CHAPTER 39

253 5 2
                                    

THIRD PERSON POV

Nasa mansyon na ang mga bata at walang kaalam-alam sila hunter na may nakasubaybay sa ginagawa nilang plano. 

Pagpasok ng mga bata sa loob ng mansyon agad silang sinalubong nila keila upang asikasuhin at gamutin ang ano mang sugat na meron sila.

"Pagtapos nilang kumain paakyatin na sa taas para makapag pahinga," Utos ni keila sa mga kasambahay.

"Grabe siguro sinapit ng mga batang yon," Sabe ni drake na nasa likod ni keila.

"May nasaktan ba sa inyo?" Tanong ni hunter sa grupo  nito.

"Nakakapagtaka lang pero malayang napasok namin ang lugar kung saan ang mga bata." Sabe ni drake.

Biglang may dumaang anghel sa harapan nila dahil biglang tumahimik at wala ni isang nagsasalita na parang may iniisip na malalim.

"Hindi kaya.." bago pa man matuloy ni dhylan ang sasabihin niya nakarinig na sila ng mga pasabog mula sa labas. 

Naging alerto ang lahat 

"Ang mga bata!" malakas na sigaw ni keila at agad na umakyat sa taas. Inuna nyang hanapin ang dalawang anak ngunit ng puntahan niya ang kwarto ng dalawa ay wala sila dito. 

Nagsilabasan na rin ang mga batang sinagip nila kanina at inasikaso ng ibang kasamahan nila sa bahay. 

Sunid-sunod na putukan ang narinig at may uso na rin siyang nakikita mula sa labas. Tahip tahip ang kaba ni keila dahil hindi niya makita ang dalawang anak niya. 

Bumaba siya at nakita niya sin ang pagsisilabasan ng mga bihag nila.

"Diretso sa basement!" Utos ni khen. Nagkatinginan sila ni keila at kita ni khen ang pag aalala sa mukha ng asawa kaya agad niyang nilapitan ito.

"diko nakita dalawang anak natin, Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanila." Naiiyak na sabe ni keila. 

"Dhylan! CHECK THE CCTV NOW!" Ang lahat ay nasa basement na pwera na lang kila jarred na nakikipaglaban sa labas. 

Balak ng pumunta nila hunter kung nasaan sila dhylan ang nagpapigil sa kanila ay ang lalaking may hawak sa babaeng anak nila. 

"J-jax.." naluluhang usal ni keila.

Nakatutok ang baril ni jax sa ulo ng bata.

"P-please wag ang bata," Pakiusap ni keila ngunit nginisian lang siya nito.

"Damay-damay na to! Ibaba niyo mga armas niyo." 

Nagkatinginan sila hunter at iba pang kasamahan nito na tila hinihintay ang pag sang ayon ni hunter.  Isang tango lang ni hunter at agad na bumagsak ang mga armas. Dahan-dahan patagilid na naglakad kasama ang anak nilang babae palabas ng pinto. Halos lahat titig at alerto sa galaw ni jazz.  Nakatutok pa rin ang baril sa ulo ng bata at nung malapit na sila sa pinto binuksan ni jazz ang pinto pero ganon na lang ang gulat ng lahat nang makita nila si sion. Ang lahat ay gulat maliban kay sion. 

"saktong-sakto at nandito kana sa harap ko," Hahablutin na sana ni jazz si sion ngunit mabilis ang kilos ni sion at agad na sinipa ang kamay nito na may hawak na baril dahilan para malaglag ito at mabilis na kilos na hinatak ni sion ang kanyang katpatid at ganon na lang ang gulat ng lahat na ang hawak na baril ni jazz ay ngayon nakatutok na mismo dito. 

"Isang galaw mo lang sir I'll make sure you'll die."

Galuntang ang lahat at tila hindi nag si sink in sa kanila ang nangyayare.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now