CHAPTER 40

642 12 5
                                    

THIRD PERSON POV

"Baba mo yan bata at baka pasabugin ko yang bungo mo." Ganon na lamang ang gulat ng lahat nang may magsalita at nakatutok na baril sa bungo ni sion.

"A-anak..." Mahinang utas ni hunter.

Bakas ang tuwa sa mukha ni jax nang makita niya kung sino iyon.

"Boss! Sabe ko na nga ba di mo kami pababayaan eh!"

"Pag bilang kong tatlo tumakbo kayo sa mga magulang niyo!" Sabe ng lalake.

"ISA!"

Puno ng kaba ang puso ng mag asawa dahil wala silang magawa.

"DALAWA!"

"TATLO!"

Magkahawak ang kamay ng magkapatid na tumakbo sa kanilang magulang. Parang nag slow motion ang pagtakbo ng dalawang magkapatid dahilan para mas lalong kabahan ang mag asawa ngunit mga ilang saglit pa nasa bisig na nila ang dalawa.

Wala ng maririnig na putukan galing sa labas nang nakapasok ang malaking tao sa loob ng mansion. Mga ilang saglit pa nakapasok na rin ang mga armadong lalake na nakatakip ang mukha. Hindi mabilang sa sobrang daming nakapalibot sa kanila.

"Nasaan ang iba?" Tanong ng lalake, "Haluglugin ang lahat ng bawal sulok nito," Utos ng lalake.

Walang ideya sila hunter kung sino ang taong to. Dumapo sa isip nila na baka ito si temur pero hindi maari magpakita ng ganon na lamang ang taong yon.

Sabay-sabay kumilos ang mga armadong lalake para hanapin kung may natitira pa ba na sa loob. Hindi makakilos sila hunter may nakapalibot din sa kanila at isa-isa silang tinutukan ng baril.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni drake kay hunter.

"Hindi pa tayo pwedeng kumilos sa ngayon ang tanging pag asa lang natin ay yung mga tao sa labas."

"Mama, Papatayin po ba tayo ng mga strangers?" Tanong ni vera sa kanyang ina. Niyakap ni keila ng mahigpit ang kanyang dalawang anak at umiling.

"Walang mangyayaring masama satin hanggat kasama natin ang papa mo." Sabi ni keila.

DHYLAN POV

"Putangama na yan! Set up na set up ang datingan." Kitang-kita ni dhylan ang nangyayare sa loob ng mansion. Nasa loob ako ngayon ng secret basement na tanging ako lang ang may access.

"Bwakanang sheeeet! Buti na lang dito ako dumiretso." Kagat labing sinasaayos ko ang lahat.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko. Tangina masyado akong kinakabahan. Sinampal ko ang sarili ko.

"Gumising kang pogi ka! Kailangan makapag isip ka ng mabuti,"

Isa-isa na pinasok ng mga tauhan ng lalaking yon ang mga kwarto. Sino nga ba kasing yang lalaking yan.

Ni zoom in ko yung monitor para klarong klaro. Isanh mabilis na pindot lang at lumabas agad ang pangalan ng lalake.

Ramon Kolokoy, 38 years old, American Citizen.

Tangina totoo ba to? Kakaibang apelyedo.

Napasok na nila ang lahat pwera na lang ang basement kung saan nandoon ang mga bata.

Nakita ko ang paglibot ng mata ni hunter at sa isang iglap parang nagtama ang mata namin. Alam niyang nakikita ko ang lahat na nangyayare sa kanila ngayon at parang sinasabe niya na ako lang ang pag asa na meron kami ngayon.

KEILA POV

Sobra akong kinakabahan sa nangyayare ngayon. Ang mga bata sana hindi nila matunton kung nasan sila. Nilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko ngayon na akala ko ay kumpleto kami pero wala si dhylan.

Tama, Si dhylan. Baka nasa basement siya ngayon. Please lord sana hindi nila matunton kung nasan si dhylan. Siya na lang ang pag asa namin para makahingi ng tulong sa mula sa labas.

"WHAHAHAHA Sinasabe ko na nga ba at magtatagpo din tayong apat eh!" Sabe ni bleu na ika ika pa maglakad. Nakalaya na ang apat mula pagkakatali ng mga to.

"Sabe ko sayo hindi tayo papabayaan ni temur eh!" Sabe naman ni blanco.

"Patayin agad natin tong mga to!" Suhestyon ni de flois.

"Tangina ka! Hinihingi ko ba suhestyon mo?" Tanong ng lalake na sa tingin ko ay mas mataas sa apat na to.

"Yan na ba ang lahat? Nasaan ang mga batang kinuha nila?"

Niyakap ko ng mahigpit ang dalawa ko anak at tahimik na nagdarasal na wag na sana madamay pa ang mga batang 'yon. Mabuti na lamang at wala si crizelda dito.

"Baka nasa basement." - De flois

Lumapit ang lalake kay tyron at agad na kinasa ang baril.

"Nasaan ang mga bata?" Tanong nito kay tyron. Tiningnan lamang siya sa mata ni tyron at hindi umimik.

"Isa pang tanong sasabog yang bungo mo." Seryosong sabe ng lalake.

Hindi magdadalawang isip ang lalaking to sa gagawin niya kung sakali.

Nilingon ni tyron si khen at isang signal lang.

"Sige ituturo ko,"

Tumayo na si tyron at dalawang armadong lalake ang sumama dito.

"Magiging maayos din ang lahat wag kang mag alala." Bulong ni khen sakin sabay halik sa ulo ko.

DHYLAN POV

Naglalakad si tyron patungo sa basement at bago ka makapunta don madadaanan non kung nasaan ako. Pero tulad ng ang sabe ko walang nakakaalam kung nasaan ako.

Dalawang baril ang nakatutok kay tyron habang naglalakad. Ganon na lang ang gulat ko nang tumingin siya sa pinto kung nasaan ako.

Pakshet! Alam ba ng taong to kung nasaan ako? O baka guni guni ko lang.

Nakarating sila kung nasaan ang mga bata. Hiyaw at iyak ang mga narinig ko nang makita nila kung sino ang nga pumasok.

"Labas!" Sabe ng armadong lalake at agad na nagsisunod ang mga bata.

Lahat ng data na meron ang mansion na to ni transfer ko lahat ng access sakin. Wala akong tinira kahit isa.

May nag pop up na notification sakin at ganon na lang ang pagkakaroon ko ng pag asa nang makita ko kung sino yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally Bride of a Mafia Boss IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon