CAb2: I Never forget

637 26 9
                                    

Matalim na tinignan ni Liam ang kanyang kaklase matapos niya itong suntukin dahil sa pang-aalaska nito sa kanya .

" Aba! Matapang ka na ??" Dali-dali siyang sinuntok pabalik nito dahilan para mapahiga siya sa sahig ," Ano Ha!? Wala ka naman talagang Tatay eh ! Akala mo kung sinong matapang ! Wala naman talagang Tatay , napulot ka lang kasi ng Nanay mo sa tae ng kalabaw .HAHAHHAHA! KAWAWA KA NAMAN! Diyan ka na nga!" Sabi ng bata at saka siya tinalikuran .

Nagsitawanan ang mga batang nakapaligid sa kanya ng mga oras na iyon .

Linapitan siya ni Isaac , ang kaniyang kaibigan ," Pasensya na , Liam hindi kita naipagtanggol alam mo naman ang mangyayari kung sakaling makialam ako eh." Itinayo siya nito . Habang tumatayo ay siya namang pagdating ng kanilang  guro .

" Bakit kayo nagkukumpulan dito ? Magsibalik na kayo sa room niyo mga bata." Sabi ng guro kaya naman nagsibalik na ang mga ito at si Liam at Isaac na lang ang natira .

Marahang yumukod ang kanyang guro upang maabot ang kaniyang baba at makita ang dumudugong labi niya sa may gilid .

" Anong nangyari dito Ha? Bakit dumudugo ang gilid ng labi mo , Liam ?" Hindi sumagot si Liam kaya binalingan ng guro si Isaac ," Ano ?"

" Ho? Kasi ho ... Sila Ej ho kasi inalaska na naman si Liam kaya sa sobrang galit ni Liam nasuntok niya po ito kaya gumanti si Ej kay Liam." Kinakabahang sagot ni Isaac sa guro .

" Hay.. Naku kayo talagang mga bata kayo !" Nasapo ng guro ang kanyang ulo , at dinala si Liam sa clinic upang gamutin . Pagkatapos ay ," Tatawagan ko si Ms.White para ipaalam ang pangyayaring ito kaya jan ka lang ha!" Sabi ng guro kay Liam at pinaupo ito sa isang silya .

Agad na nga tinawagan ng guro ang ina ni Liam .

" Goodmorning , Ms. White . This is teacher Janice ."

" Ma'am, kayo ho pala .. Goodmorning din ! May problema ho ba ?"

" Mas maganda po sanang pumunta na lamang ho kayo sa eskwelahan para ipaliwanag sa inyo ang nangyari . About your son , okay naman siya , Ms. White ."

" Sige po , Ma'am!"

Yun lang at ibinaba na nga ng guro ang telepono at sunod na tinawagan ay ang mga magulang ni Ej upang ipaalam din ang nangyari . Wala namang galos o kahit anong sugat si Ej dahil masiyadong maliit si Liam para makagawa non , habang si Ej ay malaking bulas na bata .

Alalang-alala na dumating si Ms. White sa eskwelahan at nang makita ang anak ay agad itong niyakap ng buong higpit na akala mo'y matagal silang hindi nagkita .

" Anak ko ? Anong nangyari jan sa labi mo ?" Nag-aalalang tanong niya sa anak dahilan para tumulo ang luha nito .

" Nana , wala po ba talaga k-ong Tatay ??" Tanong ng kaniyang anak habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata nito .

" Nakkoo.. Anak!" Nagulat siya sa itinanong ng anak dahil binaon niya na sa limot ang sagot don   Pinunasan niya lamang ang mga luha ng anak na patuloy na naglalandas sa pisnge nito ," Diba nandiyan naman sila TitoNinong Renz tapos lalo na si Dada Kevin mo ? Lagi ka nga niyang pinapadalhan ng mga Toy na gusto mo , diba ? OH! Ang ang dami mong Tatay , kaya wag mong sabihin wala , Anak hah.."

" Yung real dad ko , Nana ! Si Dada Kevin , his your bestfriend and TitoNinong too . dapat yung real dad ko yun po yung asawa niyo , Nana ! Nasaan na po siya ?" Tanong ulit ni Liam na patuloy pa rin na naiyak .

" Eh kasi anak mahirap ipaliwanag yun sa ngayon ! But I promise , when you are at the right age I will explain it to you ? You only need to do right now is to trust Nana Ha? Because Nana loves you ." Sabi ni Ms. White at marahang dinampian ng halik sa noo ang anak ." You love Nana too , right ?"

" Yes , Nana I love you too.."

***

" Ngayong pong nasa harapan ko na kayo ay gusto ko ho sanang iparinig sa inyo ang nakita ni Isaac ." Sabi ng guro at tinawag si Isaac ," Come here , Baby .."

Matalim na tinignan ni Ej ng masama si Isaac kaya naman agad itong kinabahan pero kailangan niya magsabi ng totoo . Gaya ng ikinuwento niya sa guro ay yun din ang sinabi niya .

Matapos ang pag-uusap na iyon ay pinauwi na sila ng guro . Nagkaayos na rin ang dalawang bata na kahit sa loob-loib ni Ej ay balak niya gantihan ang dalawang magkaibigan dahil yari siya nito sa Mommy at Daddy niya .

" Ang laki naman pala nung Ej noh ? Pero anak Ha, sa susunod wag mo ng uulitin na mangunang manuntok , alam mo ba kung bakit ?"

" Bakit , Nana ?"

" Diba pogi ka ?" Tumango si Liam ," nakakabawas ng pagkapogi points yun sa mga chicababes , sige ka ! Di ka na magiging Crush ni Audrey !" Sabi niya sa kaniyang anak habang lulan sila ng bus .

" Ehhhh Nana! Bata pa ko , pero alam ko talagang pogi ako at hindi na mababawasan toh!" Pilyong sabi ng anak kaya naman natawa na lang siya , ganun din ito . Lumabas ang dimple nito sa pisnge at nawala ang itim nb mata dahil sa sobrang singkit na pinagmanahan sa kanyang ama .

" Ay! Suuuss.. 4 years old ka palang gumaganyan ka na . Ang dami mo talaga nalalaman sa TitoNinong Renz mo eh noh ?!" Sabi ni Aemy sabay kurot sa pisnge ng anak na di naman ganun kasakit .

" Arayy! Nana , may sugat ako sa gilid ng labi , right ??" Napakamot na lang sa ulo si Aemy ng mapagtantong may sugat nga pala ito .

Di nagtagal ay nakarating na nga sila sa kanilang bahay , namataan nilang naglalaro ng playstation si Renz at ang kanyang Papa na si Renato .

" Tado ka talaga , Renz ! Naunahan mo pa ako dun !" Rinig niyang sigaw ng kaniyang Papa mula sa loob ng bahay .

" Eh wala , Mang Renato ! Mas bata kasi ko !" Pang-aalaska ni Renz .

" Aba't--" akmang kukutusan na ni Mang Renato si Renz ng sumulpot ang mag-ina na sina Aemy at Liam sa pinto ," Ayyy.. ito na pala ang apo ko ! Oh ?? Anong nangyari sa gilid ng labi mo ?"

Naghand pakners sign si Liam kay Mang Renato at Renz pagkatapos ay nilapag ang bag sa upuan .

" Ayon pinakitang mas matapang na sa inyo sa school nila ." Sagot ni Aemy at agad naman na nagsilapitan ang dalawa sa bata .

" Oh Sinunod mo ba yung technique ko sa panununtok ha?" Tanong ni Renz .

" Oo , TitoNinong kaso masiyado siyang malaki eh kaya di ko napatumba at ako ang napatumba." Sagot ni Liam , napaupo naman si Aemy at kinalikot ang bag ni Liam .

" Eh saan mo ba naman ba pinatamaan ?" Tanong ni Mang Renato .

" Sa tiyan ."

" Ayyy! Tinamaan na..dapat sa mukha para sabog---*Boghs* Aray!" Napakamot na lang sa ulo si Kevin dahil sa malakas na pagtama ng libro sa ulo niya na ibinato ni Aemy .

" Kung ano-anu tinuturo niyo sa anak Renz  pati ikaw din Papa eh . Bawal yan maging katulad ko !" Sabi ni Aemy na naalala ang kaniyang kabataan dahil Hari/Reyna nga siya ng Tondo dahil lagi siya nakikipagbasag-ulo kaya naman laging suki ng presinto .

" Nakkoo, Aemy ! Like mother..." si Renz ,

" Like SON !" Dugtong ni Liam at nag-Pogi pose pa , natawa na lamang siya . Para kailan lang  ... I never forget ...

Cute AcademyWhere stories live. Discover now