CHAPTER 17

1.1K 32 4
                                    

Death

KEILA POV

"Huwag kayong sasama sa hindi niyo kilala okay?" Bilin ko sa mga bata.

"Okay po mama, Ingat po ikaw." Nakangiting sabi ni vera.

"Bye," Sabi ko at agad na silang pumasok sa loob.

Papasok na sana ako sa loob ng kotse nang may papalabas na mga nanay sa loob ng university.

"Hindi pala ganon ka-secure ang eskwelahan na ito. Dapat naba na'ting i-transfer sa iba yung mga anak natin?" Rinig kong sabi ng babae na hindi naman ganon katanda.

"Oo nga ano," Sabi naman ng babaeng nakadilaw na dress.

Binalewala ko na muna at pumasok na sa loob at agad na pinasibad.

Bali-balita na ang nangyaring pagkuha sa bata noong nakaraan at halos lahat ng mga magulang ay natatakot na dahil baka may mangyari ding masama sa mga anak nila.

Napag-usapan 'din namin na isasali nila kami sa mission na ginagawa nila.

Masyadong secure ang bahaynitemur at kahit sino ay hindi malaman kung sino ang pinuno.

Mga ilang minuto lang ay nakauwi na ako.

Pinark ko ang sasakyan at agad na bumababa.

Umihip ang malakas na hangin at nilagay ko yung kamay ko sa pisngi ko at may naramdaman ako tubig.

Tiningnan ko ito.

Luha,

Pumikit ako ng mariin at may tumulo na isang butil.

Anong nangyayari at bakit umiiyak ako.

Umiling lang ako at pumasok na sa loob ng mansion.

Mula dito sa pintuan ay nakatalikod sakin si khen na nakaupo sa sofa.

Kumunot ang noo ko nang makita kong umuuga mga balikat nito.

Dahan-dahan akong lumapit.

At nang makalapit ako ay nakumpirma kong umiiyak siya.

Dinungaw ko ang hawak niya at nakita kong hawak niya yung picture frame ni lolo khenzo.

"K-khen," Nauutal na sabi ko.

Bumibilis ang paghinga ko.

Parang may ideya na ako sa sasabihin niya.

Inangat niya ang ulo niya para tingnan ako.

Pulang-pula ang mga mata niya.

"B-bakit?" Nag-aalalang sabi ko at umikot para makaupo sa tabi niya.

Hinawakan ko ang pisngi niya.

Nakasibi ang mga labi niya habang umaagos ang mga luha niya.

Pakiramdam ko maiiyak ako dahil sa kanya.

Ang isang kamay niya ay pinatong sa kamay kong nasa pisngi niya at tinagilid ang ulo para maipit ang mga kamay namin sa pagitan ng balikat at pisngi niya.

"Wala na si lolo," Ramdam ko ang panginginig ng boses niya niya.

Umiling ako.

Inalis ko yung mga kamay ko sa kanya.

Kahit na alam ko na ang sasabihin niya pero parang bingi ako na walang narinig.

"Hahaha huwag ka ngang magpatawa kahapon lang ay masaya tayong naghahapunan sa mansion tapos---"

Nakita kong mas lalo siyang umiyak sa sinabi ko kaya yung mga luha ko ay nag-uunahan na malaglag.

Nanlalabo ang mga mata ko.

Accidentally Bride of a Mafia Boss IIWhere stories live. Discover now