CHAPTER 10

1.4K 36 0
                                    

Teremas street

Keila POV

Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin at nakabukas pa din ang tv.

Nakita ko siyang nasa sofa at kaharap ang tv pero hindi naman sa tv ang atensyon niya kundi sa laptop.

"Sabi ko sayo mabilis lang eh," Sabi ko dito at binaba ang bag ko at hinubad ang sapatos.

Tumabi ako sa kanya at sinilip ang ginagawa.

"Ano yan?" Tanong ko.

Hindi ko maintindihan kung ano yung nasa screen dahil puro mga dollar sign at peso sign ang nandoon.

"Financial reports ng org. Ang laki ng binaba ng kita." Seryosong sabi niya.

"Bakit naman?"

"Pakiramdam ko may mga humaharang sa pag import ng mga kagamitan para hindi bumili sa'tin ang mga tao kahit sa ibang bansa." Sabi niya.

"Anong tayo? Hindi ako kasali diyan ah, huwag mo akong damay."

He tsked and glare.

"Bukas may meeting kaming lahat na nasa org. Ikaw muna ang bahala sa mga bata at baka kinabukasan pa ako umuwi." Sabi niya.

Lihim akong napangiti at naabutan niya ako kaya ganon na lang ang pagkunot ng noo niya.

"Bakit parang tuwang-tuwa kapa? Nanlalalaki ka ba huh,"

Pang-aakusa niya pa.

Tinampal ko siya.

"Kaya ba kitang ipagpalit huh?" Sabi ko at kita ko ang multong ngiti nito.

"Ayusin mo lang keila quinn angeles ashford."

Binatukan ko siya.

"Aray naman. Mapanakit ka talaga ah," Sabi niya at hawak ang ulo niyang binatukan ko.

"Mga pinagsasabi mo kasi eh." Sabi ko.

Hinaplos ko rin ang ulo niya.

"Masakit? Sorry hehe." Sabi ko at sumandal sa kanya at niyakap siya.

"Pakiramdam ko may kumakalaban sa organisasyon at ganon na lang ang laging pag delay ng mga kagamitan."

Seryosong sabi niya.

Ang datong black organisasyon ay napalitan ng hunter organisasyon ang pangalan.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Bumaba ang demand pero pataas lang ng pataas ang supply. Kukuha sila ng mga kagamitan pagkatapos ay ire-reject kaya na stock na lang ng tuluyan."

Ang kagamitang sinasabi niya ay ang mga armas. Lisensyado ang lahat ng yon. Sila mismo ang bumubuo ng armas kaya binibenta sa mahal na presyo. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa ang mga armas.

"Marami ka namang pera," Sabi ko.

"I know, hindi ko lang matanggap na may kumakalaban nanaman sa gwapo mong asawa." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Ang hangin mo ah, tsaka kahit naman may kumalaban sayo alam natin na walang makakatalo sa isang hunter hahahaha."

Sabay kaming natawa.

VERA POV

"Sige po, bye po mama." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.

"Huwag kayong lalabas ng school habang walang nagsusundo ah." Paulit-ulit na paalala ni mama.

"Opo,"

"Sion ikaw na bahala sa kapatid mo."

"Opo mama."

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now