22

16.8K 321 5
                                    

Mabilis niyang nayakap ang kaibigan at naramdaman din niya ang pag ganti nito ng yakap. She was so happy that finally she's back. Ng mapagmasdan niya ang kaibigan ay mas lalo pa itong gumanda, kung maganda ito sa TV ay mas lalong maganda ito sa personal. 

"Candice, kelan ka pa dumating?" Tanong niya. Napansin niya lahat yata ng estudyante ay nasa canteen na at hawak-hawak ng mga ito ang camera at nag babaka sakali na magkaroon ng picture kasama si Candice.

"Two days ago, but I heard you and Luvdix went to Thailand so hindi agad tayo nagkita. Gosh I really miss you best friend." Sabay sa yakap sa kanya ulit kaya natawa na lang siya, hindi pa din pala ito nag babago masayahin pa din. "Hey Luvdix, hiramin ko muna si Ivanie huh." Paalam nito sa boyfriend niya.

Pero titig na titig lang ito kay Candice at kung hindi pa ito siniko ni Karl ay hindi pa ito matatauhan.

"S-sure." At noon lang ito tumingin sa kanya. Nakita niya ang pag daan ng guilt sa mukha nito at naging seryoso ulit.

"Text na lang kita maya my half." Paalam niya sa binata. Tumango lang ito at hinatak na siya ni Candice palayo sa canteen. "Teka saan ba tayo pupunta?" Takang tanong niya at pinasakay siya nito sa kotse.

"Bonding, grabe naging modelo na ako't lahat-lahat eh yang buhok mong nakapusod at yang salamin mo sa mata ay hindi pa din nagbabago." Natawa na lang siya. Lagi kasi nitong tinitira ang style niya eh sa hindi talaga siya mahilig mag ayos. Kontento na siya kung anong meron siya.

Inistart na nito ang engine. "Kaw talaga, ako na naman ang napansin mo pero grabe Candice ang layo na ng narating mo pero kala mo naman siya mahilig mag ayos noon. Buti na lang at naalala mo pa ako." Biro niya. Pero may halong totoo ang sinabi niya rito. Totoo naman eh, sino lang ba siya para sa mga taong araw-araw nitong nakakasalamuha nito sa abroad para tiyagaan siya nito. Mas maraming pwedeng maging best friend ito at mas magaganda at mayaman pero mas gusto pa din siya nito.

"Gaga, makalimutan ko na ang magulang ko wag lang ikaw." Na touch siya sa sinabi nito.

"Na touch naman ako. Teka, ikaw ba Candice ay may boyfriend na? Pero feeling ko meron na, impossible na wala." Bawi niya din sa sinabi sa kaibigan.

"Wa-wala nga eh." Tinantya niya ito kung nag bibiro ba o ewan.

"Weh?"

"Oo nga. Masyado akong busy sa work at yung mga lalake naman na nakakasalamuha ko ay hindi ko type." Nakanguso pa na saad nito.

"Eh ano ba kasi ang type mo?" Tanong ko, baka may mahanap ako para kay Candice. Madaming kakilala si Luvdix at baka naman may mahanap siya.

"Ahmmm..Ano nga ba huh, let me see...Matangkad, gwapo, tan, masungit na arogante pero sweet." Natigilan siya. Parehas pala kasi sila ng tipo ni Candice dahil halos iyon ang description ni Luvdix.

"Parehas pala tayo ng tipo eh." Saad niya.

"AY!" Buti na lang ay may seatbelt siya suot dahil bigla na lamang prumeno si Candice.

"Shocks, sorry Ivanie. Okay ka lang?" Nag aalalang tanong nito sa kanya.

"Oo okay lang ako, bakit kasi bigla kang prumeno."

"A-ah wala." At pinaandar ulit nito ang sasakyan. "Ahmmm Ivanie?" Kaya napatingin siya rito.

"K-kamusta na kayo ni Luvdix?" Tanong nito.

"Okay lang. Grabe bestfriend, akalain mo yun mapapansin niya ako. Pero napansin niya nga ako at kami na. Sobrang saya ko palage pag kasama ko siya. Sobrang inlove ako sa lalakeng iyon eh hahaha lunod na lunod na ako sa pagmamahahal ko sa kanya at hindi na yata ako makakaahon." Saad ko.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon