Special Chapter

31.5K 590 47
                                    

Napangiti ako habang nakatanaw sa mag-ama ko. 2 more down dalawa na lang kulang at makokompleto ko na ang agreement namin ni Luvdix. Wala naman sa lahi namin at lahi nila Luvdix ang mga kambal pero biniyayaan kami ng dalawang kambal na lalake. Hay paniguradong madaming paiiyakin ang dalawa kung bugoy, naku subukan lang nila at lalatiguhin ko sila isasama ko pa ang ama nila. Tuturuan ko sila kung paano gumalang ng babae at dapat isa-isa lang.


May malaking posibilidad na magmana ang dalawa sa ama natural ama nila si Luvdix. Used to be babaero pero gagawin ko ang lahat para ituro sa kanila ang dapat na pag trato sa mga babae. Alam ko na tutubuan sila ng sungay in the future kaya kailangan kung agapan. Ayoko ng maranasan ng ibang babae ang naranasan ko. I want to teach them a true gentlemen.


"Iha." Napaharap ako ng marinig ang pagtawag sa akin.


"Granny." Bati ko. Ang Lola ni Luvdix. Nginitian ako nito at bumaling ang tingin nito sa mag-ama ko.


"I'm so happy that finally my apo is happy now. And I'm glad na bumalik ka at pinatawad mo siya Ivanie." Actually hindi pa kami nakakapag-usap ni Granny dahil medyo ilag ako sa kanya. Feeling ko kasi ayaw niya sa akin para sa apo niya.


"Honestly speaking I don't like you. Pinaimbestigahan na kita and I don't like your family background. Noong mag request si Luvdix na gawin ang dramang iyon ay sa loob-loob ko tama si Luvdix dahil madami pa ang mas better na babae kesa sayo. Pero alam mo ba ng malaman ko kung bakit niya pinagawa sa akin iyon ay hindi ko napigilan na mapaiyak. He really loves you and he doesn't want you to suffer. Ako na halos nagpalaki kay Luvdix at alam ko na galit siya sa mundo. Naisip ko malaki na talaga ang apo. Noong mga araw na nasa hospital kami ay gusto kung tawagan ka pero knowing Luvdix araw-araw niya din pinapaalala sa akin na wag kang tawagan. Binantaan pa ako ng mokong na mumultuhin ako pag namatay siya." Hinawakan nito ang kamay ko. "Thank you for loving him and teaching him to love. I know he's hard to handle and my apo is not perfect but you stay."


"Granny." Tanging nasabi ko.


"I know naiilang ka sa akin at hindi pa pala ako nakapagpa-apologize sa nasabi ko noon. I'm sorry Ivanie."


"Granny nakalipas na iyon. Okay na ang lahat ngayon at hindi po ako galit sa inyo." Nag-usap pa kami sa bagay-bagay hanngang nagpaalam na ito para icheck ang buntis na si Page. Finally natauhan na si Tyron, kung hindi pa aalis ng bansa si page ay hindi pa ito aamin ng nararamdaman sa babae.


"Hello mommy."Napangiti ako, hindi ko namalayan na nakalapit na ang mag-ama ko. Si Calum Alastair and Wright Klein ang 2 years old ko na kambal. Ng makita ako ni Alastair ay agad itong naggagalaw at nagpapabuhat sa akin samantalang si Wright naman ay walang lake sa paligid.


"Nangawit ka na no?" Natatawa kung tanong kay Luvdix.


"Oo yang si Wright ang likot kala mo hindi mabigat eh." Angal nito. Pinanggigilan ko halikan ang pisngi ng anak ko at tawa naman ng tawa ito. Napaka bibo ng batang ito at parating nakangiti. Hay madami talagang mabibihag na babae ang bugoy na ito. Ng mapatingin ako kay Calum ay parang naiingit ito pero umiwas ng tingin at yumakap na lang sa ama.


"Calum, gusto mo magpakarga kay Mommy?" Ng silipin ko ay pumikit ang mata nito. Kinuha ko siya sa bisig ni Luvdix at nagkukunwari pa din itong tulog. May pagkasuplado talaga ang isang ito, kung anong kabibo ni Wright ay ganuon naman ang kaseryoso nito. Hindi ko pa nga nakitang ngumiti. Hinalikan ko siya at natulog-tulogan pa din.

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now