CHAPTER 5

1.6K 46 8
                                    

Gusion Angeles Ashford

KEILA POV

Ilang linggo na ang nakalipas simula 'nong nag-umpisa ang pasukan sa eskwela ng nga anak ko.

Hindi ko alam kung anong meron kay vera pero lagi niyang binabanggit sa'kin yung maganda niyang teacher.

Wala naman sa'kin at hindi ko na sana papansinin pero kapansin-pansin kasi yung pag hanga niya dito.

Malakas lang siguro talaga yung charm ng teacher niya kaya sobra niyang gusto.

Linggo ngayon at walang pasok ang lahat.

Itong magaling kong asawa ay kanina pa naka-babad sa panonood.

Alam niyo ba kung anong pinapa-nood niya?

Naruto shippuden

Naadik na siya.

Kung kailan tumanda tsaka naman naging adik sa anime na 'yan.

Umakyat ako sa taas para pumunta sa kwarto ng kambal.

Nakaraang linggo lang ay napag-desisyonan nilang mag-hiwalay ng kwarto at agad naman sila pinag-bigyan ng papa nila.

Una kong pinuntahan si sion hindi ko na nagawang kumatok dahil naka-awang lang naman yung pinto.

Dinungaw ko ang ulo ko at mula dito ay kitang-kita ko siya.

Nasa harap siya ng salamin at hawak ang headband na kulay pink at may design na unicorn.

Kay vera 'yon ah,

Nagtaka naman ako sa gagawin niya.

Dahan-dahan niya nilagay ang  headband sa ulo niya at ngumiti sa salamin.

Mga ilang segundo lang ay umiling siya at biglang tinaggal yung headband sa ulo niya.

Napakunot ang noo ko.

What happened to him?

Sasabihin ko na sana na nandito ako nang biglang siyang magsalita.

"Hindi ayoko! Hindi dapat!" Makalas na sabi niya at nakita niya ako nang bigla siyang lumingon sa gawi ko.

Agad na nagbago ang emosyon niya at napalitan ng takot.

"M-mama?"

Nauutal na sambit niya.

Ngumiti ako sa kanya.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto niya.

"Kanina pa po kayo?"

Tinago niya yung hawak niya headband sa likod niya at naupo sa kama niya at pasimpleng nilagay yung headband sa ilalim ng unan.

"Hindi naman.." Sabi ko at nung nakalapit ako ay ginulo ko ang buhok niya.

"May dapat ba akong malaman anak?" Tanong ko dito.

Umiwas siya ng tingin sakin.

Bata pa siya at hindi ko dapat siya tinatanong kung ano ba siya.

"Sabihin mo sa'kin hindi magagalot si mama."

Ngumiti ako dito.

Matalinong bata ang kambal at sa edad nilang 'yan ay nakita kong responsable sila sa lahat ng bagay.

Alam kong sa edad nila ay nagiging curious na sila sa ibang bagay.

"M-may gusto po ako kay kayden mama."

Tumingin siya ng diretso sa'kin.

"Alam ba ni kayden?" Tanong ko dito.

Hindi ko siya kailangang pagalitan dahil sa nalaman ko.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now