CHAPTER 37

592 12 5
                                    

De flois POV

"May bumibili ng malaking halaga sa produkto natin?" tanong ko sa isang tauhan ko.

"Yes sir,"

"Baka naman scam yan?"

"Hindi boss mukhang legit. Nagbibigay sila ng full information at sigurado akong wala silang connection kay hunter."

Tumango ako.

Mabuti naman kung ganon. This past few months ang baba ng sales ngayon na lang ulit.

"Ang kaso sir ang gusto niya kayo mismo ang makipagkita kahit daw magsama ka daw ng tauhan." Sabe ng tauhan ko.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit gusto niya ako makita?" Nagtatakang tanong ko.

"Gusto niya rin daw mag invest sa produkto niyo. Sobrang laki ng pera na bingasak niya sir. Ayan oh kakapasok palang ng pera sa bank account."

Lumapit ako kung nasaan siya at sobrang nakakagulat.

"Sampung billion?" Hindi makapaniwalang sabe ko.

"Jackpot tayo sir," 

"Sige sabihin  mo makikipagkita ako."

Ito na ang bagong simula...


THIRD POV

Walang kamalay-malay si blanco at de flois na pain lang ang lahat ng iyon. Ang akala nila naka jackpot na sila pero hindi.

Kasulukuyan naman na nag-aayos na ang tatlong partido para mamaya. Ang balak nila ay pagtatagpuin nila si de flois at blanco. 

Set up nga. 

"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ni hunter.

"Yes boss," 

fastforward...

Kasulukuyan na na nasa iisang lugar and tatlong partido at kanya kanya ay may mga tauhan na kasama pero ang mga ito ay kapwa hindi nagpapakita.

Ni hack ni dhylan ang dalawang account upang ma control ang pag-uusap ng dalawa.

To: De Flois

Pumasok ka sa kotse na katabe mo ngayon

Seryoso si dhylan na isend iyon kay de Flois. Nakita nila ang paglabas ni de Flois sa magarang kotse at agaran na pumasok doon sa kotse at next na tinext nila at may katulad din na mensahe kay blanco.

Nakita rin nila ang paglabas ni blanco doon sa kotse at may pagtataka sa mukha nito. Doon sa kotse na yon ay doon nagtatago sila hunter at tyron.

Kinukutuban na si de Flois na may hindi magandang nangyayare lalo na at nakita niya na papalapit si blanco kung nasaan siya ngayon. Kusang bumukas ang pinto ng kotse at ganon na lang ang gulat sa mukha ni blanco nang bumungad sa kanya si De Flois. 

"Putangina bakit ikaw ang nandito!" Hindi pa rin nakakapasok sa loob si blanco nang sinabe yon.

Doon palang kumilos si De Flois at may pinindot sa kanyang cellphone at biglang lumabas ang mga tauhan niya ganon din ang kay blanco. Dahil sa nangyaring yon. Hindi naman magkakakilala ang ang mga tauhan nila blanco at de Flois. Nagpalitan sila ng bala. 

Sa kabilang banda naman tuwang-tuwa sila dhylan sa  nakikita nila. Sila-sila nagpapatayan.

"Putangina anong ginagawa mo?! Awatin mo mga tauhan mo!" Sabe  ni blanco Nandoon pa din siya sa labas na nakabukas na kotse.

"Putangina anong nangyare! Sinet-up tayo!" Sabe  ni de flois.

Bago pa lumabas ng kotse si de flois para awatin ang mga ito nahila na sa loob si blanco at agad ni lock ang pinto. doon na nagpakita si hunter at tyron.

"Hello Motherfucker," Nakangising sinabe nito at agad na tinutukan ni tyron ng baril ang dalawa dahilan para hindi makakilos ito. Kinapa ni tyron ang dalawang matanda at lahat ng gamit na meron sa dalawa ay tinapon nila sa labas at agad na mabilis na pinaandar ang kotse. 

Ang dalawang partido ay nagsihintuan at agad na hinabol ang kotseng yon.


---------

Balik na ulit ako. sorry sa paghihintay marami lang talaga ganap sa buhay ko hahaha charowt. I miss you huhuhuhu


Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now