CHAPTER 35

1.2K 38 31
                                    

Poison

KHEN POV

Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi nila. Hindi ko alam kung tama bang paniwalaan ko sila pero base sa pagsasabi nila ay parang totoo ito. Hindi ko alam kung kanino ako magtatanong tungkol doon. tama bang tanungin ko si daddy? Pero baka wala din siyang alam. Sino ang pagtatanungan ko?

"Imyo...."

Kung tanungin ko ulit sila? Umiling ako. 

"Imyo!" Napabalikwas ako sa malakas na boses na yon ng asawa ko. Naka poker face lang siya.

"What?"

"Kanina pa ako tawag ng tawag dito,"

I tilted my head

May nilabas siya sa bag niya, isang tape at iniwagayway sa harapan ko.

"Ano yan?"

"Nakuha ko to sa envelope na bigay ni lolo." Sabi niya na agad kong pagtayo at inagaw yon sa kanya.

Agad akong tumakbo papunta sa secret room at pagkapunta ko ay agad kong sinaksak ang tape. Malakas ang kutob ko na malaki ang maitutulong nito.

Hindi ko na nagawang lingunin si keila at naghihintay na magplay ang video.

"Magandang umaga sa inyong lahat hehe.." Lumabas sa screen si lola at nakatingin sa gilid. "May bisita ako, -- tara na dali!" Batang-bata pa ang mukha dito ni lola. Hindi ganon kagandahan ang background. May mga nakasampay na damit sa likod niya. Agad na lumabas sa screen si lola na nakasimangot. "Bakit ba kasi may pag video pa," Mahinang sabi nito at agad siyang hinampas ni lola sa braso. "Ang arte mo! Dinalhan niya ako ng paborito kong kare-kare." Nakangiting sabi nito. "Mag thankyou dali!" Siniko niya si lolo. Kunot-noong nilingon siya nito. "Bakit ako? dapat ikaw diba." Sabi ni lolo. "Mag thankyou ka dahil kasama ka sa video ko. Tanging ikaw pa lang nakakasama ko mag video dapat magpasalamat ka." Pangangatwiran pa ni lola. "Thankyou----" 

Parang naputol ang video na yon at nalipat sa tagpuang may kausap si lolo. nakatalikod ang kausap niya sa camera kaya hindi ko matukoy kung sino 'yon.

"Bakit siya pa? Alam mo naman na mahal ko siya diba? Ako ang nauna" Sabi ng lalaking kausap niya. 

"Hindi ko sinasadya kuya." Sabi ni lolo

"Lagi ka naman ganyan eh! Laging hindi mo sinasadya!" Malakas na boses ang pinakawalan nito.

"Nagmahal lang ako." Sabi ni lolo

"Nagmamahal din ako pero bakit? Bakit siya pa? Inagaw mo ang lahat sakin. Sila mommy at daddy lagi ikaw! Ikaw ng ikaw! Ano bang meron sayo?" 

"Iniisip mo lang yan. Mahal ka nila mommy sadyang hindi mo lang nakikita yon dahil nakakulong ka sa inggit." Sabi naman ni lolo

"Hindi ako naiinggit sayo! Kahit si marisol na lang ibigay mo sakin ayos na ako. Please rae," 

Nagkatitigan sila.

"Hindi pwede,"

"Bakit?"

"Dinadala niya ang anak namin."

Isang pikit mata lang ay nakita kong nakahandusay na sa lapag si lolo

"Walanghiya ka! Darating ang araw na makakabawi ako sayo!" Sabi ng kuya ni lolo at agad itong nawala.

Nagkaroon ng parang glitch at sunod na nakita namin si lolo na nakaluhod sa harap ng isang matandang nakalong dress na parang pang pare na itim.

"Handa kang gawin ang lahat para sa kanya diba? Pwes inumin mo tong tabletang to." Sabi ng matandang lalaki.

masyadong magulo ang video pero klarong-klaro yung boses ng nagsasalita.

"Please no, Ako na lang please." Nagmamakaawang sabi ni lola

"Gawin niyo na kung anong gusto niyong gawin sakin wag niyo lang syang saktan. Simula ngayon magiging tauhan niyo na ako." Narinig kong sabi ni lolo. 

Ang iyak ni lola ay sadyang nakakapanghawa at ang sunod na eksena ay ang pag handusay sa sahig ni lolo.

"Bakit hanggang ngayon wala pa siyang natatangap? Nasaan na ang supply na gamot niya?" Nag-aalalang sabi ni lola.

Ang video na napapanood namin ay halatang mga clips na lamang.

"Hindi daw po magbibigay ng supply ng gamot hanggat wala daw po siyang nadadalang ulo ni castillo." Boses ng lalaki ang nagsasalita

Umiiyak na umiling si lola

"Alam niyo naman na ikamamatay niya kapag hindi siya nakainom non diba?" 

Bigla kong naalala ang sinabi nila jax. Hindi sila nagsisinungaling.

Ang video na yon ay nagpapakita kung gaano makapangyarihan ang tabletang yon.

"Hi, Malamang kapag napanood niyo to siguradong wala na ako sa mundong to. gusto ko lang sabihin na wala akong pinagsisisihan sa  mga naging desisyon ko sa buhay. Ngayon, gusto kong ituwid niyo ang pagkakamali na ginawa ko. Gusto kong itama niyo ang mga masasamang hangarin ng mga tao sa organisasyon. Patawad kung nadamay kayo. pinasok ko ang ganitong trabaho. Tayo man ang pinakamakapangyarihan na tao hindi pa rin magiging sapat yon para makuntento tayo dahil alam niyo kung bakit, dahil hindi tayo masaya sa ginagawa natin. Hindi man natin hangarin na makapanakit ng mga tao pero kailangan natin dahil sa klase ng buhay na meron tayo. Magiging palaisipan sa inyo ang pagkamatay ko pero alam kong alam niyo na ang dahilan sa mga unang video na napanood niyo. 

Ang pangkat ng bahaynitemur ang gumagawa ng lason na yon. Dahilan yon para manatili kang tapat sa kanila. Buwan-buwan bibigyan ka nila ng supply ng gamot at kapag hindi ka nabigyan ng supply ibig sabihin lang non ay kailangan mo na magpaalam sa mundong ito.

Hanggang ngayon gumagawa ng antidote si leonardo pero sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana. Nalaman ng leader ng bahaynitemur ang ginagawa ko at sinabing wala ng supply ng gamot para saken.

Khen, Bukod samin ng ama mo ikaw ang pinakamatalino at mautak na tao na nakilala ko. kahit butas ng karayom kaya mong lusutan. Gusto ko lang sabihin sayo na linisin mo ang kalat na ginagawa ng pangkat ng bahaynitemur. lahat ng masasamang gawain ay sakop niya. para magawa mo ang misyon na to kailangan mong isa-isahin ang mga tauhan niya hanggang sa siya na lang ang matitira.

Kausapin mo si leonardo, Nasa cebu siya kung saan dating nakatira ang lola mo. Matutulungan ka niya sa lahat. at kung darating man ang araw na nagtagumpay ka gusto kong buwagin mo ang grupo na binuo ko. No mafia, No org, No rules. Mabuhay kayo ng tahimik at normal gaya ng ibang tao. yon lang ang masasabi ko. Paalam sa inyong lahat at kung totoo nga ang susunod na buhay hihilingin ko na sana kayo ulit ang maging pamilya ko. Hindi man maging marangya ang buhay natin pero nandoon ang saya.

----------


Accidentally Bride of a Mafia Boss IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon