CAb2: Party pt.2

750 16 12
                                    

An: Hello, kay Diana ng Talisayan, Zamboanga City :) dini-dedicate ko toh para sa kanya . Wala kasi siyang account kaya di ko ma-tag. TAG ? kamusta naman yon , ano toh facebook ? HAHA . Djoke.

Aemy's POV.

Di ako makagalaw sa sobrang sakit ng pagkakasuntok sa akin ng lalaki kanina kaya hindi agad ako makatayo hanggang sa nagulat na lang ako ng buhatin niya ko . Binuhat ako ni Lexer gaya ng dati nung nasaksak ako . Naglakad siya palabas .

" Mahal na Prinsepe saan ho kayo pupunta ?" Tanong ng isang lalaki , hindi siya lumingon , napakapit ako sa batok ni Lexer at sumubsob ako sa dibdib niya , naluha ako sa nangyayari .

" Lexer..." sabi ko tumingala ako sa kanya , tinignan niya rin ako at pagkatapos ay may tumulong luha sa mga mata niya . Lumuluha siya , umiiyak ang Lexer ko .

" Dadalhin kita sa hospital . Masakit ba ?" Naluluha niya tanong sa akin . Umiling ako , masakit pero ayokong pumunta sa hospital baka magkahiwalay lang kami dun .

" Dalhin mo ko sa Condo ko ." Sabi ko sa kanya at mas lalo pa akong kumapit sa kanya . Hindi na siya nagsalita hanggang sa may tumawag sa pangalan ko .

" Aemy .." Boses iyon ni Kevin , liningon ito ni Lexer at huminto ." Ako na ang bahala sa kanya ." Sabi nito na siyang kinainis ko .

" Sig---" Magsasalita sana siya ng ,

" Si Lexer ang maghahatid sa akin , Kevin !" Pagpipigil ko . Tinignan ako ni Kevin at pagkatapos ay kay Lexer .

" Sige ." Seryosong sagot niya at yun nga ang ginawa ni Lexer , isinakay niya ako sa kotse .

May kinuha siyang coat sa likod ng kotse at isinuot sa akin , napanisn niya sigurong naka-tube dress ako . Coat ng babae .

" Kay Jiwon toh noh ?" Tanong ko . Nagulat naman siya sa tanong ko kaya naman ang ginawa ko ay hinalikan siya . I miss this .

His lips in my lips . Ang init ng kanyang halik ang mas lalong nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal niya . Itinigil ko ang paghalik at tumingin sa mga mata niya .

" Totoo bang ikakasal ka na--Aww!" Napasigaw na lang ako ng makaramdam ako ng kirot sa gilid ng tiyan ko ." Kahit anong mangyari wag na wag mo akong dadalhin sa hospital , Lexer !" Nasabi ko na lang sa kanya hanggang sa nanlabo na lang ang mata ko at napahawak sa kamay niya .

Naramdaman kong pinaandar niya ang kanyang kotse ," sa condo ko , pleaassee.." bulong ko sa kanya .

" Pero---"

" pleaassse , Babe !" Hindi na siya nagsalita ng sabihin ko yon , sinabi ko kung saan ang condo na tinutuluyan ko at dun niya nga ako dinala . Pagkarating ay inihiga niya agad ako sa kama ko .

" May gusto ka ba ?" Tanong niya sa akin , " namumutla ka oh . Kailangan kitang dalhin sa hospital ." Nag-aalalang sabi niya . Umiling lang ako .

" Gusto ko dito ka lang sa tabi ko ." Sabi ko ." Gusto kong makausap si Lexer na mahal na mahal ko ." Lumuluhang sabi ko habang hawak-hawak ang kamay niya .

" Ano bang nangyari , Lexer ? Pwede bang sabihin mo sa akin ? Hindi ako magagalit . Mahal mo naman ako , diba ?" Sunod-sunod na tanong kahit nahihirapan ako .

" Sobra , Aemy . Sobrang mahal kita ." Sabi niya at hinalikan ang likod ng palad ko , pinunasan niya ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko .

" Bakit bigla ka na lang umalis ?" Tanong ko .

" Malubha na ang sakit ng Mahal na Reyna at nakahanda ng bumaba sa posisyon ang Mahal na Hari kaya kailangang-kailangan na ako ng bansa ko , Aemy ."

Cute AcademyWhere stories live. Discover now