CA: Sleeping Beast

946 27 7
                                    

" I'm so sorry to say , Mr.Yi she's in critical condition now but we do our best para makaligtas siya ." sabi ng doktor ng madala na ng binata si Aemy sa hospital .

" Dok , PLEASE ! gawin niyo lahat ng makakaya niyo !! Nagmamakaawa ako , Dok !" pagmamakaawa ng binata .

" Yes , Mr.Yi ! We do our best but for now on patient need blood dahil maraming nawalang dugo sa kanyang katawan ."

" Pwede akong magdonate , Dok !" suhestiyon niya ," Type A ako ."

" Good ! She's type A too ." sabi ng Doktor at tumawag ng isang nurse ," Kuhaan niyo siya ng dugo para sa patient ng room 108 ." utos ng doktor sa nurse .

" Yes ,Dok !" dinala ng nurse si Lexer sa isang kwarto at dun kinuhaan ng dalawang bag ng dugo kaya naman nakatulog ang binata sa sobrang panghihina dahil sa dami ng nakuhang dugo sa kanya .

-

" Nasaan ang anak ko ?" tanong ng ama ni Aemy sa nurse .

" Nasa 108 po siya !" agad na tinungo ni Renato , ama ni Aemy ang room 108 at dun niya nakita ang anak na nasa critical na kondisyon .

" Anak , patawad wala si Papa !" naluha si Renato ng makitang nanghihina ang anak . Gusto niya itong tulungan pero wala siyang magawa .

" Ang apo ko !" napalingon si Mang Renato sa nagmamay-ari ng boses na iyon . Si Aemy , ina ng asawa niyang si Beatrese ." Ngayon na may nangyari sa kanyang masama sa akin na siya titira ! Yan ang usapan natin ! Sabi mo aalagaan mo ang apo ko pero tignan mo nakaratay siya ngayon diyan !! Hindi mo iningatan ang apo ko , Renato !" naluluhang wika ng Lola ni Aemy .

" Hindi ko ginusto ito !"

" Hindi mo nga ginusto pero bakit nangyari ang ganito ! Nawala na nga sa akin ang anak ko pati ba naman ang kaisa-isa kong apo !" sabi ng matanda na tuluyan ng naiyak ," Kapag nagising siya ay kukuhanin ko na siya sayo !" deklara ng matanda atsaka umalis .

Walang nagawa ang ama ni Aemy dahil may kontrata sila patungkol kay Aemy na kapag may nangyaring masama dito ay mapupunta ito sa panig ng kanya Lola ito na ang kinatatakot ni Mang Renato , ang mahiwalay sa anak .

-

" Dahil sa nasa critical siyang kondisyon ay hindi siya makakasali sa contest !" sabi ng isa sa mga board ng paaralan na sumusuporta sa CA .

" Edi dapat ngayon palang palitan na natin siya !" sabi pa ng isa .

" Pero paano ang apo ko ?!" tanong ni Aemy , ang principal ng CA .

" Aemy ! Isipin mo ang nakararami , isipin mo ang paaralan ! Alam mong nakasalalay ang katanyagan ng Cute Academy sa Emerald Cutie Contest ! At sa ngayon alam mong hindi kaya ng iyong apo ang pagtutunggaling iyon , isang buwan na lang at tutulak na tayo sa Paris ." wika ng Presidente ng school .

" Pero , Mrs.President !" sambit ni Aemy .

" Patawad , Aemy !" pagpapaumanhin ng Presidente .

" Kung si Shine na lang kaya ang kuhanin natin tutal siya naman ang top 1 sa ranking dito sa CA , diba!"

" Yup ! Call him and train him in one month---"

" Pero paano kapag kinaya ng apo ko , pwede pa ba siyang humabol ?" tanong ni Aemy .

" Kung makakahabol !----Okay ! Dismissed !" pahayag ng Presidente at isa-isa na itong umalis at ang huli ay si Aemy .

Iniisip niya ang apo , sa pagsubaybay niya sa bawat galaw nito dito sa CA ay alam niyang pinaghirapan at pinaghandaan nito ang ECC kaya ayaw niyang mawala na lang itong bigla .

Cute AcademyWhere stories live. Discover now