CHAPTER 33

1.1K 47 31
                                    

Survival

DHYLAN POV

"Magiging mabilis ang pagkilos ng dalawang team kapag pinatagal ko ang laban. Nasa akin ang oras at hanggat wala pa silang alam gawin niyo ang makakaya niyo." Sabi ni hunter habang nag-aayos ng gamit niya.

Napagdesisyonan na rin namin na isali si keila. Pero kagaya ko ganon ang gagawin nila ni kaye. Magiging mata din sila.

Mga ilang oras pa ang hinintay namin bago sila magpaalam para umalis. Hindi rin nila nakaligtaan na magpaalam sa mga misis nila. Sana all may misis hays.

Sakto ang pagbuntong hininga ko nang makita kong tumatawag si tala.

"Yow wa-----"

"Ahhh, Ohh shit!" Parang nagpintig ang tenga ko sa narinig ko.

Ano yon? Bakit may pag ungol?

"Yeah, right there. You hit the right spot ohh sarap."

"What the fuck?! Where are you? Sinong kasama mo?" Napatayo ako ng wala sa oras kaya ganon na lng ang pagtataka nila keila.

"Bakit ka nagmumura? Diba bad yon? Aish bahala ka nga!" Parang batang sabi niya.

"Nasaan ka?" Seryosong sabi ko.

"Nandito sa ano tsaka bakit? Gusto ko lang tanongin kung uuwi kaba?" Kahit gaano kalambing ang boses niya hindi ko makalimutan yung narinig ko.

"Ako ang unang nagtanong, Nasaan ka at sino ang kasama mo? Bakit umuungol ka?" Halos maputol ang ugat sa sintido ko.

Nagawa ko pang guluhin ang buhok ko.

"Nasa spa ako tsaka kasama ko lola. Sabi mo kasi mag ganito kami." Unti-unti akong kumalma at naupo.

"Bakit may pag ungol ha?"

"Masarap kasi sa pakiramdam. Kahit ikaw dito. Masyado kana kasing busy kaya two times a week na lang tayo nagkikita tsaka namimiss kana ni lola." Naiimagine ko ang nakapout niyang nguso.

"Babawi ako,"

Bumuntong hininga siya.

"Yan din yung sinabi mo noong nakaraan pero wala naman. Pag uwi mo tulog ka agad tapos umalis din. Pero okay lang naiintindihan ko tsaka busy din ako. By the way nagyayaya pa lang lumabas si noah." Parang bata na nagsusumbong ang boses niya.

"Bawal,"

"Hindi ko hinihingi permiso mo. Sinabi ko lang tsaka naka oo na ako. Busy ka naman kaya nakakahiya kapag umayaw ako. Uuwi kaba?"

"Hindi, Wag kang sumama."

"Ewan sayo sige na."

"Kapag nalaman kong sumama ka jan talagang hindi na ako uuwi." Panakot ko pa.

"Kahit dalhin mo pa lahat ng gamit mo dito."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Talagang may balak ka! Ano type mo huh? Mas gwapo ba sakin yan?"

"Ewan sayo! Bye na."

"An---"

Wala na pinutol niya na.

Hindi ko na siya magawang tawagan dahil sa senyas ni hunter.

Prente akong naupo at agad na kinalikot ang keyboard. Una kong iha-hack yung cctv kung nasaan ngayon sila vera. Hindi na ako nahirapan mang hack dahil sa key code.

"Okay!!!" Malakas na sabi ko at napatingin naman sakin ang dalawa.

"Galing mo ah, yung sa iba naman." Sabi ni keila at sunod kong ginawa yon.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now