CAb2: Liam

749 30 2
                                    

Lexer's POV.

" Yeah! Kailangan niyo na siyang paalisin sa bansang ito sa lalong madaling panahon bago pa sumapit ang kasal ." Sabi ko kay Sherly habang tinitignan kung gaano kasaya si Aemy na hawak ang Ultrasound result ng kaniyang baby .

Kasama niya rin pala si Kevin .

" I think mas magandang kausapin mo siya , Mahal na Prinsipe . Pansin ko sa kaniya simula pa lang ng aming pagkikita ay mabait siyang tao , at may puso ." Wika ni Sheryl . Si Sheryl Lee ay isa sa mga personnel ko na pinagkakatiwalaan ko .

" Pero---"

" Matatakot ka na naman ba ?"

" Hindi naman sa ganun Sheryl ! Alam mo kung ano yung mga dahilan ko .."

" Kaya nga , Mahal na Prinsipe .. ipaliwanag mo iyon sa kanya ! Kahit gaano kalawak ang pagkakangiti niya sa mga oras na ito , pagmasdan mo pa rin ang kanyang mga mata kung gaano kalungkot at nangungulila ito sayo ."

Natahimik na lang ako . Tama nga siya pero nakapagdesisyon na ako , kailangan niya lang umalis dito para matapos na ang lahat .

Aemy's POV.

" Wow! Grabe ... ang healthy ng baby ko kahit laging malungkot si Mommy niya ."sabi ni Aemy habang hawak hawak ang resulta ng ultrasound.

" Pasaway ka rin kasi buti na lang mana sa akin ang baby mo .." sabi ni Kevin habang naglalakad kami . Tirik ang araw ng mga oras na yon kaya medyo nahihilo ako . Tagaktak na rin ang pawis ko .

" Utot mo. Mana sa akin ang baby ko ! Kahit anong problema malakas pa rin ako .." sabi ko , may nakita akong isang playground kaya naman dali-dali kong tinungo iyon sumunod naman sa akin si Kevin , napaupo ako sa isang bench sa may gilid at ganun din si Kevin .

Napansin nitong medyo nahihilo ko dahil nasapo ko ang akong sentido at napahawak ako sa dibdib ko , naninikip ang dibdib ko  .

Dahil siguro ito sa pagod dala ng paglalakad nanin habang tirik ang araw .. di ko na kasi pinagamit kay Kevin yung kotse niya mas maganda kasi maglakad na lang kami para dagdag exercise kahit papaano pero di ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari . Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga , pero pinipilit ko ..

Halos mapasigaw na ako dahil sa sakit nararamdaman ko kaya naman nag-aala agad si Kevin ," Aemy , anong nangyayari ? Ayos ka lang ?"

Di ako makapagsalita .

Hanggang sa nakaramdam ako na para bang may lumalabas sa akin . Ihi ba ito ? Hindi.

" Aemy.."

" Aemy.."

" Aemy.."

Naririnig ko ang pahinang pahina na boses ni Kevin , hanggang sa hindi ko na nga siya marinig . Hanggang sa nandilim na ang mga mata ko at napapikit na ako .

Kevin's POV.

" Kailangan namin siyang i-cesarean section dahil hindi niya kakayanin ang normal na panganganak , Mr. Lee . So, we need to know your decision for your wife and son ?" Sabi ng Doktor ng dalin ko si Aemy sa Hospital matapos itong mahimatay . Sa dami na ring lumabas na panubigan sa kanya ay sigurado talagang mahihirapan na itong manganak ng normal .

Kaya naman sumang-ayon na ako sa gusto ng Doktor, " Gawin niyo po ang makakaya niya , Dok ! Parang awa niyo na !" Sabi ko .

" Sige , Mr. Lee ! Maiwan na kita ." Sabi nito at umalis na nga .

Kailangan kong tawagan si Lexer dahil kailangan niyang malaman kung anong nangyayari sa mag-ina niya . Yes , I have a contact with him . Sa Hospital kung saan sinundan niya kami ni Aemy nung hinimatay ito dati ay nagka-usap kami .

Cute AcademyWhere stories live. Discover now