CHAPTER 2

2.4K 60 1
                                    

Tigang na tigang

Keila POV

Naka-uwi na kami at kasalukuyang nasa loob ng cr si khen.

Masyado siyang lasing kaya pinaligo ko muna siya at baka mahimasmasan.

Ano-ano na kasi yung pinagsasabi kanina eh.

Naghahanap ako ng masusuot niya nang bumukas ang pinto ng cr at iniluwa siya 'non.

"Yomi!!!" Tawag niya sa'kin nang hindi niya ako nakita pagkalabas niya.

Nakuha ko na yung susuotin niyang pantulog.

Lumapit ako sa kaniya at tanging boxer lang ang meron siya.

Habang tumatagal mas lalong gumaganda yung pangangatawan niya at yung mukha niya parang mas makinis pa sa'kin.

Hindi naman siya nag i-skin care.

Lumapit ako sa kaniya at inilapag sa kama yung mga damit niya.

Tiningnan niya 'yon at muling sumulyap sa'kin.

"Mag bihis kana," Sabi ko pero nakatayo lang siya sa'kin at tinitingnan ako.

"Bihisan mo ako," Biglang sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Kaya mo na yan malaki kana!" Sabi ko at naupo na sa kama.

"Tsk parang hindi mo ko asawa ah," Biglang angil niya at nakadapang humiga sa kama.

"Uy ano ba!" Sabi ko dito.

Tuluyan na akong sumampa sa kama at inalog-alog siya.

"Okay fine, tara na bibihisan na kita." Sabi ko dito at kagulat-gulat na bigla siyang tumayo at humarap sa'kin.

Asawa ko naman siya kaya walang masama.

Kinuha ko yung pajama at agad na inayos ito para maisuot sa kanya.

Agad naman niyang ini-hakbang ang mga paa niya at madali ko lang nasuot sa kanya 'yon.

"Paisa na kasi ako," Naka-ngusong sabi niya.

Pinalo ko siya sa tiyan at namula lang ang pareho kong pisngi dahil sa abs niya na napalo ko.

"Gusto mo lang hawakan abs ko eh. Hawakan mo na dali..." Naka-ngising sabi niya.

"Ang daming alam," Mahinang sabi ko.

Kinuha ko na yung d' butones na pantulog niya at dahil hindi ko siya abot ay tumayo pa ako sa kama.

"Ayaw mo bang sundan na'tin ang kambal?" Seryosong tanong niya.

Tiningnan ko siya sa mata at seryoso nga siya at walang pilyong ngiti sa mga labi.

Naiilang tuloy ako na tumingin sa kaniya.

"G-gusto ko naman.." Naiilang na sabi ko.

Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang binaba ang pajama na sinuot ko sa kanya.

"A-anong ginagawa mo?"

"Tara na agad!" Sabi niya at boxer na lang ang suot niya.

"Matagal na akong tigang na tigang sayo yomi." Kagat labing sabi niya sa huli.

Nahihiya na talaga ako sa ginagawa niya.

"Lasing ka lang," Sabi ko at umayos ng upo.

Lumapit siya sa'kin at biglang tinulak ang dalawa kong balikat pahiga at nag tagumpay nga siya sa ginawa niya.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon