CHAPTER 9

1.3K 42 1
                                    

Keila POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto at kasulukuyang dina-dial ang numero ni kaye.

Kailangan may gawin kaming aksyon tungkol sa mga nangunguha ng bata.

Baka mas lalo pang dumami ang bilang nito at hindi na mapigilan.

Mga ilang ring lang ay sinagot niya na.

"Hello," Bungad niya

"Nabalitaan mo na ba yung tungkol sa mga bata?"

"Hmm, sinabi na sa'kin ni tyron. May problema ba don?" Tanong niya.

Naupo ako sa kama.

"Balak ko sanang gumawa ng aksyon."

Alam kong magagalit sa'kin si khen pag nalaman niya 'to.

"ANO!" Halata ang gulat sa tono niya.

"Oo, huwag mo sanang mabanggit itong gusto kong mangyari sa asawa mo." Sabi ko.

Ilang segundo na hidninsiya nagsalita.

"Sige, ano bang maitutulong ko?"

"Gusto kong magkita tayo nila grace mamayang gabi sa coffe shop dito sa village."

"Sige ako na ang magsasabi sa kanya."

"Sige aasahan ko yan." Sabi ko at pinutol na ang linya.

Alas tres na at konting oras na lang.

Bumaba ako at naabutan ko ang mag aama ko kasama si crizelda na nanonood ng isang movie.

Nilingon ako ni khen at agad naman akong ngumiti.

Tumayo siya at may sinabi siya kay vera bago tumungo sa'kin.

Pumunta ako sa likod ng mga bata hindi kalayuan.

Nasa harapan ko na si khen at bigla niya akong niyakap.

"Hmm ang bango mo talaga."

Lumayo ako ng konti at pinalo ko siya sa braso.

"Loko ka talaga."

Tumawa naman siya.

"Mamayang gabi pala ay lalabas kami nila kaye."

Paalam ko dito.

Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng pagkunot ng noo.

"Saan kayo pupunta?"

"Diyan lang sa labas."

"Saan sa labas?"

"Basta wag ka ng magtanong."

He tilted his head

"May balak ba kayo?"

"Anong balak ka jan? Lalabas lang kami may balak na. Tumigil ka jan." Sabi ko at pabiro ko siyang tinulak.

Tinalikuran ko siya dahil hindi ko na kayang tumingin sa mga mata niya at baka mahuli pa ako.

"Tutulungan ko na sila manang mag luto ng hapunan."

Sabi ko at dumiretso na 'don.

Kasulukuyang nagluluto ngayon sila manang.

"Anong niluluto niyo?" Tanong ko.

Tatlong kusinera lang ang nandito.

"Caldereta, menudo at sinigang. Yon po kasi ang gusto ng mga bata." Sabi ni manang.

"Patapos na po ba kayo?" Tanong ko pa.

"Hindi pa po,"

"Tulungan ko na kayo."

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now