CA: Ikaw!!

1.6K 28 6
                                    

" Alis na ho ako .." paalam niya sa Ama niya na ngayon ay kinaiinisan pa rin niya . Ayaw niyang kumain mas gugustuhin niya pang magutom kesa makita ang Ama na nagsinungaling sa kanya .

" Aemy , kumain ka muna ." sabi nito pero nagdare-daretso lamang siya sa bisikleta niya at pinaandar iyon .

" Pards Aemy !" si Renz . Nakita niya naman ito sa trycicle mukhang papasok na rin sa paaralan .

" Oh Pards , papasok ka na ?" tanong niya rito .

" Obvious ba ? Shunga ka ?!" sabi nito at sinamaan siya ng tingin .

" Shunga agad ?" tanong ni Aemy at inirapan ito . Kumaliwa na ang sasakyan nila Renz hindi na ito nakasagot sa tanong niya . Namimiss niya na talaga ang school nila , yung eskwelahang kahit nagCe-cellphone ka hindi ka papagalitan at free ka pang mag-ditch kasi walang bantay ang gate nasasayo lang kung gusto mo , sa paaralang puro kalokohan pero may natututunan . Kesa sa Cute Academy na yun di aircon malamig pero mas mahangin yung mga taong nasa loob .

At yung Shine na yan , hindi niya pa nakikita ang tunay na ugali ko , kaya ngayon na ulitin niya ulit ang ginawa niya sa aking pagmamaliit kahapon tatamaan na talaga siya .

" Ang layo ng iniisip mo ah ?" boses ni Maiven yung tumulong sa kanya sa locker ." Saan ka na nakarating ?" sinabayan siya nitong maglakad sa hallway .

" Hahaha .. Wala !" pagsisinungaling ni Aemy , ang cute talaga ni Maiven bagay na bagay siya sa paaralang ito .

" Ganun ba . Balita ko ikaw daw ang bagong panlaban ngayon sa Emerald Cutie Contest ah ?" nakangiting tanong nito .

" Ah eh ih Ou pero ayoko talaga sa mga ganun , Sure akong matatalo lang ang paaralang ito ." malungkot na pahayag ni Aemy rito .

" Bakit naman ?" tanong nito .

" Hindi bagay ang mukha ko dun . Ang bagay sa mukhang ito eh sa boxing !" nakangising sabi ni Aemy rito .

" Ganun ?" may pagka-alanganin nitong sabi .

" Yup !"

" Alam mo , Aemy kung mag-aayos ka lang maganda ka naman eh sure akong mananalo ka kaya wag mong aayawan ang sure na bagay na alam mong pagsisisihan mo ." sabi nito at tinapik ang likod ni Aemy pagkatapos ay umalis na . Naguluhan siya sa sinabi ng binata , malay nga niya manalo siya pero inisip rin niya na baka matalo lang sila pero baka naman bandang huli ay pagsisihin niya ang pag-ayaw niya sa contest na ito . Ang gulo !

" Hey , Sis ! Sabi ni Sir.Rafael , bakit hindi mo pa daw pinupuntahan si Mr.President !" salubong sa kanya ni Richard na nasa pinto .

" Ayy ! Oo nga pala , Sis nuh ? Nakalimutan ko eh pwede bang samahan mo ko ?" tanong niya rito , linagay niya muna yung bag niya sa table niya .

" Sure !" nakangising wika nito . Sure na sure talaga dahil patay na patay ata ito kay Mr.President . Naglakad na kami patungong Student Council Office ." Sis , umayos ka walang ahasan like Nichole sa The Legal Wife . Kundi hahampasin kita ng bonggang bongga !"

" Sus ! Wala akong time para diyan ." sabi niya rito .

" Buti naman . Nga pala , sure ka na ba sa pagsali ?"

" Ewan ? Siguro Oo kasi may malaki kami utang na kailangang bayaran .." naalala ni Aemy yung utang nila ng kanyang Ama kaya nakapag-isip na siya ng mabuti . sasali na lang siya , tama si Maiven baka pagsisihin niya ang hindi pagsali dito , think positive lang . Sabi ng Ama niya na malaki ang kikitain niya sa pagsali dun kaya kahit naiinis siya sa Ama niya ay papayag na lamang siya . Bahala na .

"Uyy , Sis syempre kapag napunta ka ng Paris ako piliin mong isama ah !!" nakanguso nitong sabi .

" Pwede ba yun ?" nagtatakang tanong ni Aemy .

Cute AcademyWhere stories live. Discover now