10

19.5K 353 9
                                    

"Amm so..matagal na pala kayo ng kapatid ko?" Napatingin siya sa kanyang katabi habang nakatutuok ang mga mata nito sa daan.

"Oo, sa totoo lang mag te-three years na kami ni Luvdix and still counting." Masaya niyang saad rito. Mukhang naman mabait si Tyron, kung tutuusin, kung pagbabasihan mo sa features na mukha ay mas bad boy pa tingnan si Luvdix. Samantalang si Tyron, kabila ng ma autoridad nitong anyo ay nananatili ang kabaitang anyo.

"H-he's lucky." Saad nito. Lumarawan ang lungkot sa mukha nito pero napalitan din iyon ng genuine na ngiti.

"Ikaw? Wala ka pa bang half sa buhay mo, I mean wala ka bang minamahal na babae? Pero naman impossible, sa gwapo mo na yan." Siya din ang bumawi sa kanyang sinabi. Totoong gwapo din ang lalake, nasa dugo na talaga ng mga Klein ang angking kagwapuhan.

"Wala eh." Bahagyang tumaas ang kilay niya.

"Weh? Seryoso ba? Impossible." Natawa ito ng makita ang reaction niya.

"Well yeah meron..but she love someone." Nakuha nito ang attention niya. Kung sa kanya nangyari yun, malamang mag-iiyak siya. Alam niya din ang nararamdaman nito, napunta din siya sa situation nito noon. Yung hanggang tingin lang siya kay Luvdix, pero sino ba ang makakapag sabi sa hinaharap? Ngayon ay sila na ng binata. Kaya alam niyang hindi pa tapos ang lahat lalo na sa minamahal ni Tyron.

"Don't lose hope. Madami pang pwedeng mangyari Tyron, or should I call you Kuya?"

"NO! I mean no, don't call me Kuya. It makes me feel so old when I'm unleashed on you like four years." Agad na saad nito. Tila hindi nito kayang tanggapin na tatawagin niyang itong Kuya.

"Okay so Tyron na lang. So I was saying, don't lose hope. Alam mo ba ako nga noon, I thought Luvdix will never notice me. You knew I'm Manang and he's typical heartthrob in school. Compare sa mga babae na nag gagandahan. Pero tingnan mo naman ngayon, kami na. Kaya ikaw Tyron never give up. Madami pa ang pwedeng mangyari." Pag papalakas niya sa loob nito.

"Iba naman kasi yung sayo Ivanie eh." Napa buntong hininga ito.

"Paanong iba?"

"N-nothing. Yeah maybe you're right. Hanggang hindi pa siya kasal sa lalake na mahal niya na hindi naman siya mahal ay may pag-asa pa ako. Kung sana ako ang nauna kaso hindi eh, kung sana ako ang minahal niya kaso hindi talaga eh. Kaya tama ka, I should never felt this lossy feelings."

"Eh paano mo naman nalaman na hindi mahal nong taong mahal mo ang mahal niya?" Takang tanong niya rito. Isip-isip niya baka naman bitter lang ito si Tyron.

 "He's using her." Nakita niyang lumarawan ang galit sa mukha ni Tyron at bumilis ang takbo ng sasakyan nito. Napakapit siya bigla at ng ma realize nito na bumibilis na ang takbo ay binagalan na nito.

"I-I'm sorry.." Paumanhin nito dahil natakot talaga siya. Ayaw niya pang mamatay ng maaga at ma-iwang biyudo si Luvdix ng maaga, oh kasal pala muna. Pinahiran niya ang kanyang pawis sa noo. WEW

Maya-maya ay huminto na ang kotse nito. Akmang mag papasalamat na siya ng may ma-realize.

"T-Tyron paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Takang-taka niyang tanong rito. Nakita niya na naging uneasy ito bigla at mukhang nataranta.

"A-ah ano kay Luvdix. O-oo sa kapatid ko." Tumango na lang siya kahit may duda siya. Teka bat niya ba kasi ginagawang big deal. Sinimulan na niyang i-unbackle ang seatbelt.

"Salamat Tyron. Nice meeting you pala... sana mahanap mo na ang right girl para sayo. At sana mag-kaayos na kayo ni Luvdix kung ano man ang hindi niyo pag-kakaunawaan, dahil kahit ano ang mangyari or baliktarin man ang mundo ay magkapatid pa din kayo. Ano ba yan ang dami kong sinabi. Parang birthday lang ang peg." Natatawa niyang saad.

"Yeah actually it's my birthday." Nanlaki ang mata niya.

"Seryoso?" Kandabilog ang kanyang mata.

"Yep." Ngumiti ito.

"Wow. Bakit hindi mo sinabi?..wait hindi mo man lang cenelebrate?"

"I was busy in office and then I went straight on Luvdix unit. Kibale yung luto mo ang handa ko na." Natatawang saad nito.

"Hey..Happy Birthday...wait I'll sing for you...teka chaka ng boses ko huh. chagaan mo..eheemm. HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU.♫♫♫♫♫♫"

Lumiwanag ang mukha nito.

"Salamat Ivanie. Thank you so much." Pasalamat nito after niyang kumanta.

"Sus wala yun.." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng may inirequest ito sa kanya.

"Amm..Ivanie can I have a hug from you? I mean friendly hug?" Nagulat siya sa sinabi nito. Normal ba yun? Pero friendly hug lang naman daw eh.

"Sure." Mas gumwapo ito lalo sa ngiti nito. He grab her and hug her tightly and buried his face into her neck. Nabigla siya sa ginawa nito pero hinayan na lang niya. Ng pakawalan na siya nito ay pinagpawisan siya kahit malakas naman ang buga ng aircon.

"Thank you. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya Ivanie. This is the best gift I ever had." Kahit nagtataka man kung ano ang gift na binigay niya eh wala naman siyang binibigay rito ay ngumiti na lang siya.

"Wala yun ano ka ba! Tsaka magiging bayaw din kita in future no." Saad niya at nakita niyang lumungkot ito bigla.

"Uy okay ka lang?"

"Nah I'm fine. Naiinggit lang ako kay Luvdix dahil may taong mahal na mahal siya. Napaka swerte ng lalake'ng iyon talaga."

"Sus, mahahanap mo din ang sa iyon. Teka alis na ako, ay baba pala. Gabi na. Salamat sa paghatid huh, nag enjoy ako sa company mo Tyron. Happy birthday again." Tuluyan na siyang bumaba. Hinintay niya munang makaalis ang sasakyan nito bago siya umalis.

Magaan ang loob niya kay Tyron, parang matagal na niya itong kilala. Surely bukas ay ikekwento niya kay Luvdix ito.

 Ng kunin niya ang cellphone niya sa bag ay nagulat siya ng sabog ang inbox niya at may mga missed calls pa. Galing lahat iyon kay Luvdix.

WHAT?!! 94 messages and 65 missed calls?

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now