CA: Lola Aemy

801 17 1
                                    

Kakarating lang nila Lexer sa bahay ng kasintahan , nagulat pa sila ng makita ang principal ng CA sa bahay nila Aemy na nakikipag-usap kay Mang Renato .

" Goodmorning po !" Bati ng dalawa , napatingin naman ang dalawang nag-uusap .

Kinabahan naman si Renato dahil napag-usapan na nilang dalawa ng lola ni Aemy na sabihin kung sino ito .

" Anak , maupo ka ! Ikaw din Lexer ." Malungkot na utos ni Mang Renato sa dalawa ." Nagtataka ka siguro anak kung bakit siya nandito nuh ?" Tumango naman ang dalaga dahil wala din naman siyang maisip na dahilan kung bakit ito nandito .

" Siya ang lola mo . Ina ni Beatrese ," pahayag ng kanyang Papa . Hindi na siya gaanong nagulat dahil sa nalaman na niya iyon kay Richard nagsilbi lang na kompirmasyon ang pangyayari ito para sa dalaga ," At gusto ka na niyang kuhanin pagkatapos ng laban mo sa Paris .."

" ANO HO ??"

" Oo , Apo ! Sa akin ka na titira dapat nga nung paglabas mo pa lang sa hospital eh..."

" Pero mahal ko ang Papa ko di ko siya gustong iwan ! Kaya kung maaari wag niyo kong kukunin sa kanya !"

" Pero may usapan kami ng iyong Ama at nagpabaya siya !"

" Pero ayoko ho ! Hindi niyo ko maaring kuhanin sa Papa ko ! Hindi ho nagkulang at nagpabaya ang Papa sa akin , sadyang matigas lang ho talaga ang ulo kaya napapahamak ako ! Kaya walang dahilan para kuhanin niyo ako kay Papa !"

Napangiti ng bahagya ang matandang Aemy sa tinuran ng dalaga .

" Isa ka ngang White ! May paninindigan ! Para kang iyong Ama nung ipinakilala siya sa akin ni Beatrese ! Hayys ! O-sya sige ayokong maging kontrabida basta ipangako mo sa akin na dadalaw ka sa bahay , naghihintay ang iyong lolo ." Napangiti na lamang si Aemy sa sinabi ng kanyang Lola .

" Ipinapangako ko ho !" Tinaas pa ni Aemy ang kanang kamay ," Pangako , Lola !"

" Nga po pala , La , Pa ! Si Lexer , boyfriend ko !" Pagpapakilala ni Aemy .

" Ano ? Hijo ! Alam ba yan ng Hari at Reyna ? Nako! Baka saktan mo lang itong apo ko ! Malilintikan ka sa akin bata ka !" Pananakot ng Lola ni Aemy , natawa naman ang magkasintahan habang ang Ama naman ni Aemy ay halos mautot sa sobrang saya sa nalaman .

" Kapag siniswerte ka nga naman ! May anak ka ng tagapagmana ng mga Lo, may anak kapang magiging Prinsesa !" Tuwang-tuwa na sabi ni Mang Renato .

" Tumigil ka nga diyan , Renato ! Yan ang kinaiinisan ko sa Ama mo eh , mukhang pera !" Inis na wika ng matanda at hinampas pa ng pamaypay ang Papa ni Aemy .

" Sanay na ho ako diyan -,- ! Kulang na nga lang po drawingan siya ng pera sa mukha eh!" Sabi ni Aemy . Nangingiti lang si Lexer sa kakulitan ng tatlo , namimiss niya tuloy ang kanyang Lola .

" Dito na lang kayo maghapunan ! May linuto ako eh ." Sabi ni Mang Renato ." Espesyal na tuyo na may Gabi !" ( Gabi-Gulay po yan ! Basta alam niyo yan ! Pagkaing masarap xD)

" Mapapasubo ka na naman sa tuyo , Babe ! Haha ! Sure akong magiging paborito mo na yan ^_^" Bulong ni Aemy kay Lexer , napangiwi naman ang binata .

" Yeeess! Namiss ko yan !" Hiyaw ni Lola Aemy ," Alam mo ba kung bakit ko namiss yan ?"

" Bakit po ?"

" Kasi sa bahay Mama mo lang sanay at masarap magluto ng gabi na may tuyo ! Atsaka turo yan ng magaling mong Ama na kahit papaano eh may nagawang maganda ! HAha !"

" Si Lola talaga !"

" Haha .. Ikaw ba , Apo ready ka na ba sa iyong laban ? Bukas na ang flight niyo diba ?!"

" Oo nga po eh ! Medyo kabado kasi nga si Mama nasungkit yung korona kaya dapat ako ganun din kaya kailangan kong gawin lahat ng makakaya ko !"

" Yan! Yan ang Lo hinding-hindi magdadalawang isip ang Lolo mo na ipamana sayo ang kayamanan niya . Tutal iisa ka lang naming Prinsesa eh .."

(Nakakatuwa naman . May Lola pala akong katulad niya . Hangkyot ! Maganda talaga lahi namin , di ko lang alam kung anong nangyari sa akin ?)

-

" Mang Renato , Ma'am Aemy ?" Tawag ni Lexer sa mga ito pagkatapos nilang kumain .

" Ano yun , Hijo ?" Tanong dalawa .

" Pwedeng bang itakas muna yung , Prinsesa niyo saglit ?" Napatingin naman si Aemy sa kasintahan dahil di niya alam ang pinagsasabi nito .

" SIGE BA ! Diba sabi ko naman sayo na kahit di ka na magpaalam !"

" Hoy , Renato ! Anong pinagsasabi mo jan ? Anong gusto mo itakas na lang niya ang apo ko ng di nagpapaalam ?"

" Di naman sa ganun ... pero parang ganun na rin !"

" Hayss! Wala ka pa rin talagang pinagbago! Gaya ka pa rin ng dati nung itanan mo si Beatrese ko!"

" Pero----"

" Siguro , mas magandang umalis na tayo dito , Babe ? Away matanda mahirap yan !" Bulong ni Aemy sa kasintahan habang magkahawak sila ng kamay .

" Hahaha .. Tara na! Pumayag naman na ata sila eh !" Umalis na ang dalawa habang yung dalawang matanda nagtatalo pa rin .

-

" Ang ganda dito nuh !" Sabi ni Lexer habang hinihimas-himas ang buhok ng dalaga .

Nasa garden kasi sila ng bahay nila Lexer , nakapatong ang ulo ni Aemy sa hita ng kasintahan .

" Kaya nga eh .. Alam mo ba nung may pakidnap ek-ek ka pang nalalaman dati tinary kong linlangin yung mga personnel mo gamit yung pagpapapicture ko diyan sa fountain na yan ! Kunwari magpapapicture ako pero sabay takbo kaso ang dami nila infairness ! Nasayang yung kagandahan ko pinagpawisan ang fes ng lola mo dahil nahabol nila ko ! Hayyss .. nainis ako nun ah ! Kasi dami mong drama eh ..!" Tawa naman ng tawa ang binata dahil sa paraan kung paano ito magkwento , mala-beki !

" Eh kesa naman ako magpunta dun ! Di kita kaya , amazona ka eh ! Atsaka teritoryo mo yun ! Diba hari ka ng tondo ? HAHAHAH XD !"

" Tse! HAHA ! Pero kahit ganun , sinong mag-aakala na magiging tayong dalawa ? Sa kabila ng bangayan at awayan natin sa isa't isa!"

" Hahaha ! Kaya nga eh .." napaangat naman ng ulo si Aemy para tignan ang mukha ni Lexer . Their hands are both holding habang nakatitig sa isa't isa .

" Sana FOREVER na tayo , Babe ! Ganun kasi kita kamahal eh parang infinity , walang hanggan !" Wika ni Aemy ," Wag mo kong iiwan at sasaktan ."

" Ano ka ba , siyempre naman hindi ko gagawin yun . Paano na ang buhay ko kung iiwan kita ? Diba nga ikaw ang buhay ko . "

" Talaga lang hah!"

" Bakit di ka naniniwala ?"

" Hindi naman sa ganun .."

" Napaka-nega mo talaga .. " pinisil ni Lexer ang pisnge ng dalaga at sinabing ,

"Hangga't mahal mo ako at mahal kita walang dahilan para iwan natin ang isa't isa." Inilapat ni Lexer ang labi , sa labi ng dalaga .

(Kiss :**: Kyyaaahhh)

" I love you , Babe ."

" I love you too , Babe forever and ever..."

Cute AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon