CHAPTER 3

1.9K 49 2
                                    

First day of school

Keila POV

Maaga akong nagising para asikasuhin ang mag ama ko.

Lunes ngayon at may pasok na ang mga bata at syempre ang asawa ko.

Pagbaba ko nakita ko sila manang at yung iba pang katulong na nasa kitchen.

"Goodmorning Miss..." Sabi nila nang nakita ako.

Nginitian ko sila.

"Goodmorning din po... Ahm ano pong niluluto niyo?"

Tanong ko kay manang celia.

"Adobo po tsaka mag p-prito rin po ng bacon." Sagot niya.

"Ahh sige po kayo na pong bahala diyan."

Sabi ko umakyat ulit ko para gising ang asawa ko.

Nakadapa siya at yakap yakap yung unan sa kaliwang braso niya.

"Imyo..." Inalog ko yung braso niya.

"Hmm..." Sabi niya at tinakip pa ang unan sa mukha niya.

"Gising may pasok ka pa diba?" Tanong ko dito.

"Hmm," Ungol ulit niya.

Mahinang pinalo ko siya sa braso.

"Puro ka ungol! Gising kana ah," Sabi ko at tumayo na para ayusin yung mga susuotin niya.

Naayos ko na at pumunta ulit ako sa kaniya.

Naka-sandal na siya sa headboard ng kama.

Lumaoit ako sa kanya.

"Goodmorning...maligo kana ah gigisingin ko na ang kambal." Sabi ko at lumapit ako sa kanya.
Tiningnan ko siya sa mata at bumaba sa labi niya.

Lumapit ako sa kanya at tuluyan na siyang hinalikan sa labi.

Saglit lang naman at agad din akong lumayo.

"Thankyou wife..." Sabi niya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Hinalikan na kita nag pasalamat kana," Sabi ko at di ko alam kung bakit siya natawa sa sinabi ko.

"I love you." Sabi niya.

Hinaplos niya yung pisngi ko.

"Mas mahal kita." Sabi ko at ngumiti.

"Gigisingin ko na ang kambal maligo kana." Sabi ko at tumayo na.

Tumayo na rin siya ay hinintay muna ako makalabas bago siya kumilos.

Pumasok na ako sa kwarto ng kambal at naabutan kong gising na sila.

"Wow buti naman ay gising na kayo. Excited naba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Yes po!" Sabi ni vera at niyakap pa ako.

"Maligo kana dali." Sabi ko kay vera.

Agad namang sumunod si vera.

Naka-tingin lang sa'kin si sion kaya pinalapit ko siya sa'kin.

Umupo ako sa kama ni vera at sinenyasan ko siyang umupo sa tabi ko.

"Are you excited?" Tanong ko dito.

"Yes po." Tipid na sagot niya.

Kakaiba si sion sa ibang bata dahil kung yung iba ay gustong-gustong mag laro pero siya hindi. Gusto niya lagi kasama ang papa niya kapag pupunta sa office at kapag nasa training room.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now