CA: Life Must Go On

928 22 1
                                    

" Punta ka sa kasal !" aya ni Trisha habang nasa canteen kami ." Ikaw lang ang maiinbitahan ko , alam mo namang ikaw lang ang bestfriend ko ."

" Sige pupunta ko !" nakita ni Aemy ang luha na bumagsak sa mga mata ni Trisha pagkasabi nun ," Oh bakit ka umiiyak ?"

" A-ayokong ikasal sa kanya , Aemy !!"

" Alam ko , pero sana una pa lang tinanggihan mo na talaga eh .. tapos ngayon isang linggo na lang kasal niyo na at preprerado na ang lahat ."

" Kaya nga eh .. Ang tanga-tanga ko talaga , dapat linabanan ko si Mama eh !"

" Hayaan muna ! Mabait naman si Maiven , matututunan mo rin siyang mahalin !"

" Kailan pa yun , Aemy ?!"

-

Limang buwan na rin ang lumipas simula ng mangyari ang araw na yun , isang linggong naging usap-usapan si Aemy sa CA . Wala siyang nagawa kundi ang wag na lamang silang pansinin . Naging iba na nga lang ang buhay niya , kung dati isa siya sa mga nambubully sa dati niyang paaralan ngayon ay siya na ang nabubully . Kundi siya babatuhin ng kung anu-ano ay pahihiyain naman siya at pagtatawanan .

Masakit para sa dalaga ang kalagayang iyon dahil di naman siya ganun o mas tamang sabihin na hindi siya sanay sa kalagayang iyon . Siga siya , maton at hindi inaapi ng kahit na sino .

" Oh ! Aemy , huling praktis na natin ito .. Infairness hindi ka na patpatin !" sabi ni Ma'am Lea..ang trainor niya sa pagpapaganda ng katawan .

" Kaya nga po eh . Medyo tumaba ako , di na ako patpatin tulad ng dati !" nakatawang wika ng dalaga .

" Oh Shine ?! magwo-work out ka ?" napalingon si Aemy sa babaeng kinausap ni Ma'am Lea . Gustong suntukin ni Aemy ang babaeng yun pero di niya magawa dahil alam niyang makakasuhan siya .

" Ayy .. Hindi na ! Nasira agad araw ko !!" sabi nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa , sinamaan na lamang ni Aemy ito ng tingin . Umalis na si Shine .

" Siya pa rin ang top sa ranking dito sa CA pero di ko siya gusto . Ang sama ng ugali niya ! Akala mo kung sino..Grrr !! Eh pinaglipasan lang naman siya ni Lexer , kahalikan para pagselosin si Riyumi . TSE !" halos umusok ang ilong ni Ma'am Lea dahil sa sobrang inis .

" Pagselosin ?" pagtataka ni Aemy .

" Pagselosin si Riyumi , gagamitin ni Lexer si Shine , ang gaga naman feelingera akala mo eh gusto talaga siya ng binata !"

" Eh bakit naman pagseselosin ni Lexer si Ma'am Riyumi ?"

" Yung dalawa kasing yan may something ! Haisstt .. Pag-ibig nga naman , nakakaloka ! Ang dami na rin ginamit ni Lexer na babae at halos lahat ng iyon eh sinasabihan niyang walang kwenta dahil na rin siguro sa Mama niya kaya malimit na lamang siyang magtiwala sa babae !"

" Ano bang meron sa Mama niya ?!" tanong ni Aemy .

" Alam mo kasi bago mamatay ang Mama niya , sumakabilang bahay muna . Tse . Hindi pa ata nakuntento sa Hari ng Westerland , chossy pa !!"

" Ah kaya pala nananakit siya ng babae !"

" Oo pero di naman lahat ! Tatlong babae lang ang naging importante kay Lexer nuh ? Ang Queen ng Westerland na Lola niya , si Riyumi at yung nakarelasyon niya dati ? Di ko na alam pangalan eh ." napakamot pa ito sa ulo na tila ba nag-iisip pero hindi maalala .

" Bakit ang dami niyo pong alam tungkol sa kanya ?!"

" Adviser niya kasi ko ! Lagi siyang open sa akin kaya sa ating dalawa lang yun ah ." sabi nito at kinindatan ang dalaga ," Oh sige na alis na ako !"

Cute AcademyWhere stories live. Discover now