CAb2: Flashback.

579 24 2
                                    

" Tapusin mo kung anong meron kayo Lexer kung ayaw mong ako ang tatapos!" Pananakot ng kaniyang Ate , kadarating lang nila sa Paris ni Aemy ay agad na siya nitong pinatawag .

" Pero Ate , mahal ko si Aemy!" Sagot niya.

" Walang magagawa yang pagmamahal mo Lexer dahil may tungkulin ka! Wag ka ng magmatigas dahil ngayon palang sinasabi ko na sayo na magsasayang ka lang ng oras."

Wala ng nasabi si Lexer , noon pa man alam niya na mangyayari ito , dun pa lamang kay Riyumi pero wala eh hindi niya napigilan ang kaniyang nararamdaman .

Pinuntahan niya ang kwarto ni Aemy , sinalubong siya ng ngiti nito at alam niya na pansin nitong malungkot siya .

Nahiga siya sa kama ng dalaga at ipinikit ang kaniyang mga mata , nakikita niya ang sarili na nasa isang simbahan at hinihintay sa altar ang papalapit na si Aemy . Mahal niya ang dalaga , SOBRA.

Habang naghaharutan sila ay bigla na lang silang napagod dahilan para mahiga sa sahig , laking gulat nila ng bumukas ang pinto , si Ate.

Kinabahan ang binata , alam niyang hindi rin gusto ng kapatid niya si Aemy dahil sa tingin ng kapatid niya ay low class ito .

Hindi naman ito nagtanong ng kung ano-anu pero may nasabi lang ito ikinagulo sa isip ni Aemy kaya inaya ko na lang itong lumabas para wag iyon isipin .

Nagpunta sila sa isang Park , dun nila pinagmasdan ang mga bituin hanggang sa makatulog si Aemy . Mga ilang sandali lang ay hinatid niya na ito .

Ito ang huli niyang pakita sa dalaga , kahit misno sa pageescort sa dalaga ay hindi niya na nagawa buti na lang ay tinawagan niya si Jett para ito na lang muna ang pumalit sa kanya.

Sa oras ng contest ay nanunuod siya ng palihim , ng tawagin na kung sino ang nanalo ay nahagip siya ng mata ng dalaga , nginitian niya ito ng marinig niyang ito ang nanalo . Nagkumpulan ang mga tao kaya dali-dali siyang umalis .

Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata niya ng di niya inaasahan , nakakabaklang tignan pero yun talaga .

Bumalik siya sa bahay kunsaan nakatira ang Ate niya , malapit na rin ang alis niya papunta Westerland , oras na lang ang hinihintay niya .

Kinabukasan , sunod-sunod na katok ang narinig niya . Akmang bubuksan niya na ng makita sa screen kung sino ang nasa labas . Si Aemy ,

Napalingon siya sa kapatid kaya naman ito ang nagbukas ng pinto . Nagtago siya sa likod ng pinto habang naririnig ang pag-uusap ng dalawa .

" Hinahanap mo ang kapatid ko ? Kung ganun ay nakauwi na pala siya ?" Tanong ng Ate niya.

" Ano po ? Hindi ko maintindihan ?"

" Bumalik na siya sa palasyo para balikan ang mga tungkulin niya at ikaw------wag ka ng umasang babalikan ka pa ng kapatid ko !"

Matapos yon sabihin ng kaniyang ate ay agad nito isinirado ang pinto , narinig niya pa ang paghagulhol ng dalaga . Akmang bubuksan niya na ang pinto ng magsalita ang kaniyang kapatid .

" Subukan mo.." napabitaw siya sa pagkakahawak sa pinto at napasuntok na lang sa pader , dumugo ang kanyang kamao dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya rito.

Paano niya nagagawang saktan ang babaeng mahal niya ?? Hindi niya lubos maisip na magagawa niya ito . Patawarin sana siya ng dalaga .

Mula sa pagbabaliktanaw ay napabangon si Lexer sa pagkakahiga ng may sunod-sunod na katok ang narinig sa pinto ng silid nila ng kaniyang asawa .

Pinatuloy niya ang mga ito , at mataman siyang nakinig sa balita na sa palagay niya ay masama.

" Ikinalulungkot po namin na ipahayag sayo inyo Mahal na Hari , ang Mahal na Reyna ay naaksidente . Dinala ito agad sa hospital ngunit huli na po .." napatayo siya dahil sa sinabi ng mga ito , hindi niya alam ang unang gagawin , naalala niya lang kanina nagpaalam ito upang puntahan ang farm nila pero di niya inaasahan na ganito ang mangyayari .

Hindi niya mapigilang maluha dahil kahit papaano ay napamahal na sa kaniya ang kaniyang asawa.

Pinuntahan niya sa silid ang anak , mahimbing itong natutulog . Paano niya sasabihin sa anak na wala na ang kaniyang Ina , sigurado akong malulungkot ito ng sobra kapag nalaman ito .

Ibinurol ang katawan ni Jiwon sa palasyo kunsaan nagpupunta ang mga Royal family upang makipaglamay at makisalo sa dalamhati .

Iyak ng iyak ang batang si Yanah habang tinitignan ang walang buhay na Ina . Matalinong bata si Yanah kaya alam na alam niya kung anong nangyayari .

***

" Maiven ," tawag ni Trisha sa kaniyang asawa habang nagbbreakfast sila .

" Bakit ??"

" Tignan mo toh.." binigay niya kay Maiven ang isang diyaryo ," Namatay daw ang Reyna ng Westerland sa isang Car Accident ?? At kung hindi ako nagkakamali eh asawa yon ni Lexer diba ??"

" Oo."

" Kawawa naman si Lexer ,"

" Gusto ko sanang puntahan ang kaso pwede ba ??"

" Pwede naman kaso paano ang birthday ni Candy ??" Sabi niya at itinuro ang anak na kumakain .

" Monday pa lang naman , 3days lang ako then sakto nandito na ako on saturday . Sasabihan ko rin sila Jett at Saffira .... si Aemy kaya sa tingin mo ??"

" Sa tingin ko hindi sasama si Aemy , alam mo naman diba ?"

" Oo nga , Sige sige .."

Pagkatapos kumain ay di rin nagtagal ay umalis na ang mag-asawa , naiwan na naman qng batang si Candy kaya malungkot na naman ito.

***

" Sure ka ha! Bukas agad gamit yung jetplane mo ?? Sure ! Iba ka na talaga Jett , hindi ko akalaing magiging piloto ka!" Wika ni Maiven .

" Ganun talaga , ikaw nga rin eh .. laki na ng kompanya mo ." Si Jett ," at akalaing mong tatagal kayo ni Trisha .."

" Palibhasa kasi , di kayo nagtagal ni Saffira ! Yan tuloy nag-asawa agad .. ilan na ba ang anak ?"

" Balita ko tatlo daw , may twins eh .."

" Akalain mo yon.. haysss! Ikaw na lang ang binata , anong balak mo ? Tumandang binata ? Hahaha."

" Baliw hindi noh ! Sadiyang di ko pa talaga siya nakikita .."

" Nakita mo na kaso pinakawalan mo lang !"

" Adik! Sige na.. ikaw na kumontak kay Saffira .."

" Sige ."

Matapos ang pag-uusap nila ni Jett ay si Saffira naman ang kinontak niya . Buti na lang talaga high tech. Na ngayon at hindi ako nahirapan makausap sila at mahanap ang contact nila .

" Feel sad for him .." sabi ni Saffira ng ikwento ko sa kaniya ang nabalitaan ko ," kaya panay ang balita sa bansa nila ah .. eh alam mo namang hindi ako enteresado sa mga ganon kaya di ko pinapanuod .."

" So, balak kasi namin ni Jett na damayan ang kaibigan namin .."

" Ahhh.."

" Gusto mo bang sumama , don't worry gamit naman nating yung Jetplane ni Jett kaya wala na tayong problema ." Sabi ni Maiven.

" Kailan ba ??"

" Bukas agad , kasi birthday ni Candy on saturday so 3days lang tayo don .."

" Okay , Sige sige .. iiwan ko muna mga babies ko kila -Mama . Buti na lang nasa bussiness trip yung asawa ko kaya pwede ako ."

" Sige , Saffira basta bukas .. 7am ha! Magkita na lang tayo sa *****.."

" Sige , salamat sa pagbalita."

" Walang ano man .."

***

Cute AcademyWhere stories live. Discover now