CHAPTER 19

1K 26 3
                                    

Visitors

KEILA POV

Ngayon araw ay pwede ng pumunta ang ibang kakilala para makiramay.

"Yung mga bata?" Tanong ko kila kaye na nasa sofa.

Halos lahat ng mga asawa ng mga mokong ay nandito.

"Nandoon sa dining room kumakain." Sagot ni grace.

Tumango ako at dumiretso sa dining room.

Nandoon nga silang lahat tapos ng kumain.

"Hi mama." Nakangiting sabi ni vera.

"Hi," Sabi ko at lumapit dito para yakapin.

"Kamusta naman kayo?" Tanong ko sa  mga bata.

"Okay lang po." Sabay-sabay na sabi nila.

Tumango ako.

"Pwede po ba kami maglaro sa bakuran ng chinese garter?" Nakangiting tanong ni vera.

"Oo naman basta walang lalayo ah."

"Opo!!" Tuwang-tuwang sabi nila.

Tumango ako at pumunta sa timplahan ng kape.

Halos lahat kami dito ay kulang sa tulog kaya kailangan talaga mag kape.

Kailangan din namin maging alisto dahil delikado ngayon lalo na at nalaman na ng lahat na patay na ang emperador.

Malay ba namin kung may pumasok na kalaban dito.

Lumabas na ako para ibigay yung kape ni khen.

Pero ganon na lang ang gulat ko nang makita ang mga tauhan dito sa mansion na nakataas ang baril at nakatutok sa katapat nilang naka men in black.

Hinanap ng paningin ko si khen at nakita kong katabi niya si daddy khean at pinoprotektahan sila ni papa jeramy.

Tiningnan ko kung saan nakatutok ang baril ni papa at doon yon sa katapat niyang matanda na pino-protektahan din ng mga tauhan niya.

Kasing tanda lang yata ni lolo itong nasa harapan ni papa.

Kinakabahan ako.

Sunod na hinanap naman ng mga mata ko yung mga bata at nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko sila na kila kaye.

Walang masyadong bisita at kami-kami lang.

Sino naman kaya ang bagong dating na'to at bakit na aalarma ang mga tauhan namin?

Hindi ko alam kung lalapit ako kay khen o mananatili na lang dito.

Naglalabanan ng tingin si papa at yung tauhan ng matanda.

"Bakit naman yata ganito ang pagsalubong niyo sakin?" Tumawa pa ng nakakaloko ang matanda.

"Ayaw namin ng gulo." Sabi naman ni daddy khean.

"Mas lalong ayaw ko non. Pero bakit bigla niyo kaming tinutukan ng baril?" Seryosong sabi ng matanda.

Medyo kahiwag niya si lolo at pati yung pananalita niya.

"Hindi ka namin kailangan." Sabi ni daddy.

"I know, i know," Umiling pa ang matanda. "Put your gun down." Sabi ng matanda at tumango naman ang nasa harapan niya at dahan-dahan binaba ng mga tauhan niya ang baril.

Tumingin muna si papa kay daddy khean bago niya inutusang ibaba ang mga armas.

Pumwesto ang mga tauhan ng matanda likod niya pero yung personal bodyguard niya at nanatili sa gilid niya.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now