CHAPTER 16

1.2K 33 3
                                    

Keila POV

Agad akong nahiga sa malaking sofa.

May mga kumot naman sa cabinet kaya no worries.

Ginawa kong unan ang braso ko at pumikit na.

Nakakapagod ang araw na'to.

Papikit palang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

Walang emosyong lumapit siya sakin.
Agad naman akong naupo at tumabi naman siya sakin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

"Tulog na tayo.."

Kung kanina ay halata ang iritadong boses nito ngayon naman ay ang lambing.

Akala mo hindi nagalit kanina eh no,

Inalis ko yung kamay niya.

"Matutulog naman na talaga ako," Sabi ko.

"Doon na tayo sa kwarto."

"Okay na ako dito," Sabi ko pa.

"Galit kaba?" Tanong niya.

"Hindi," Sabi ko.

Hinarap ko siya.

"Dito muna ako ngayon,"

Yes!

Nagtatampo ako sa kanya. First time niya lang kasi sabibin sakin na huwag muna kami mag-usap.

Masakit para sakin yon lalo na at maramdamin ako pagdating sa kanya.

"S-sorry na." Sabi niya at lumapit sakin at niyakap ako.

Nakapatong yung ulo niya sa balikat ko.

"Hindi mo naman kailangang mag sorry, Kasalanan ko din naman." Sabi ko.

"Pero galit ka eh," Sabi niya.

"Hindi ako galit, nagtatampo lang ako. F-first time mo sabihin sakin na huwag muna tayo mag-usap."

Huminga ako ng malalim.

Naiiyak nanaman ako.

Naalala ko kasi yung kanina eh.

Lumayo siya ng konti para magkatingnan kami.

"I didn't mean that. Look, i'm here talking to you. Tsaka alam mo naman na hindi kita matitiis diba?" Sabi niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ko alam," Sabi ko.

"Yomi naman..." Siniksik niya yung mga kamay niya sa bewang ko at niyakap ako.

"Sorry na hmm," Nakangusong sabi niya.

Kailangan ko bang palipasin ang gabi para patawarin siya?

Hays bahala na.

"Sorry din," Sabi ko at humarap sa kanya at niyakap din siya.

Itong lalaking 'to tsk! Sa paglipas siguro ng panahon ay walang nagbago sa pagmamahal ko sa kanya.

Kahit na may edad na kami ay ang ganda parin ng mukha ng asawa ko.

"Tara na?"

Tumaas ang isang kilay niya.

"Bago tayo pumunta sa kwarto may hihilingin sana ako."

Nag puppy eyes ako.

Parang nag dalawang isip pa siya kung pagbibigyan ako o hindi.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon