26

18.9K 399 23
                                    

Nanginginig na naglalakad si Ivanie patungo sa morge. Muntik na siyang matumba ng makita ang bangkay ng Ina na natatakpan ng puting kumot. Umiling-iling siya at sunod-sunod na ang patak ng kanyang luha. At ng buksan na iyon ay napahahulgol siya.

"Ma...ma wag mo akong iwan. Hindi ko kaya Ma!! Mama iniwan na nila ako pati ba naman ikaw.Ma please tumayo ka. Ma wag please." Nayakap na lang niya ang katawan ng kanyang Ina.

"Mama please!" Halos naghalo na ang sipon at luha niya pero wala siyang paki-alam. Nagbabakasakali siya na gumising pa ito pero sino ba ang nilokoko niya?

"Ivanie!" Humarap siya kung sino man iyong tumawag sa kanyang pangalan.

"T-tyron." Inilang hakbang lang siya ng binata sabay yakap.

"Shhh I'm here...I'm here sweetie.'' Alo ni Tyron kay Ivanie.

"Tyron wala na si Mama..wala na siya, iniwan na niya ako. Hindi ko alam...hindi ko alam ano gagawin ko. Please Tyron please si Mama tulungan mo ako."Nakasubsob siya sa dibdib ng binata habang para naman pinipiga ang puso ni Tyron sa mga butil na luha ni Ivanie. Nalaman niya sa putangna niyang kapatid na tinuhog nito ang best friend ni Ivanie. Proud na proud pa nitong sinabi na sinaktan nito ang taong mahal niya. Oo mahal na mahal niya si Ivanie na akala niya ay masaya na ang dalaga. Nag paubaya siya kasi akala niya ay natutunan na nitong mahalin si Ivanie pero nagkamali pala siya.

"Bakit sunod-sunod ang pasakit na nangyayari sa akin ngayon Tyron? Wala ng natira pa sa akin. Iniwan na nila ako lahat at alam mo bang niloko ako ng kapatid mo. Niloko nila ako ng best friend ko. Tyron si Mama lang meron ako tulungan mo ako." Pag papakaawa niya. Kung sana ankinin na lang niya ang sakit na nararamdaman ngayon ni Ivanie ay gagawin niya. Ng malaman niya ang ginawa ni putangna niyang kapatid rito ay agad niya itong hinanap. Nagbakasakali siya na nasa bahay na ito pero nagulat siya ng makitang madaming tao ang nakapalibot sa bahay nila Ivanie.

Pero mas nagulat siya ng makita ang bangkay ng Mama ni Ivanie na nakasakay sa stretcher at isinasakay na sa ambulance. Agad siyang nag alala para sa dalaga kaya mabilis niya itong hinanap.

"Tyron hindi ko kaya...Hindi ko kaya!" Tanging nagawa na lang ni Tyron ay yakapin ng mahigpit si Ivanie. Awang-awa siya rito at pinapangako niyang hindi niya ito iiwan lalo na sa kalagayan nito ngayon.

Mabilis niyang tinawagan ang kanyang sekretarya upang ito na ang umasikaso sa funeral ng Ina ni Ivanie.

"Sige na Ivanie kumaen ka kahit konti lang oh." Pakiusap niya sa dalagang tulala. Nag drive through na lang sila pero ng makita hindi kinakain ng dalaga ay itinabi niya muna ang sasakyan.

"T-tyron p-pasensya na at naistorbo pa kita....sa-salamat din pala, hindi ko inexpect na sa panahon na ganito a-ay ikaw ang..'' Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil nag uunahan na naman ang luha nito. Kinabig niya si Ivanie.

Napakabait na tao ni Ivanie at hindi nito deserve ang nangyayari rito ngayon.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para maibsan lang yang sakit na nararamdaman mo Ivanie pero pinapangako ko na hindi kita iiwan." lalo na't baka umaligid ang gago kong kapatid. Nais niya sanamg idugtong pero mas pinili niya wag ipaalala kay Ivanie ang gagong niyang kapatid.

"S-salamat Tyron." Bahagya itong ngumiti at lalo na naman siyang na in love sa dalaga.

"P-pero si M-mama i-inatake pala s-siya sa puso. N-ni hindi ko Alam na may sakit pala siya sa puso at Hindi ko man lang napapansin iyon dahil nakay L-luvdix palagi ang attention ko. H-hindi ko siya sinisisi pero d-dahil nalaman pala ni Mama na matagal na nila akong niloloko k-kaya hindi nakayanan ni Mama. Yung pakiramdam na I invest so much love to him but in the end si Mama pala ang mawawala sa akin. Nag invest ako sa taong....sa taong kaya akong saktan ng ganito....Pero k-kasalanan ko din naman eh a-ako dapat ang sisihin. Hindi ako maloloko at masasaktan ng ganito kung hindi ko siyang hinayaan makapasok sa buhay ko. Kasalanan ko kung bakit namatay si Mama." She cried out.

"Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan...sana kay Mama na lang lahat ng attention ko."

"Shh tama na..." Umiiyak pa din ang dalaga habang nasa dibdib niya. Hanggang sa lumalim na ang paghinga nito. Nakatulog na pala ito. She looked so tired.

Napakunot ang noo niya ng biglang may nag ring. Hindi niya ringtone iyon at ng makita niyang umiilaw ang bulsa ni Ivanie ay dahan dahan niyang kinuha iyon.

"A$$hole!" Mura niya. Ang kapal talaga ng mukha niya para tawagan pa si Ivanie. Lintik lang ang walang ganti Luvdix ka kahit kapatid kita hindi kita sasantuhin hayup ka. He cursed. Pinatay niya ang phone ni Ivanie at baka masaktan na naman ito sa mga sasabihin ni Luvdix.

"Wag kang mag alala sweetie at hindi na kita ibibigay sa kanya magkamatayan man!" He kissed her head as he swear.

*****

Patawad sa matagal na UD. Galing po ako sa kabundukan ng Visayas and Mindanao at wala pong signal doon. Medyo gala si write hahaha. Naghahanap po kasi ako ng lugar kung saan ko ililibing si Luvdix haha  Labyu Luvdix.

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now