CHAPTER 15

1.1K 37 4
                                    

The mad ape

KEILA POV

Nakaupo ako ngayon dito sa dulo ng kama habang hinihintay siyang lumabas sa cr.

Kinakabahan ako.

Simula kanina ay hindi niya ako pinapansin.

Kahit anong gawin kong pa cute ay wala ng effect sa kanya. Siguro talagang galit siya sakin. Sinabi niya na una palang ay wag akong mangingialam. Pero nakita niyo naman diba? May mga batang nahihirapan ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag hintay ng panibagong araw para kumilos.

Nakakainis dahil kahit kami ay walang magawa para pigilan yon.

Hanggang ngayon ay suot ko padin yung all black suit ko.

Kinakabahan kasi ako eh.

Napapitlag ako nang bumukas ang pinto sa cr at lumabas doon ang gwapo kong asawa.

"Kahit anong bola mo hindi effective yan."

Kotongan ko kaya tong utak ko.

Nakikisali eh huhuhuhu

Nakasuot siya ng kulay brown na roba at labas ang konting dibdib nito.

Nitong nakaraan lang ay madalas siyang mag training kaya medyo lumaki ang pangangatawan niya.

Ilang taon na pero ganon padin ang kagwapuhan niya. Walang kupas.

May hawak siyang maliit na towel at pinupunasan ang buhok niya

"Imyo..." Tawag ko.

Para akong bata dito. Nakanguso at pilit na kinukuha ng atensyon niya.

"Don't start." Mahina pero may diin na sabi niya.

Mas lalo pa akong ngumuso.

Kulang nalang ay maging pato ako dito.

Pa hard to get kasi itong si khen eh. Pag ako nag ganyan nako talagang mahihirapan siya.

"Sorry na kasi!" Tumayo ako at sakto namang humarap siya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Who told you to meddle my work?"

Galit na talaga siya.

Yumuko ako.

Sinisigawan niya ako huhuhu

"K-kasi ano..."

"What? I told you! This fucking mission is danger. Kung ikukumpara mo ito noon ay mas delikado ito. Keila naman please."

Please what?

"Sorry na nga eh!" Tumaas na din ang boses ko.

Umiwas siya ng tingin at nakataas pa ang sulok ng labi nito na arang asar na asar na siya sakin.

"Naiinis ka sakin huh!" Sabi ko pa.

"Huh" Bumuga siya ng hangin.

Bakit ba nagkakaganyan siya? Dati.naman ay hindi siya ganyan kahit na nangingielam ako.

Hindi niya na ba ako mahal?

"Parang ang lagay pa ngayon ay ikaw ang galit ah!" Sabi niya at ginulo pa ang buhok niya.

"Talaga! Nakakainis ka! Dati naman kahit magielam ako ay okay lang sayo pero bakit ngayon ay galit na galit ka!" Nagsalubong na ang kilay ko.

Ngumisi siya ng nakakaloko at naiinis ako doon.

"Dahil binalaan na kita una palang na wag makielam! Kung hindi siguro kami pumunta doon ay nasa na kayo ngayon?"

Mas lalo pang dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now