CHAPTER 6

1.5K 53 3
                                    

Blood

KEILA POV

Maaga akong nagising para asikasuhin ang mga bata sa pagpasok sa eskwelahan.

Pumunta ako sa mga kwarto nila at napangiti ako dahil nakabihis na sila ng uniform.

Bata palang ay marurunong na sila mag-asikaso ng mga sarili nila.

Sinabihan ko sila na bumaba na at maghahanda na ako ng almusal.

Pagbaba ko ay nandoon na'rin ang asawa kong mukhang goku dahil sa ayos ng buhok nito.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Humarap ito sa'kin at niyakap ako sa bewang at halata mong antok pa.

Sinandal nito ang ulo sa tiyan ko at mas lalo pa akong niyakap habang ako naman ay inaayos ang gulo nitong buhok.

"Puyat pa.."

Sabi ko dito

"Hmm."

"Puro ka kasi naruto at pag natapos ang episode 'non anong next huh!" Kunwaring galit kong sabi.

"Ikaw..."

"Ewan sayo." Sabi ko at inalis na yung kamay niya at umupo na.

May nilapag sa harap ko na kape si manang at ganon din kay khen.

"Yomi.." Biglang tawag niya sa'kin na kina-lingon ko.

"Hmm?" Taas kilay na tanong ko.

"Pakasal kaya ulit tayo?"

Bigla akong nabulunan sa iniinom kong kape.

Buti na lang hindi ako nakaharap sa kanya.

*glare*

Nababaliw na yata 'tong asawa ko dahil sa kapa-nonood ng naruto.

"Anong pinagsasabi mo ba huh!" Sabi ko dito.

Tumingin pa ito sa taas na parang nag-iisip.

"Sobrang yaman na kasi na'tin at hindi ko na alam kung anong gagawin sa pera. Tsaka nakaka-inggit din si naruto eh, ang gara kaya ng kasalan nila."

Sabi niya at ngumisi pa ng nakakaloko.

"Nababaliw kana pati si naruto dinadamay mo tsaka kung pera pala ang problema mo bakit hindi mo na lang i-donate hindi yung kung ano-ano pa ang iniisip po." Sabi ko

"Ahh alam ko na!" Tinuro pa ako nito. "Magpatayo na kang tayo ng bahay..."

Sabi niya na yung tipong akala mo ay napaka-gandang ideya.

"Marami ka ng bahay hunter at hindi na natin kailangan 'yon."

He frowned

"Bakit sinabi ko bang para sa'tin? Alam mo minsan iniisip ko kung normal kapa ba."

Sabay halakhak nito ng nakakaloko.

Tumayo ako at pumunta sa likuran niya at hindi niya inaasahan ang gagawin ko sa kanya.

Pinulupot ko ang kanang kamay ko sa leeg niya at yung isang kamay naman ay nasa ulunan niya.

"Sinasabi mo bang abnormal ako huh! Mas abnormal ka! May sal---"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang magsalita si vera.

"Mama bakit mo po inaaway si papa?"

Naka-taas ang kilay nito at diretso na umupo sa kabilang side.

Inalis ko yung kamay niya at naupo na.

Umubo-ubo pa ang loko.

"Lagi akong sinasaktan ng nanay niyo huhuhu naiiyak na talaga ako."

Accidentally Bride of a Mafia Boss IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon