35

19.1K 324 15
                                    

"Teka ang pagkakaintindi ko isang gabi ka lang matutulog rito pero bakit ang dami mong dala at nakamaleta ka pa talaga?" Gulat siya ng mabungaran si Luvdix sa pinto niya though expected na niya na dadating ito ngayon pero nakaka shock na nakamaleta pa ang lolo mo.

"P-para m-may choices ako na mga damit kaya madami na ang dinala ko." Nagkakamot na sagot nito. Ang cute talaga nito.

"O-okay pasok." Niluwagan niya ang kanyang pinto at pinapasok si Luvdix.

"Aww!" Napahawak ito sa noo ng mauntog ito sa mababa lang nilang pinto.

"Okay ka lang?!" Nag aalalang tanong niya, tumango naman ito pero nakangiwi. Naawa naman siya dito lalo na nong nagsisimula na itong mamula. Kutis mayaman kaya ang isang ito kaya konting galos lang ay halata na kagad.

"Ito kahoy na 'to hindi umiwas eh." Pinalo pa nito ang pobreng kahoy na sinisisi. Hindi niya napigilan ang matawa. "Kiss mo nga ko dito para mawala ang sakit." Sabay umang sa noo nito. Agad naman niyang hinalikan ang noo nito na namumula.

"Tamis! Yan wala na ang sakit. Teka hatid ko lang ito sa kwarto ang mga gamit ko." At home na saad nito.

"Okay ihahanda ko na ang dinner natin."Takte bat feeling niya ay mag asawa sila sa set up nila ngayon.

"Ah oo nga pala may foods akong dala, wait kunin ko lang sa sasakyan." Mabilis itong lumabas. Nanlaki na naman ng Mata niya sa dami ng dala nito. Nag grocery pa yata ito bago nag punta rito.

"Here ikaw na mag ayos nito." At nasundan na lang niya ito ng tingin na papasok sa kwarto niya.

Apat na malalaking plastic ang nandoon at isang plastic na galing sa sikat na restaurant. Ng icheck niya ang pinamili nito ay namula siya lalo na at napkin ang unang bumugad sa kanya. May toothpaste, sabon, de lata, noodles at etc. Mabilis niyang inayos ang lahat iyon at hinanda na ang dinner nila.

"Kain na tayo." Umupo naman si Luvdix sa kabilang panig. Sobrang liit lang talaga ng bahay nila at sa totoo lang ay nahihiya siya sa binata.

"Ano to?" Tanong ni Luvdix habang medyo nakangiwi pa.

"Bituka ng manok."

"WHAT?"

"Try mo." Pang encourage niya rito.

Naka toasted fried yung bituka ng manok. Nilaga muna niya ito sa tubig para lumambot sabay lagay ng asin tsaka niya pinrito ang pinaghihiwa ng bituka ng manok matapos ma drain ang tubig. Favorite niya ito lalo na at may suka na may maraming sili.

She doubt if Luvdix will try it and of course she will understand if he will not. May dala naman ito galing sa restu kaya hindi siya mag aalala kung ano ang ipapakain niya sa binata.

Nakita niyang kumuha ito ng bituka sa may sawsaw sa suka.

"Masarap ang lutong." She smiled.

"Talaga? Hindi ka nandidiri?!" Panigurado niya.

"Of course not, at first oo but edible naman at masarap kaya hindi na ako nandiri."

"Favorite ko to, ito madalas lutin ni m-mama sa akin." Biglang namasa ang kanyang mata at gumaralgal ang boses niya. Naramdaman niya ang pagtayo ni Luvdix sa kinauupuan nito.

"Shhh..I love you." Niyakap siya nito sa likod.

"I love you too..sorry, sige na ipagpa-

tuloy na natin ang kinakain natin." Hinalikan siya nito sa ulo bago bumalik sa kinauupuan.

"Masarap talaga siya in fairness." Kumuha ito ng isa at isubo sa kanya ng may maalala siya. Nginuya muba niya ang kinakain bago nag salita.

"Amm Luvdix.. ano kasi amm.. Sa susunod, though naapreciate ko ang mga ginagawa mo but please next time wag ka na palaging magdadala ng mga supplies." Nakita niya na tumigil ito sa pagkain.

"Why? Kailangan mo iyon." Umiling siya.

"Ayokong umasa sayo tsaka may pera pa naman ako. I'm not comfortable with it Luvdix." Pag aamin niya. "Ayokong isipin mo na kaya ako nakipag balikan is because of this and that."

"Do you think na ganuon ang iniisip ko? C'mon Ivanie.."

"Basta! Wag ka na mag dadala na parang bibili mo na lahat. Please." Pakiusap niya.Mukhang napipilitan I to pero sa huli ay tumango na lang ito.

Tinapos na nila ang kinakain na iba na ang pinag uusapan. Inayos na niya ang hihigaan ni Luvdix ng pumasok na ito sa kwarto. Iisa lang naman ang kwarto nila kaya sa sala na lamang siya matutulog.

"Ayan pwede ka ng matulog." Saad niya habang kumukuha ng unan at kumot na para sa kanya.

"Teka san ka matutulog?!" Nakakunot noong tanong nito sa kanya.

"Sa sala."

"WHAT?!"

"Yes."

"Teka bat doon ka matutulog? Tabi na tayo. Trip mo bang doon matulog? Oh sige doon din ako matutulog. Basta kung saan ka matutulog eh doon ako." Tinitigan niya ang binata.

"Promise wala akong gagawin my half." Itinaas pa nito ang kamay.

"O-okay." At ibinalik ang mga unan sa kama. "Ikaw na maunang gumamit ng cr here malinis yan."Sabay abot ng twalya rito. Nagulat siya ng buksan nito ang kabinet niya at ng makita na nakasalansa na ang mga damit nito doon.

"Teka sino may sabi na ilagay mo Jan ang mga damit mo?"

"Wala. Para hindi na hassle pag dito ulit ako matutulog." Sagot nito na hindi man lang nag abala na humarap sa kanya. So may balak pa ulit siyang matulog dito? Mamaya ay may napili na yata itong susuotin at may isang kalakihan bag itong kipkip.

"Gusto mo sabay tayo maligo?" Nilakihan niya ito ng mata.

"Joke lang." At tawa ito ng tawa habang patungo sa banyo. Siya naman ay napahiga sa kama habang hinihintay itong matapos ng limang minuto ay may biglang....

"Ivanieeeeeeee!" Napabangon siya bigla sabay takbo sa kinaroroonan ni Luvdix. Walang paalam na agad niyang binuksan ang pinto para mapamura.

"T*ng*!" Iyon ang dumulas sa labi niya ng makita si Luvdix na hubot hubad. Mabilis siyang napatalikod pero napigilan siya nito. Hindi siya namumura pero napamura siya sa kanyang nakita.

"Y-yung gagamba...yung gagamba nasa damit ko!!" Sabay turo nito sa damit. Kahit natataranta siya hindi dahil sa gagamba kung hindi sa hubad na katotohanan este katawan ni Luvdix ay kinuha niya ang damit nito. Pero mali yata ang ginawa niya dahil ang malanding gagamba ay tumungo sa nakahubad este kay Luvdix.

Sa taranta ng lakake ay umatras ito at Hindi napansin ang maliit na bangketo kaya napaupo ito sa hindi marmol na sahig. Malakas ang pagkakabagsak nito.

Nanlaki ang mata niya lalo na at naka open legs ang binata at lantad ang hindi sa kanya pero pag aari nitong ano basta. Umiwas siya ng tingin.

"Aray!" Ungol nito.

"My half." Nag aalalang tawag niya. Mabilis niyang kinuha ang twalya at tinulungan ang binatang tumayo sabay takip ng twalya rito.

"Okay ka lang?" Nakahawak ito sa pwet nito at ng tingnan nito ang kamay ay parehas silang nanlaki ang Mata dahil may dugo ito roon.

"My Gad patingin nga." Tumalikod naman ito at lantad na lantad sa kanya ang pang upo nito. Iniling-iling niya ang kasamaan sa kanyang masamang isipan. Kelan ka pa naging manyak Ivanie? Juskolored ang laki!

"May gasgas." Saad niya sa dumudugo nitong pang upo.

"Shit kaya pala ang hapdiii. Hipan mo, aray ang hapdiii!!!" Daing nito. Natulala siya sa narinig niya pero sa huli ay nahanap niya na lamang ang sarili na hinihipan ang pwet nito. Panay pa ang galaw nito.

Sheet lang!Patawarin niyo ako!

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon