CHAPTER 38

621 13 4
                                    

HUNTER POV

"Magkikita kita na kayo ng mga kahombre mo," Sabe ko kay blanco na nawalan na ng lakas kakapiglas.

"Hayop ka talaga! Tangina ka wala ka talagang sinasanto!" Galit na galit na tugon niya sa sinabe ko.

"Wala talaga akong sinasanto lalo na't kaharap ko kayong mga animal kayo!" Nanggigil kong diniin sa leeg niya itong hawak kong baril.

Bakas sa mukha niya ang kaba pero kataka taka ang mukha de flois na parang walang nangyayaring kaganapan sa harapan niya. Nakatingin lamang siya sa harapan.


THIRD POV

Hindi na naabutan ng mga tauhan ng dalawang parte ang kanilang mga amo kaya huminto sila at tila nawawalan ng pag-asa. Ang leader ng kampo ni de flois ay binatukan ang isang tauhan ni blanco.

"Stupido! Linisin mo lahat ng kalat jan!" Sabe nito at agad na tinawag ang ibang kapartido at sabay-sabay na nagsipasok sa kanilang mga sasakyan.

Sila drake naman ay kasulukuyang nasa lugar kung nasaan ang mga batang kinidnap.

Sumenyas si drake na sundan siya ng mga kasama niya. Habang si drake ay kumukuha ng tyempo sa bandang dulo naman ay nakaabang si jared para salubungin sila at ang mga bata kung sakali man na maililigtas nila ito.

Nakakuha ng tyempo ang mga ito at walang ingay na bumagsak ang mga tauhan na nakabantay sa labas.
Kumatok ng dalawang beses si drake at walang patawad na nagpaulan ng bala at saktong sakto ito sa katawan ng mga kalaban. Tama ang hinala nila na konti lang amg mga ito ngayon kung tatantyahin siguro nasa sampu.

Pumasok sila sa loob ngunti wala silang nakita ni anino ng mga bata.

"Suyudin ang lugar!" Utos ni drake

"Ano na nangyare jan?" Tanong ni jared

"Wala ang mga bata dito."

Sa isip-isip ni drake baka sinet-up din sila ng mga to.

"Tingnan mo baka may underground passage sila jan." Sabe ni jared.

Naglalakad si drake nang makaramdam siya na may something sa inaapakan nito. Sinenyasan niya ang isa nyang tauhan na tanggalin ang carpet na tinatapakan nila.

Tama ang hinala ni jared meron nga itong underground passage. Ang isang tauhan ay dahan dahan na binuksan ang pinto at makikita agad ang hagdanan.

Unang bumaba ang isang tauhan at sinundan ito ni drake. Bumulaga sa kanila ang mga batang nakapasyente na damit na kulay puti. Kaba at takot ang makikita mo sa mga mukha ng mga bata.

"Hindi namin kayo sasaktan! Halika kayo sumama kayo samin!" - Drake

Isa-isang lumapit ang mga bata sa kanya.

"I guide mo sila palabas," Utos niya at agad naman sumunod ito. Unti-unti nababawasan ng mga bata sa loob ng silid.

Tila nagtataka siya kung ano yung umuusok sa bandang dulo. Unti-unti siyang pumunta para makita kung ano yon.

Tila galintang siya nang makakita siya ng mga makina.

"Bakit may makina dito na gawaan ng mga gamot na tableta?" Wala sa sariling tanong niya.

Nilapitan niya ito at kumuha ng isang tableta at inilagay sa bulsa.

Nilibot niya pa ang kanyang paningin at kitang kita niya kung paanong proseso ang isinasagawa ng mga makina para makagawa ng isang gamot na tableta.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at malinaw na kinuhanan ng video ang lahat ng nandoon.

"Umalis na tayo," Sabe niya at sumunod naman ang iba.

"Papunta na kami jan," Sabe niya kay jared.

Kasulukuyan na nagtagumpay ang plano nila hunter. Nasa byahe na parehas sila jared at hunter patungo sa mansyon. Pero walang kaalam-alam sila hunter na may sumusubaybsy sa kanila at yon ang taong hinahanap nila. Hindi nila alam na ang mga batang dala dala nila ay may mga nakakabit na tracking device.

"Panahon na para tayo naman ang kumilos," Sabe ng taong pinaka puno't dulo ng lahat.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now