CHAPTER 12

1.1K 36 2
                                    

Mrs, Cruz

Keila POV

Paano kaya ako makakatakas nito kung pati sila grace ayaw payagan.

Kainis naman argh!

Lintik na hunter 'to pati yung mga gunggong.

Nag-usap-usap siguro yung mga 'yon para hindi kami paalisin.

Nasa school pa yung mga bata at kasama ko si crizelda ngayon dito sa supermarket.

"Sabihin mo kapag may gusto ka ah," Nginitian ko si crizelda.

"P-pwede niyo po ba ako bilhan ng tinapay?"

Nakatungo ang mga ulo niya at halatang nahihiya.

Inangat ko ang ulo niya para magkatinginan kami.

"Ilan ba gusto mo?"

Nag-isip pa siya.

"Pwede pong anim?"

Ginulo ko ang buhok niya.

"Okay hahaha mukhang gustong-gusto mo nga ng tinapay." Sabi ko.

Pumunta kami sa breads section.

"Kuhanin mo yung gusto tapos lagay mo na lang dito sa cart."

Tiningala niya ako.

"P-pwede po akong mamili ng gusto ko?"

"Ofcourse crizelda,"

Tumango ako at tinuro yung mga breads.

"Go," Sabi ko at masayang tumingin-tingin sa mga breads.

Tatlong cheese-flavored rolls yung pinili niya at agad niyang nilagay sa cart.

"Tatlo lang?" Tanong ko.

"Opo, marami na po kasi yan eh, T-thankyou po t-tita.."

Humina ang boses niya sa huling sinabi.

"Pwede mo kong tawagin ng tita kung yan ang gusto mo."

"T-talaga po?"

"Yes baby," Sabi ko.

Pumunta na kami sa counter para bayaran lahat ng pinamili namin.

Five thousand lahat ng pinamili namin.

Tinulak ko na palabas yung cart at agad naman kami nakita ni niko.

Si niko ay matagal ng bodyguard ni khen at mapagkakatiwalaan daw talaga 'to.

Lumapit na si niko para kuhanin yung mga plastic bag. Tutulungan ko na sana siya nang kalabitin ako ni crizelda.

"Ahm pwede ko po bang kuhanin yung tinapay?"

Nagtaka naman ako.

"Gutom kana ba?" Tanong ko dito.

Umiling siya at tinuro yung mga bata sa gilid ng malaking poste.

Agad ko naman naintindihan ang gusto niya kaya agad kong hinalungkat yung mga tinapay at binigay sa kanya.

"Thankyou po." Nakangiting sabi niya.

Napangiti ako sa ginawa niya.

Kitang-kita ang saya sa mga mata ng mga bata dahil sa binigay ni crizelda.

Nakangiting palapit na siya sa'kin at nakita ko ang pagbaba ng emosyon niya.

Tumingin ako sa likod ko kung saan siya nakatingin.

Dahan-dahan siyang lumapit.

Akala ko ay sakin siya pupunta ay hindi pala.

Nilagpasan niya ako at pumunta sa mag-asawa.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now