanong ng Pari . Nakangiting tumango si Lexer at hinawakan ang kamay ko .

Medyo naguluhan ako sa nangyayari pero nasasayahan ako . Mga ilang minuto rin ang seremonyas na nangyari , kami lang ang tao sa simbahan kaya naman ang pari lang ang nakasasaksi ng aming pag-iisang dibdib ni Lexer .

" You may now kiss the bride ." Yun lang ata yung naintindihan ko dahil na blanko ang paningin ko sa mga nangyayaring iyon . Nakasuot na ako ngayon ng isang singsing at ganun din siya . Hinalikan niya na ako at pagkatapos ay niyakap .

" I love you , Aemy."

" I love you too , Lexer." Hanggang sa naramdaman ko na lang na may luha na pala sa mga mata ko pero pinunasan iyon ni Lexer gamit ang hinlalaking daliri niya .

" Wag kang umiyak . Smile ! It's our wedding , Babe ." Malambing na sabi niya at dinampian ako ng halik sa labi .

" Ikaw kasi eh .." Sabi ko at mahinang tinulak siya sa dibdib ngunit kumapit lamang siya sa aking bewang .

" Wag ka nang umiyak dahil sa akin . Please...hindi ako sapat para sa mga luhang yan ," napaisip ako sa sinabi niya ngunit nagsalita pa siya ," sa ngiti mo siguro...pwede pa !"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya .

Nagpicture-picture muna kami bago kami umalis , pumunta kami sa isang simpleng restaurant at dun kumain . Ipinagdiriwang namin ang kasal namin , ang sarap pakinggan na isa na akong Mrs.Yi .

" Cheers , Mrs.Yi !" Sabi niya at nagkampay kami . Hinalikan niya uli ako doon at pagkatapos ay kumain na kami hanggang sa pumunta kami sa isang park .

Naupo kami sa damuhan gaya ng ginagawa namin dati , nakatanaw kami sa mga bituin . Sabay pa kaming nagulat ng may bigla na lang nagpakita na shooting star , sabay din kaming pumikit at nag-wish .

Di ko na tinanong kung anong winish niya bagkus ay ipinatong ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya at pinakiramdaman ang tunog ng puso niya .

Cute AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt