CAb2: Because I'm a Princess.

607 25 3
                                    

SATURDAY

" Liam , tara na .."

" Heto na po , Nana.."

Mga ilang minuto ay lumabas na rin ng kwarto si Liam , isasama kasi ito ni Aemy na maghatid ng mga bulaklak . Hindi siya nag-isip ng kung anu-ano para isama si Liam sa bahay na yon tutal wala naman dun ang Ama nito .

Di naman nagtagal ay nakarating na sila , pinagbuksan sila ng isang Guard . Paanong nagkaroon ng mga Personnel dito ? Eh wala naman ito dati .

Patuloy na lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa loob sinalubong siya ng Matanda .

" Kung di ako nagkakamali ikaw ang nagdedeliver ng bulaklak ?"

" Opo,"

" At may kasama ka.." akmang hahawakan ng matanda si Liam pero itinago ni Aemy ang anak sa likod niya , nakaramdam naman ang matanda pero hindi na lang nito iyon pinansin ," Osige , Hija maupo ka .."

Umalis ang matanda pagkasabi nito nun kaya naman naupo sila Aemy , inilapag niya ang mga bulaklak sa Center table ng sala .

Tumayo ang kaniyang anak sa pagkakaupo at mukhang manghang-mangha ito sa laki at gamda ng bahay , hindi niya na lang ito sinuway at hinayaan na lamang .

Bigla na lang nagvibrate ang Cellphone ni Aemy , nagtxt ang kaniyang Papa .

Anak naiwan mo yung regalo..

Bigla namang naalala ni Aemy yung regalo niya kay Candy . Alam niyang malaking selebrasyon ang mangyayari mamaya sa birthday ni Candy dahil na din sa kailangan ay naka-Cartoon Character ang isusuot ng mga batang imbitado . Nireplyan niya agad ang kaniya Papa .

Babalikan na lang po namin , di rin po kami magtatagal dito .

Di naman alintana ni Aemy na kanina pa naka-akyat ang kaniyang anak sa hagdan kung saan may nasalubong itong batang babae .

" Who are you ?" Tanong ng batang babae .

" Liam.." Sagot ni Liam .

" What are you doing here ? Are you my Tito's friend ?"

" Who's your Tito ?"

" Tito Lexien .."

" Okay..."

" Bakit hindi mo yinuyuko ang ulo mo sa akin ? Hindi mo ba ako ginagalang ?" Tanong ng batang babae .

" Ginagalang ? For what ? Eh parehas lang naman tayong bata ."

" Hindi ako katulad mo .. hindi ako simpleng bata na nabubuhay sa mundo ,"

" Bakit naman ?"

" Because I'm a Princess .."

" HAHAHAHHAHA ! Your so funny---"

" No! I'm not .. Prinsesa talaga ko! Bakit hindi ka naniniwala ?"

" Dahil wala naman ganun .. atsaka sa ibang bansa meron nun , nasa Pilipinas lang po tayo Princess .."

" Hindi naman ako tagarito eh .."

" Eh taga-Saan ??"

" Liam?!"

" Yanah?!"

Napalingon ang dalawang bata sa tumawag ng kanilang pangalan , si Liam ay napalingon kay Aemy samantalang ang batang babae ay napalingon kay Lexien .

" Bata ka! Bakit ka nagpunta rito ?" Sabi ni Aemy sa anak at nilapitan ito ," Pasensya na Lexien ah!"

" Hindi okay lang .." Sabi nito at binaling ang tingin sa batang babae na nagngangalang Yanah ," Yanah , bumalik ka na sa room mo.."

" Paumanhin , Tito ." Sabi ni Yanah at yumuko pagkatapos ay tinungo ang kwarto sa di kalayuan .

" Nasa baba na nga pala ang mga inorder mo." Sabi ni Aemy at bumaba na sila .

Inabot ni Lexien ang bayad sa mga inorder nito at pagkatapos ay di na sila nagtagal at umalis na rin . Napalingon siya ulit sa bahay , napansin niya yung batang babae na nagwwave ng kamay sa kanila , nakita niya si Liam na nagwwave din ang kamay na sign ng *babye*

" Sino siya , Liam ?" Tanong niya sa anak ng makasakay na sila ng Taxi pabalik sa bahay nila .

" Yanah po ata ?"

" Ano siya ni Lexien ?"

" Tito niya daw po si Lexien .."

" Ahh.."

" Alam mo ba Mama sabi niya sa akin , isa daw po siyang Prinsesa .." bigla namang kinutuban si Aemy sa sinabi ng anak .

" Eh taga-saan ba siya ?"

" Hindi niya na po nasabi eh .."

" Ganun ba .."

Bigla namang napabuntong hininga si Aemy at napailing ." Hindi..." nasabi niya na lang .

Nakarating na sila sa bahay , kinuha lang nila ang regalo . Pagkatapos ay tinungo na nila ang bahay ng Grandfa at Grandma niya , di rin naman kalayuan ang bahay nila Maiven sa bahay ng Lola at Lolo niya kaya nag-stay na muna sila doon .

Mga 3pm pa naman ang start ng Party kaya di na niya muna pinasuot sa anak ang costume . Medyo mainit din kase dahil 1pm na , 2hours pa silang naghintay , nagmovie marathon muna sila .

" Aemy , nakapagdesisyon ka na ba ??" Napatingin siya sa kaniyang Lola , medyo malungkot ito ," may problema kasi sa kompanya , bumabagsak ang mga product na ini-export natin .. eh wala namang makapaghandle non dahil nasa bakasyon si John kanang kamay namin .. kaya Apo , ikaw na lang talaga ang pag-asa ng kompanya.."

Alam niyang pinaghirapan ito ng kanya Lolo at Lola , hindi niya alam kung papayag ba siya dahil ayaw niyang pumasok sa mga ganoong buhay .. pero sa oras na ito parang hindi kaya ng konsensiya niya na makitang bumabagsak ang kompanya na alam niyang sa simula't simula ay pinagharapan ng Lolo at Lola niya .

" Sige po , Grandma .." Siguro isisirado niya na lang muna ang boutique o kaya ay maghhire na lang siya ng tindera para dito .

" Salamat , Apo.." linapitan siya ng Lola at yinakap ." Alam kong hindi mo gusto ang buhay na ganun kaya patawarin mo kami Apo dahil ikaw na lang talaga .."

" Nakoo po , GrandMa wala po kayong dapat ikapatawad .. Apo niyo ko at obligasyon ko yon!" Sabi ni Aemy at niyakap muli ang Lola .

3 pm nang pumunta na sa Party sila Aemy kasama ang anak niya . Pagpasok pa lamang niya ay bongga na talaga pero hindi na dapat siya magtaka dahil iisang anak si Candy nila Maiven at Trisha . Nakabihis na rin ang anak niya ng Cartoon Character na Spiderman habang siya naman ay naka-Sibilian lang .

" Aeeeemmmmmyyyyyy!!"

Napalingon siya sa tumawag sa kaniya . Sila Trisha at Saffira , kasama rin pala nila si Jett at Maiven . Totoo bang sila ito ?? Tanong ni Aemy sa kaniya sarili na hindi makapaniwala . Bakit parang wala naman atang nagbago sa kanila ??

" Nana , gusto kong maglaro!" Sabi ni Liam dahil nakita niya ang Playground na punong-puno ng mga bata na nagsisipaglaro .

" Osige , basta wag ka lang lalayo ha!!" Sabi niya .

" Aemmmyy!" Nagulat pa siya ng makitang nakalapit na sa kaniya si Trisha at agad na siyang niyakap ." I miss you , Aemy!"

Cute AcademyWhere stories live. Discover now