CA: B-day Boy #1

1K 22 0
                                    

" WWWAAAAHHHH !!" sigaw ni Aemy habang iniinda ang pananakit ng tiyan sa loob ng kanilang bahay ." Ano ba namang pagkain meron sila Lexer !! Bulok na ba yun ?!"

" Aeeemmmyyy !!" sigaw naman ng isang nilalang ." Ayy ! Anak ng tokwa kang bata ka ?! Anong nangyari sayo bakit ang gulo ng kwarto mo ?!"

" Lola Lidya ang sakit ho ng tiyan ko ." si Lola Lidya ay kapitbahay nilang matanda na galing din sa mahirap na pamumuhay sa Tondo .

" Ano bang kinain mo bata ka ??!" nag-aalalang tanong nito at nilapitan siya .

" Chocolate pong maraming-marami !!" naluluhang sagot niya .

" Kaya namam pala eh !! Tse . Di ka ata natunawan . Mga mahihirap nga naman oh nabibigla sa pagkaing mayaman . Hala ! At uminom ka ng gamot sakto at may dala ako sakit sa tiyan ."

" Salamat ho ."

" Inumin mo pagkatapos kumain ! Sige na alis na ako ! Napadaan lang ako dahil sa sigaw mong daig pa nanganganak ." sabi nito pagkatapos ay lumabas .

Dali-dali niya itong ininum di niya na talaga natiis ang sakit , kahit di pa kumakain ay ininom na niya . Pagkatapos , habang nagpapahinga naalala niya si Maiven . Birthday pala nito kaya naman agad niyang tinungo ang kwarto upang hanapin ang liham imbitasyon .

" Wear a cute light blue dress that make you fabolous , elegant and specially pretty . " napahinto ang dalaga at ,"Tse ! NekNek na party ito ang daming kaartehan !"

" And wait , one of the most important for the party is your partner . If you are single just get ready to mingle . The place will be settled in Villanueva's Mansion  at 7:30 pm , the exact time to start the wonderfull event in my life and our life , once again hope you come ."

" HUH ?? PARTNER ??"

* Ting * bright idea .

Agad naman napahiga si Aemy ay pinikit ang mata at pinahinga ulit ang sarili . Sakto alas-kwatro siya nagising dahil naalala niyang di pa siya nanananghalian hanggang ngayon . Lumabas siya ng bahay at tinungo muna ang junk shop ,

" Kuya ? May kadena na bang maganda para sa bisikleta ko ?" kaya nagtitiis sa paglalakad si Aemy dahil naputol ang kadena ng bisikleta , hindi niya lang alam kung paano o ano ang nangyaring dahilan para maputol iyon .

" Meron na , 150 bentahan ko , hija " sabi ng lalaki agad namang napatango si Aemy at binayaran agad ito . Pagkatapos ay bumili na siya sa karenderya ng kanin at ulam tiyaka umuwi upang kainin .

Mga 5pm tinungo niya na ang bahay ng kaibigan dahil ito na lang ang gagawin niyang kapartner . Pagkapasok na pagkapasok ay si Renz na agad ang bumandera sa kanya .

" An-ong gin-agawa mo di-to ?" tanong nito habang namimilipit na nakahawak sa tiyan .

" Anong nangyari sa iyo ?!" nag-aalala niyang tanong sa kaibigan .

" Wag mo ng tanungin ! Baka maturn-off ka lang sa torpe kong kapatid ." sabat ni Ate Rossana sabay tawa .

" ATE !!" pinandilatan ng binata ang kanyang ate dahil sa kadaldalan at pang-aalaska nito .

" Bakit naman ako matu-turn-off eh hindi naman ako naka-turn-on ?"

" TSE . Ano bang pakay mo at nandito ka ?" tanong ni Renz .

" Sayo ? wala na kong pakay pero sa ate mo marami ! Kaya tumabi ka ." sabi ng dalaga at nilagpasan ito ." Ate Rossana kailangan ko ng powers mo .."

" Wait .. Teka lang magpapa-pawis muna ko para ilabas ang powers ko ." sabi nito .

" Iba hong powers .. pagandahin niyo ho ako kahit ngayon lang ! Kahit imposible gamitan niyo na lang ako ng mahika like Cinderella ."

" Tsk . Mahirap ata yan ! Una sa lahat hindi ka si Cinderella pangalawa wala akong mahika pangatlo hindi ko na alam pero walang imposible sige lang sige !" napakanta pa si Rossana sa ilang mga sinabi .

Cute AcademyWhere stories live. Discover now