CA: Si Jett Anderson

1.2K 34 5
                                    

" Tae naman oh !" hinaing ni Aemy dahil late at ngayon ay naka-detain sa guidance office ." Kainis na alarm clock yan ba't di ko nai-set ? Buysit ."

" Buti pa ikaw alarm clock lang ang problema mo ." boses ni Maiven at inabutan siya ng tsokolate ," Kumakain ako nito para pampaalis ng problema , oh kainin mo !" inabot naman iyon ni Aemy .

" Late ka rin ?" nakangusong wika ni Aemy habang binuksan ang Tobleron . Tumango ang binata at kumagat ng tsokolate ." Bakit ?"

" Tinatamad kasi kong bumangon dahil sa kakaisip ng problema ." kumagat ulit ito ng tsokolate ganun din si Aemy matapos nitong mabuksan iyon .

" Ano namang problema mo ?" tanong ni Aemy .

" Arrange Marriage ."

" ANO ? IKAKA--" agad na tinakpan ni Maiven ang bunganga ni Aemy bago pa masigaw nito ang sasabihin nito ." Sorry ." napatingin lang sa kanila ang ibang late ." So , ikakasal ka ? Kanino ?"

" Sa anak ng kabit ng Papa ko , may nangyari kasi sa amin kaya pinapanagutan sa akin ni Papa eh hindi ko naman kasalanan na may mangyari sa amin eh ." *Tuk* " Aray ! Bakit mo ko binatukan ?!"

" Siraulo ka ba ! Kasalanan mo rin yun eh kasi parehas niyong ginawa atsaka lalaki ka , alam kong nakakaramdam ka , SIRA !"

" Pero hindi dahilan yun para ipakasal niya ko sa babaeng yun . Una sa lahat bata pa ako ?"

" Tse . Wag ka ng magdrama imbitahin mo na lang ako sa kasal mo !" wika ni Aemy at yumuko gamit na unan ang kanyang bag , kumain na lamang siya ng nakayuko .

*

Habang palabas na sila sa Guidance Office ay hindi naman alam ni Aemy na may nakaabang na pala sa kanya , magkahiwalay na sila ni Maiven nun ng bigla na lang siyang komprontahin nila Shine at Rica .

" Hey ! Ugly duckling . Nababalitaan kong may dalawang sikat, gwapo, at mayaman daw ang umaaligid sayo ?! Gosh #hashtagYUCKK .. Anong gayuma ba ang gamit mo , Ugly duckling ?"

" Bakit gusto mo ring i-try ?" nang-aasar na wika ni Aemy .

" TSE . Pero hindi naman talaga yun yung rason ko kung bakit kita inabangan dito eh . Bilang Vice President ng eskwelahang ito , inuutusan kitang linisin araw-araw ang garden sa skul bilang parusa dahil late ka !"

" Boba ! Nadetaine na HO ako kaya hindi muna ko kailangan PO bigyan ng parusa , MS. VICE PRESIDENT ! Pwe . Shunga ka lang ?" naglakad na lamang ng palayo si Aemy ng mapanganga si Shine pati na rin ang kasama nitong si Rica .

" You ! UGLY DUCKLING , I HATE YOU SO MUCH !" sigaw ni Shine dito sa sobrang inis .

" Don't worry , I HATE YOU TOO , SO MUCH PA !" sigaw din ni Aemy sabay tawa kaya mas lalong nainis si Shine at nagmartsa pabalik sa room niya .

" Grrr !! I can't believe that girl .. she's fucking ugly duckling , bitch , jerk , idiot , and whatsoever , Grrr !"

" Huminahon ka , Shine ang BEAUTY mo ! May meeting pa mamaya kaya alagaan ang pretty face para kay Mr.Prince #cuteandhot ." malanding wika ni Rica dito habang pumipilintik pa ang mga daliri .

" TSE . I want some air , get lost !" sinamaan ni Shine ng tingin ang kaibigan dahil pikon na pikon at inis na inis siya kay Aemy . Walang nagawa ang kaibigan niya at umalis na lamang .

" Aemy ! Your late ?" nagtuloy-tuloy lang si Aemy sa upuan para maupo ," Pasensya na ho ." wika na lamang niya . Absent na naman si Richard , bakante kasi ang upuan niya . Nag-alala tuloy si Aemy sa kaibigan .

" By the way , Si Richard ay nagtransferee na sa ibang bansa dahil sa negosyo ng pamilya niya kaya ngayon ay mababawasan na tayo rito ." sabi ni Sir Rafael na ikinagulat ni Aemy , bakit hindi man lang nagpaalam sa kanya si Richard ?

Cute AcademyWhere stories live. Discover now