CHAPTER 34

1K 43 14
                                    

Emperor

AZURE POV 

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sakin ang bombilya na patay-sindi at si jax na walang malay.

Hindi ko alam kung anong nangyari parang nawala ang memorya ko. para akong nakadrugs na ewan. Pakiramdam ko umiikot ang paligid ko at kahit ilang beses akong umiling hindi mawala ang hilo ko. nararamdaman ko din na masakit ang katawan ko at kahit ang malayang paa ko ay hindi makagalaw para gisingin si jax.

"How's your feeling?" Mahina pero ramdam ko ang kilabot sa boses niya.

Hinanap ko kung nasaan siya pero tanging anino niya lang ang nakikita ko.

Ang galit sa dibdib ko ay umusbong.

"Hayop ka!" Ramdam ko ang paglabas ng ugat ko sa leeg.

"Mas hayop ka," Maangas na sabi niya.

"Anong ginawa mo sakin?" Tanong ko.

"Oh you didn't know pa pala. Nilason kita, may isang oras ka para sabihin lahat ng nalalaman mo at kapag nakumbinsi mo ako bibigyan ulit kita ng panibagong buhay." Sabi niya at lumabas siya mula sa madilim na parte at kita ko ang walang emosyon niyang itsura tulad ng dati naming pagtatagpo.

Sa sinabi niyang yon ay nasamid ako ng sarili kong laway hanggang sa magkandaubo ako. kumuha siya ng upuan at tumapat sakin ng upo at may hawak na balisong.

"Now let's proceed. Who's your boss?" 

"Sa tingin mo sasabihin ko?" Lumaban ako ng titigan sa kanya.

"Your boss is a fvcking devil. She used you to making his life easy while all of you is suffering. Nasaan siya ngayon? sa tingin mo may magagawa siya para tulungan kayo?"

Gusto kong sumang-ayos sa sinasabi niya pero pinipilit kong labanan na lasunin  niya ang utak ko.

"Ikaw ang tunay na demonyo! Paano mo nagagawa samin to ng walang kahirap-hirap?" 

he smirked

"I returned the question then, Who am i?" 

I blink twice and swallow my own saliva

"Alam ko kung ano ang nasa isip mo ngayon. Wag kang kabahan, Dapat kasi una palang alam niyo na kung sino ang binabangga niyo. I AM THE MAFIA BOSS AND YEAH, I KILL MERCILESS AND NOT TO REGRET IT IN THE END. "

"fVCK YOU!" 

"Hindi tayo talo,"

Kumunot ang noo ko sa sagot niya.

"Matanda kana at kung ako sayo ilalaan ko ang lahat ng oras ko sa pamilya ko kesa magtrabaho ka sa demonyong yon at tumatanggap ng maruming salapi. kung tutuusin kaya mong mabuhay ng mahabang panahon kahit hindi ka nagtatrabaho." 

Ano ba ang gustong palabasin ng isang to?  bakit imbes na i-torture niya ako bakit parang binibibigyan niya pa ako ng pag-asang mabuhay. Bakit kailangan niya pa ako pangaralan?

"Kahit anong sabihin mo wala na akong magagawa don." Mahinang sabi ko.

"Who's your leader?" He asked me,

"A-ahh--" Agad kong nilingon si jax na mariin pinipikit ang mga mata dahil sa ilaw.

"Gusto mo bang ulitin ko ang tanong ko?"

"Kahit ulitin mo wala kang makukuhang sagot sakin." Muli akong nabuhayan ng loob dahil sa nagigising na si jax. 

"Oh really?" 

"AAAAHHHHH!" Halos magkasabay ang kulog sa pagsigaw ko. Ang balisong na hawak niya ay tinarak niya sa binti ko. Dinadaing ko ang sakit sa binti ko at nakita ko si jax na gulat sa nakikita niya.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now