CHAPTER 8

1.4K 45 0
                                    

Buy and Sell

Keila POV

Kakalabas ko lang galing CR at naabutan ko naman si khen na nasa study table niya at kunot-noong may binabasa doon.

"Anong ginagawa mo jan?" Tanong ko dito.

"Wala, matulog kana." Sabi niya sakin na hindi man lang ako nililingon.

The wrinkles on my forehead came out.

Ano naman kaya ang ginagawa nito.

Lumapit ako sa kanya at pumwesto sa likuran niya.

Tiningnan ko kung anong ginagawa niya sa laptop.

May bawat square na nandoon ay may laman na litrato at pangalan sa baba.

"Sino ang mga yan?" Tanong ko dito.

"Si jared ang ang send niyan. Yan yung mga lalaking nakatakas sa kulungan years ago at sila din ang pinaghihinalaan na may ginagawa sa mga bata."

Tumango ako at mas lalo pang tinutugan ang nga yon pero bigla na 'yon sinara ni khen.

*Glare*

"Patingin muna," Hirit ko pa.

"Matulog na tayo," Sabi niya at umalis na sa kinauupuan niya at ako naman ang pumalit.

Balak ko na sanang buksan ang laptop niya pero pinigilan niya ako.

Kinuha niya ang kamay ko at pinatayo at dinala sa kama.

"Hindi ka pwedeng makealam sa misyong 'to." Seryosong sabi niya.

Nakaupo ako sa dulo ng sofa at nakatayo lang siya sa harapan ko.

"B-bakit?"

"Masyadong delikado ito kumpara sa nakaraan. Ang mga taong yon ay mga demonyo. Kaya sila nakulong dati dahil sa pagkuha ng mga laman ng mga bata at ngayon ay gumagalaw nanaman sila."

Nakita ko ang pag igting ng panga niya.

Grabe naman pala, sila yung nababalitaan na kumukuha ng mga bata.

Kukuhanin nila ang laman ng mga bata at ibabalik kung saan lugar nila kinuha ang bata at lalagyan ng pera.

Pakshet

Mga demonyo sila.

"Sige ako na ang bahala sa mga anak natin." Sabi ko.

Naka roba pa'rin ako hanggang ngayon.

"Good,"

"Ano nga pala ang gagawin natin kay crizelda? May nahanap kana bang backgrounds niya? Kung nasaan ang pamilya niya?" Tanong ko dito.

"Yup,"

Lumaki ang mga mata ko sa tuwa.

"Mabuti naman," Sabi ko.

"Pero hindi pa natin pwedeng ibalik ang bata."

"Bakit naman?"

"Delikado pa ngayon at baka pinaghahanap na'rin siya ng mga kriminal na 'yon."

Tumango ako.

May point naman siya sa sinabi niya.

Ilang segundong walang nag salita samin at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko siyang nagtatanggal ng sinturon sa harap ko.

"A-anong ginagawa mo huh!" Sabi ko dito at tinuro pa yung pantalon niyang nasa lapag na.

Ngumisi siya.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now