CAb2: Twist.

730 26 4
                                    

Bata pa lang siya ay lagi na siyang kinukulong ng kaniyang Kuya , nagulat na nga lang siya isang araw ng bigla nitong sabihin na malaya na siya dahil hindi niya daw kasalanan ang kawalang-hiyaan ng kanilang ina . Anak kasi siya ng isang Reyna na pumatol sa isang ordinaryong lalaking minahal nito . Kasal kasi ang reynang ito sa hari ng Westerland kaya ng malamang nabuntis ang kanilang ina at siya nga ang bunga ay kinuha siya , hanggang sa hindi niya na nga makita ito at nabalitaan niyang patay na ito .

Kapatid niya si Prince Lexer Yi ,  siya ang batang lalaki na laging nagtatago sa bodega ng bahay nito dahil ikinahihiya siya ng pamilya nito , isa nga kasi siyang bastardo .

Pero ngayon ay malaya na siyang namumuhay kasama ang Mayordoma ng kanilang bahay , nagbago lang ang kaniyang buhay ng makilala niya ang babaeng nagngangalang Aemy , ang babaeng minahal ng kaniyang Kuya Lexer . Laking pasasalamat niya rito dahil sa tingin niya ito ang naging dahilan kung bakit namulat ang mga mata ng kaniyang Kuya sa poot at galit nito sa ina .

Mahirap intindihin ang ugali ng kaniyang Kuya dati dahil sa sobrang galit nito sa ina ay nakukuha nitong manggamit ng babae upang saktan lang , pero nagmahal naman ito at yun ay si Kyla kaso hindi siya nito ipinaglaban at ang sumunod ay si Ma'am Riyumi , ang kaso nga lang ay hindi ito tanggap ng mga magulang ni Prince Lexer hanggang sa malaman din ng kaniyang Kuya na may ibang lalaking mahal na rin pala ito  . Hanggang sa buti na lang talaga ay dumating sa buhay nito si Aemy na misyon niyang hanapin ngayon .

***

Habang nasa botique si Aemy ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang sinabi ng kaniyang Grandma patungkol sa Fraemear Company . Hindi naman kasi kalakasan ang botique ngunit natutugunan naman nito ang kanilang pangangailangan ngunit naiisip rin naman niyang hindi pwedeng ganun na lamang ang sistema ng kanilang buhay .

Hindi niya rin kasi magamit ang kursong natapos niya dahil gusto niyang asikasuhin pa rin ang anak . Yun kasi ang first priority niya sa lahat , si Liam .

Mula sa pag-iisip niya ay may isang matanda ang pumasok sa botique niya at umorder ng isang dosenang white flower . Matapos yon ay may isang dalagita na naman na bumili , mukhang marami siyang magiging benta ngayon .

Hindi nga siya nagkamali naubos ang kaniyang paninda . Sabado ngayon pero nakaubos siya , kadalasan kasi ay araw talaga ng linggo nagiging malakas ang kaniyang paninda .

" Sirado na ho ba ?" Tanong ng isang binata ng akma na niyang isasarado ang sliding door ng botique niya .

" Oo , Hijo ! Dun ka na lamang kala-Aling Gloriet mukhang marami pa yung kaniya eh ." Sabi ni Aemy habang sinususian ang gate na bakal .

" Hind. O-order na lang ako ! Gusto ko sana ikaw ang maghatid nito sa lunes , ito ang aking address ---"

" Pero hindi po ako nagpapa--"

" Worth 10K for dozen of red roses , deal ?" Nanlaki ang mata ng dalaga sa laki ng halagang sinasabi nito kaya naman wala siyang nagawa kundi ang mapatango na lamang . Inabot niya ang address nito at mukhang pamilyar ito sa kanya , hindi na nga lang niya matandaan .

Matapos nang pag-uusap nila ng binatang lalaki ay nagtungo siya sa Mall para dalhang ng pasalubong ang kaniyang Ama at si Liam .

Habang naglalakad ay may napansin siyang bata na pamilyar sa kaniya ang mukha . Kakakita niya lamang dito kaninang umaga .

Si Candy.

Mukhang Daddy niya yung lalaking nakatalikod at nagbabayad sa cashier , nakasimangot ang batang si Candy . Nasa Toy section kasi sila ng Mall . Napatingin sa kaniya ang bata , napakunot-noo si Candy ng makilala si Aemy sa mukha .

Cute AcademyWhere stories live. Discover now