CA: Si Mr.President Ang Escort Ko Sa Contest

1.6K 34 4
                                    

Pagkarating pa lang ni Aemy sa parking lot ay bumungad na sa kanya ang napakaraming kotse napaisip siya na sana isa man lang dun ay meron siya pero natawa na lang siya ng makita niya ang bisikleta niya , bigla na lang pumasok sa isip niya na hanggang dun lang muna pala siya at balang-araw kahit ilan pang kotse magkakaroon din siya . Kapag yumaman na siya .

Pagkapasok na pagkapasok niya sa room nila ay feeling niya late siya dahil lahat ng kaklase niya ay naroon na pero sa tingin niya naman ay hindi pa dahil maaga siyang nagigising , ni minsan di pa siya nale-late . Siguro ayaw lang talaga nila ma-late kaya maaga pa lang pumapasok na . Naglakad siya patungo sa upuan niya wala namang pinagbago para lang siyang bula na dumadaan sa tapat ng mga kaklase niya para bang wala silang pakialam kung matae ka o madapa . Nang makaupo siya sakto naman na dumating na ang guro nila .

" Good morning , class !" wika ng kanilang guro na si Sir Rafael , kararating lang . Binati naman din nila ang guro nila pero di  man lang tumayo na para bang tinatamad . " Ang topic natin ngayon ay tungkol sa mga magiging contestant at varsity ng eskwelahang ito . Alam ko namang pamilyar na kayo sa mga contest na sinasalihan ng eskwelahang ito diba ? Isa lang naman ang pinakamahalagang contest na sinasalihan ng eskwelahang ito eh kundi," napaisip naman si Aemy kung bakit hindi pa sila nag-aaral kung baga hindi pa ito nagtuturo tungkol sa mga subject na kailangan nilang malaman , bakit puro lang sa eskwelahan ang priority nila ? Nainis naman si Aemy at tumayo .

" Sir , pasensya na ho ah ?! Bakit di pa po kayo nagtuturo ? Puro na lang po kayo tungkol sa eskwelahan ?" naiinis na wika ni Aemy na hindi mapakali . Tinaasan lang siya ng kilay ng gwapo nilang guro kaya mas lalo pa siyang nainis ." Sa pagkaka-alam ko ho ay paaralan ang pinuntahan ko at hindi paligsahan ng kung anu-ano man na may kasama pang napakahabang rules na umaabot ang araw bago matapos ."

" Sa pagkaka-alam ko rin Ms.White ang Ina mo ay nagbigay karangalan sa eskwelahang ito kaya hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang matagal ng pinag-uusapan ng mga guro na ilalaban sa Emerald Cutie Contest ?" banat sa kanya ng kanyang guro na akala mo ay napaka-seryoso at istriktong tao , naguluhan naman siya sa sinabi nito at napansin niya na hindi makapaniwala ang kanyang mga kaklase sa sinabi nito .

" Emerald Cutie Contest ? Ipanlalaban ? AKO ?" nanlaki ang mga mata ni Aemy habang tinatanong iyon .

" Yup ! Ang Emerald Cutie Contest ay ginaganap sa Paris kung saan ang nagmamay-ari ng Contest na iyon ay si Emerald Yi , Prinsesa ng isang bansa ngunit nakatira sa Paris . Ang Ina mo ang unang naglagay sa eskwelahang ito ng karangalang makamit ang korona ng Emerald Cutie Contest , iba't ibang bansa ang sumasali dun kaya hindi namin lubos maisip na makukuha ng iyong Ina ang korona at naging dahilan pa iyon upang maging sikat ang paralan na ito sa buong mundo ." paliwanag nito .

" Eh bakit ako ?" nagtatakang tanong ni Aemy at tinuro ang sarili .

" Unang kita pa lamang sayo ni Ma'am Arlene , napansin niyang ikaw na ang susunod sa yapak ni Beatrese , I don't know why ? dahil wala naman akong napansin sa iyong kakaiba , may pagkakahawig kayo ng iyong Ina . Oo , pero prangkahan na tayo , Aemy hah ? iba kasi ang kagandahan ng iyong Ina kesa sayo ?" wika nito , sumakit man ang loob ni Aemy linakasan niya na lang ang loob niya dahil sa sinabi nito . Alam niya namang mas maganda ang kaniyang Ina at walang-wala siya kaya dapat wag siyang masaktan dahil iyon ang totoo ." Pero sa tingin ko iba naman ang side ng kagandahan mo , Aemy ? Kakaiba ito at tago . Pero kung gusto mo itong ilabas , ipakita mo ."

Cute AcademyWhere stories live. Discover now