CHAPTER 23

1K 31 4
                                    

Teremas

ALEX POV

Paanong nangyari na napunta dito si crizelda?

Tiningnan ko siya at nahuli ko siyang nakatingin sakin kaya agad siyang umiwas.

Natapos kaming kumain at agad kaming pumunta sa balkonahe para makapag-usap.

"Anong plano natin ngayon?" Tanong ko.

"Hanggang ngayon hindi natin malaman kung sino at anong itsura ng leader nila." Sabi ni khen at tumungga ng beer.

"Kaya nga eh, mga peste ang akala ko pa naman makikita ko na yung mukha ng leader nila yon naman pala ay balak akong patayin." Sabay kaming natawa.

"Ang bobo mo kasi eh,"

"Bobo ka! Sadyang naghanap lang talaga ng ebidensya ang mga taga sunod ko kaya nalaman ng nasa taas. Pero nakakapagtaka lang talaga na hindi natin malaman kung sino ang leader ng bahaynitemur." Sabi ko at tumango naman siya.

"Mamaya natin mukukuha lahat ng inimbak nila doon sa termas st, kapag naging matagumpay yon ay ibibigay natin kay jared at  kay philip para kahit papaano ay lumabas ang leader ng bahaynitemur."

Tumango ako.

Sa paraang yon ay lalabas ang leader. Importante ang drugs at mga armas sa kanila. Milyones ang mawawala sa kanila kaya walang magagawa kundi lumabas siya.

"Papalitan na'tin yung mga drugs ng mga tawas. Tapos yung mga armas nila papalitan natin ng mga sira galing satin."

Ngumisi ako at nag cheers kami

"Paano pala napunta si crizelda sa inyo?" Tanong ko at hindi ko pinahalata na interesado ako.

"Nakita siya ni keila at gd na dinala dito." Sabi niya.

"Napakabuti talaga ng asawa ko. Sana all na lang talaga."

"Gago, nag iisa lang si keila."

"Sayo na pre," Sabi ko at umiling.

"Inampon niyo na siya?" Tukoy ko ulit kay crizelda.

"Hindi pa sa ngayon. Still in the process."

Paano kapag tuluyan na nilang inampon si crizelda? Aminin ko na ba?

"Ayos lang ba sayo na amponin namin siya?" Ngugulat akong tumingin sa kanya.

May alam ba siya?

*Lumunok*

"Hahaha"

*Fake laugh*

"Alam ko alex. Matagal tayo naging mag kaibigan kaya isang kibot mo lang alam ko na." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Bumuntong hininga ako.

Si hunter nga talaga siya.

Umiling ako sa kanya.

"Kailan mo pa nalaman?" Tanong ko.

"Hindi pa siya pinapanganak."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Tandaan mo na naging tauhan ko din ang nanay ni crizelda kaya hlos lhat alam ko. Simula nong nalaman kong buntis siya, lagi ko na siya pinasusundan kahit saan." Seryoaong sabi niya. "Ilang taon na naghirap ang bata alex, ayaw mo bang bumawi?" Tanong niya.

Yumuko ako.

"Baka hindi niya ako matanggap."

Ntatakot ako sa maaring mangyari kapag nalaman ng lahat.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon