CA: Si Papa

930 18 0
                                    

" Papa , nandito na po ako!" wika ni Aemy pagkarating sa kanilang bahay .

" Oh--Ikaw na naman ?!" galit na tanong ng Ama ni Aemy kay Lexer ." Hanggang dito ba naman sa bahay kasama mo pa rin yan ! ABA!! PARA KAYONG MAG-ASAWA AH !!"

" Si Papa Oa !!" saway ni Aemy sa Ama at pinandilatan niya ito .

" Eh sino ba kasi talaga tong lalaking toh bakit lagi mong kasama ?"

" Manliligaw niya po.." sabat ni Lexer .

" ANO NILILIGAWAN MO ANAK KO ?!" O_O

" Pa , PUSO NIYO !!" sabi ng dalaga .

" Nanliligaw ka ? Ano bang trabaho mo hah ?"

" Nag-aara---"

" Nag-aaral ka pa lang pala eh may gana ka ng manligaw !! Magtrabaho ka muna!!"

" Pero--"

" Anong pero ? hindi ganyan ang paunang sagot ng mga matitikas na lalaki !!"

" Papa naman !! Prinsepe kasi siya kaya di na niya--"

" PRINSEPE KA ?"

Tumango naman si Lexer .

" Anak naman ! Bakit di mo sinabi ? Halika , Hijo maupo ka ! Laging bukas ang pinto namin para sa iyo!"

Bahagya namang natawa ang binata sa kakaibang ipinakita ng Ama ni Aemy .

" Ano ba , Papa !" bulong ni Aemy at pinandilatan ang Ama .

" Ano ka ba anak ! Crab your oppurtunity !!" bulong ng Ama niya .

" Grab yun , Pa hindi Crab -_-"

" Ehem!!" dahil sa pagbubulungan ay nakalimutan na nila si Lexer na ngayon ay nakaupo na sa sofa .

" Ayy .. Wait lang ah ! Hahandaan ko kayo ng makakain ! Teka..." Naupo si Aemy sa tabi ni Lexer .

" Ang kulit ng , Papa mo eh nuh ?!" ^_^ nakatawang wika ng binata .

" Haha ! Sinabi mo pa ! Pero kahit ganun yun , The Best Papa yun ever ! Kapag may kabugbugan ako sa kalsada di pa rin yun nagdadalawang isip na puntahan agad ako sa presinto . Haha !"

" How could I wish na sana may Father din akong katulad niya ?!"

" Bakit ? Nasaan ba Papa mo ?"

" Isa siyang Hari at Isa akong Prinsepe , as a Prince and My Father is a King , I never called him Papa ." Nalungkot ang mukha niya ." Dahil  daw sa kasabihan ng matatanda na hindi ito pagrespeto sa isang tao na may mataas na katungkulan sa isang bansa na tinatawag ngang hari at reyna ."

" Ayy.." nalungkot naman si Aemy sa nalaman , napansin niyang hindi naging maganda ang buhay nito kasama ang pamilya dahil parang hindi niya ito maituring na pamilya .

" Pero minsan meron din naman kaming salo-salo kaso kailangan lamang naming maging perpekto para ipakita sa nasasakupan namin na karapat-dapat kaming irespeto ."

" Mukhang mahirap yan ah ! Diba ikaw na ang susunod na Hari ng bansa niyo ?"

" Oo , kapag bumaba na sa pwesto ang mahal na hari at ipinasa na niya sa akin ito ."

" So , babalik ka----"

" Nandito na ang masarap na luto ko , Mahal na Prinsepe kung gusto mo gawin mo kong cook sa palasyo niyo eh" masayang wika ng Ama ni Aemy at lumapit sa tabi ni Lexer ," Basta mataas ang sweldo !" Bulong pa nito at biglang tumawa ng malakas . Natawa na lang tuloy si Lexer .

" Ano ho iyan ?" Tanong ni Lexer sa pagkaing inihanda ni Mang Renato .

" Espesyal na dinuguan ni Mang Renato ! Pero pwede mo kong tawaging , Papa !" Sabay kindat .

Cute AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon