CHAPTER 18

1K 32 0
                                    

Mourning

KEILA POV

Napagdesisyonan na iburol si lolo sa mansion.

Kaya naghahanda kami ng gamit ngayon para sa araw na ilalagi namin sa mansion.

Hindi namin pwedeng iwana si crizelda kaya napagpasyahan namin isama ito.

Hanggang ngayong ay iyak pa din ng iyak si vera at nanjan naman lagi si crizelda para aluhin ito.

"Huwag kana iyak please.." Malambing na sabi ni crizelda kay vera.

Si sion at khen ay talagang magkatulad. Hindi nila pinapakita na nasasaktan sila.

"Let's go." Sabi ni khen.

Nasa likod ang tatlong bata ako naman sa tabi ni khen na nagmamaneho.

Diretso lang siyang nakatingin san kalsada.

Nang mag stop light at hinawakan ko ang kamay niya at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

Naramdaman ko na lang yung mga labi niya tuktok ng ulo ko. Tumingala ako para makita siya.

"Ayos lang ba sayo na doon muna tayo?" Tanong niya sakin.

Lumayo ako pinisil ang kamay niyang hawak ko.

"Oo naman," Ngumiti ako.

"Doon din muna sila jared sa mansion kasama ang mga asawa at anak nila." Sabi niya at pinaandar ang sasakyan.

"Talaga? Mabuti naman para may kausap din itong mga anak natin." Sabi ko.

Tumingin ako sa likod at nakita kong tulog si vera at nakasandal sa balikat ni crizelda.

Nagkatinginan kami ni crizelda at tumango lang ako sa kanya.

Masyadong malungkot ang pangyayaring ito. Biglaan at walang nakakaalam kung bakit tuluyan ng hindi nagising si lolo.

Uuwi din dito si trisha para makiramay sa ngalan ng cheng. Hindi kasi makakauwi si daddy at mommy dahil nga masyado silang busy.

Sa loob ng isang taon ay isang beses lang sila lumuluwas dito kasama si mommy.

Si trisha naman ay madalas dito para makibalita sakin. Si jerome at papa ay luluwas ngayon.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami.

Si niko ang bumukas sa pinto ko at ganon din sa mga bata.

Unang araw ng burol ay mga pamilya at malalapit lang sa emperor ang kailangan. At sa darating na pangalawang araw ay pwede ng pumunta ang lahat na nakikiramay.

Ang kulay ng mga damit ay naglalaro sa itim at puti.

Nakabukas ang malaking gate at doon mo makikita sila mommy tine.

Nakalapit na kami sa kanila.

"Mabuti naman at nandito na kayo." Sabi ni mommy tine.

Humalik ako sa pisngi niya at nagmano naman ang mga bata.

"Siya ba si crizelda?" Tanong ni mommy.

"Opo, Sinama na po namin."

Tumango lang siya.

Pinaupo ko ang mga bata sa mahabang upuan.

Kinalabit ako vera at tinuro niya yung nasa harapan namin.

Isang magarang coffin ang nasa harap namin.

"You want to go there?"

"Grandlo is there?"

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIحيث تعيش القصص. اكتشف الآن