CHAPTER 36

1.4K 47 41
                                    

KHEN POV

May ibinigay din na flashdrive sakin si keila na agad kong sinalpak sa laptop ko. Halos lahat ng pwede namin magamit laban sa pinuno ng bahaynitemur ay nandito. Ang mga armas na nakalagay dito ay sobrang dami kumpara sa nagagawa at pinabibili namin. sobrang laking pera din ang nakapaloob dito. May mga armas din na galing pa ng ibang bansa at pagkakaalam ko ay milyon ang halaga.

Nagpatawag ako ng meeting

"As of now, Hindi pa rin natin matukoy kung sino talaga ang pinuno ng bahaynitemur. Kaya ang balak ko sana gagawin natin ito paunti-unti. Tutal nasatin na ang dalawa agad natin isusunod si flois at si blanco. tutal parehas naman silang drug lord gagawa tayo ng eksena. Parang buy bust operation."

"Hindi naman yata pwede ang dalawang yon ang humarap kapag gagawin natin yon." Sabi ni stephen.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi niya

"Isosold out natin lahat ng item pero ang kapalit non ay silang dalawa ang magd-deliver. Dhylan, Makipag transaction kana sa kanila." Utos ko kay dhylan na agad niya naman sinunod.

"Gawin natin ang lahat ng paraan para makuha natin ang dalawang yon." Sabe ni jared.

Diniscuss ko lahat ng paraan na gagawin namin para makuha ang dalawang yon.

"Sa tingin mo magagawa natin to na walang nasasaktan satin?" Tanong ni keila.

Alas diyes na ng gabi at gising parin kami.

"Natural lang yung may masasaktan pero hindi ko hahayaan na may mawala sa inyo. Lahat gagawin ko para mahanap na tin si temur at pagtapos non gagawin natin yung sinabe ni lolo. Nang sa ganon wala ng panganib. Hindi na rin malalagay sa panganib ang buhay ng mga anak natin." Sabi ko at hinalikan siya sa noo at niyakap ng mahigpit.

"Okay lang sakin kahit ano as much as kasama ko sayo. Nabuhay akong walang wala kaya hindi ako takot na mawala lahat ng material na bagay na meron ako ngayon."

Kusang kumawala ang ngiti sa labi ko. Wala na talaga akong mahihiling sa diyos kundi kapayapaan. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kabutihan sa itaas at nagawa niyang ibigay sakin tong babaeng to.

"I love you," I said

Hinihintay ko na sumagot siya nang marinig ko ang malakas niyang hilik. Muli ko siyang hinalikan sa noo at pinikit ang mga mata ko. Sana pag gising ko meron ng magandang balita.

DHYLAN POV

"Love, Gising kana daw. "

Hmm istorbo talaga!

"Gumising kana! Kanina pa tumatawag si kuya khen!" Napabalikwas ako ng tayo nang sumigaw na siya.

"Ano ba y---" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang makita ko si tala sa harapan ko.

Nakapamewang at taas ang isang kilay na nakaharap sakin.

"Sinisigawan mo ko?"

"Hindi love akala ko kasi kung sino hehe. Tara nga dito." Sabi ko at ilang segundo pa bago siya sumunod sakin.

"Ewan ko sayo! Kanina pa kita ginigising eh," Nakangusong sabi niya.

Hinila ko pa siya sa tabi ko at siniksik yung mukha ko sa leeg niya.

Ang bango shet

"Ganito muna tayo, Namiss kita sobra." Sabi ko.

Umuwi pala ako kaninang madaling araw dito sa condo.

"Kanina pa tawag ng tawag si kuya khen kaya sinagot ko na. Kumilos ka na daw."

"I miss you." Malungkot na sabi ko.

"I miss you too mahal, This past few days sobrang busy mo na ganon din naman ako pero ayos lang sakin makakapaghintay naman ako. Maging ligtas ka lang sa araw-araw maayos ako." Sabi niya at inilayo ang sarili sakin at sinapo ang dalawang pisngi ko.

Kusa niya akong hinalikan sa labi. Dampi lang yon pero sobrang sarap.

Wala na akong mahihiling pa sa babaeng to.

DRAKE POV

"Kumain na kayo!" Sabi ko at nilagay sa lamesa nila yung pagkain na pinaluto ko para sa kanila.

"Walang lason yan. " Sabi ko dahil alam kong yon ang nasa isip nila.

"Pinapatagsal niyo pa! Patayin niyo na kami." Sabi ni jax

"Wag kang excited!" Sabi ko.

Aalis na sana ako nang muli siyang magsalita.

"I know who's your father. " Mahina pero nahihimigan ng panunukso.

Nilingon ko siya.

"Drake Willson right? Matagal mo ng hinahanap ang magulang mo pero hanggang ngayon walang nangyayari. Sa tingin mo bakit kaya?"

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya pero bakit ganon. Gusto ko man umalis pero parang nakadikit na yung mga paa ko dito at hindi ako hinahayaan na umalis.

"Sa tingin mo bakit kaya? Hindi kaya may humaharang sa ginagawa mo?"

"Anong nalalaman mo at sino ang tatay ko?" Mahinahong sabi ko.

"Wala ako sa lugar para sabihin sayo kung sino ang ama mo. Malalaman mo din sa takdang panahon at ako na mismo ang magsasabe sayo na sobra kang mahihirapan. Gugustuhin mo ba na manatili sa grupo mo kahit na nasa inyo nakasalalay ang buhay niya pagdating ng panahon." Sabi niya at wala akong nagawa kundi umalis na parang walang narinig.

Anong ibig niyang sabihin sa sinabe niya. Di ko alam kung tama ba ang nasa isip ko pero sadyang naguguluhan ako.

TYRON POV

"Baka daw scam tayo." Sabi  ni dhylan. Nandito nanaman kami sa conference room

"Baka gusto nilang sumabog." Sabi ni jared

"Kailangan daw muna makipag meet up bago maglabas ng ganong kadaming item." Sabi ulit ni dhylan.

"Huwag na natin patagalin. Si drake ang makikipag meet up." Sabi ni hunter. "Kaya mo ba? Si mr, De'flois ang imi-meet up mo. Kailangan mo siyang kumbinsihin na makuha ang item at sila mismo ang magbibigay sayo." Sabi ni hunter.

"Kaya ko, Gagawin ko ang lahat." Sabi ni drake

"Good, Sa ngayon ang mga bata muna asikasuhin natin. Susugod tayo sa lugar ng mga kinukuhanan na bata. Nawala sa isip natin ang isang to kaya mamadaliin na lang din natin ang proseso. Madali na lang satin to lalo na at konti lang ang mga nakabantay don. sa tingin ko makakakuha din tayo impormasyon doon."

Nagpadismiss na siya para makapag handa na rin kami. 

Kung ano man ang sinasabe ng matandang yon sana makakuha agad ako ng impormasyon tungkol doon.

Itutuloy....

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now