CA: Trisha & Maiven

1.2K 25 0
                                    

Walang pahintulot na pumasok ang Ama ni Maiven sa Condo ng umagang iyon ," Maiven , nasaan ka ano na naman bang katarantaduhan ang gina--" di na nito naituloy ang sasabihin ng nadatnan nitong may kasama itong babaing walang saplot at mahimbing ang tulog .

Agad na napabangon si Maiven ng marinig niya ang boses ng Ama , bigla na lang itong huminto ng makita ang katabi niya na nakalimutan niya pala .

" DAD ?!"

" Dad, can you please get out ! Is not what you think ?!"

Tumalikod na lamang at umalis ang Ama niyang gulat na gulat sa nakita , napasabunot na lamang si Maiven ng kanyang ulo at pinagmasdan ang babaeng katabi niya ." Hoy ! Gumising ka !" yinugyog ito ni Maiven upang magising at nagising naman ito .

Akma sanang tatayo si Trisha ng may bigla na lang siyang masakit na naramdaman sa kanyang maselang bahagi ng katawan . " Aww." pinilit niya pa rin umupo kahit namimilipit siya sa sakit , ng maayos na niya ang sarili ay bigla siyang napahinto sa pag-iisip kung bakit masakit ang bahaging iyon .

" Nasaan ako ?!" naguguluhang wika ni Trisha sa hubad na lalaking katabi niya , napatingin siya sa ilalim ng kumot na nagsisilbing tapis niya ." ANONG GINAWA MO SA AKIN ?!" bigla na lamang naiyak ang dalaga dahil sa nangyayari . Pinilit niyang maalala ang nangyari ngunit bigla na lang sumakit ang sentido niya at naalala niyang uminom pala siya kagabi sa Bar kung saan nagtratrabaho ang Mama niya .

" It's all your fault ! You kiss me that's why I kiss you back and we are here now .." natutulirong wika ni Maiven .

" Eh paano ba ako napunta rito ..?" humahagulgol na tanong ni Trisha .

" May lalaking nag-iinteres sayo na hindi mo kilala kaya tinulungan kita dahil mukhang may balak na masama sayo ."

" Tinulungan mo pa ako eh ikaw din naman ang gumawa nun !"

" Tse . Eh kung hinayan ko lang yun edi sana ngayon patay ka na eh mukha ngang mamamatay tao yung lalaking yun atsaka ikaw ang unang humalik sa akin kaya kasalanan mo yun ."

" Eh alam mo namang lasing ako eh !" naiiyak pa rin na wika ng dalaga .

" Lalaki ako kaya hindi mo ko masisisi .." kahit paano ay naawa pa rin si Maiven sa babae dahil nakuha niya ang pinagkainga-ingatan nito pero ayaw niyang sisihin ang sarili .

Tumayo si Trishaina na nakatapis pa rin sa katawan ang kumot , kinuha niya ang mga suot niya at dumiretso sa Cr. upang magpalit kahit masakit ay tiniis niya na lamang dahil gusto na niyang umalis dun .

Nang tumayo ang babae ay nakita ni Maiven ang mantsa ng dugo sa kama niya , nabirhenan niya ang babae . Nagsuot na rin siya ng damit at ng matapos siyang magpalit ay lumabas na ang babae .

" Alis na ako , kalimutan na lang natin ang nangyari ." paalam ni Trisha at lumabas . Pagkalabas niya ay may bigla na lang tumawag sa kanya .

" Trisha ?" boses ng karelasyon ng Mama niya si Mr. Arthur . Napalingon siya rito at bigla na lamang siyang kinabahan ." Ikaw ?! Ikaw ang kasama ng anak ko sa Condo niya kanina ?"

Nagulat na lamang si Trisha sa sinabi nito , napatalikod siya at akmang maglalakad palayo ngunit hinawakan siya nito sa braso .

" Alam kong mabuti kang bata at hindi mo magagawa ang nakita ko kanina . Ano bang ginawa sayo ng anak ko ?" nag-aalalang tanong nito . Naluha na lamang si Trisha at hindi sumagot . Hinila naman siya nito papunta sa loob ng Condo ng lalaking naka-One night stand niya .

" MAIVEN !" galit na wika ni Arthur ." Ano bang nagawa kong mali at pati si Trisha nadamay ?! Alam kong tungkol ito sa Mama niya pero di dahilan yun para sa idamay mo si Trisha ."

Cute AcademyWhere stories live. Discover now