Sorry.

564 24 21
                                    

Gusto ko sanang mag Sorry dahil nasa hindi magandang kalagayan ang Author niyong nainlove kasi siya sa isang wattpad reader niya , haysss hayaan niyong ikwento ko . Maganda ang relasyon namin kahit di kami nagkikita (LDR kung baga) sa una sabi ko siguradong lokohan lang yon pero di ko akalain na tumagal na nga kami ng 9months dun nabuo yung mga pangarap namin simula sa pagtatapos ng pag-aaral hanggang sa magpakasal at magkaanak kaming dalawa . Ang dami naming pangarap pati ata kisame ng magiging bahay namin , planado na namin pati rin pangalan ng limang magiging anak namin . Dahil sa LDR kami pinapadalhan niya na lang ako ng kung anu-ano like Couple Shirt namin , Teddy bear at Couple Watch . Napakasaya at napakakulit ng relationship namin pero dumating yung time na nagkaroon ng isang Contest/Pageant na kasali siya that time I sacrifice kasi wala sakin yung time niya , kung di ko pa tatawagan di pa kami magkakausap pero worth it naman kasi nanalo siya 2nd runner at may 2 awards pa pero yung kapalit nun ay isang dagok sa relasyon namin , na-Fall siya sa isa sa mga candidates at na-fall din yung girl sakanya . Hindi daw siya makapili sa aming dalawa dahil ayaw niya kaming mawala . May sakit din yung girl sa puso kaya iniiwasan niyang masaktan .

Sana nagkasakit na lang din ako sa puso noh? T.T

Ang sakit sakit sakit ng sobra na malamang may iba na siya , ang saya namin dati eh kahit LDR kami kilala ko ng mga kamag-anak niya at family niya pati family ko kilala siya at mga friends of friends namin . Pero sa isang iglap magbabago ang lahat , wala kaming break-up pero tinanggal ko na lahat ng contact namin . Sinira ko na yung sim ko at blinock ko na siya sa fb.

Nagkausap kami kagabi , naging okay ako pero hindi ko tanggap yung reason niya . Na lalaki lang siya , katawan lang daw nung babae yung habol niya pero mahal niya din naman daw kahit ganun , hindi ako nakapagsalita kasi ang laking sampal nun sa akin eh.

Gustuhin ko man na bumalik kami sa dati eh wala na akong magagawa hindi ko hawak ang puso niya . Kung mahal niya talaga ko , hindi na siya magmamahal ng iba .

Sorry Guys nakapag-emote pa ko eh ang gusto ko lang namang sabihin na mahihirapan akong mag-update dahil sa hindi magandang kondisyon ko ngayon.

Sana maintindihan niyo. Wala na kasing ibang ginawa ang Author niyo kundi umiyak ng umiyak sa sobrang sakit :'(

Pwede bang Advice-an niyo si Author ? :'(

Cute AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora