13

17.9K 352 3
                                    

Nasa tuktok ng hotel ang restaurant na kinakainan nila. Kitang-kita sa taas ang kadagatan. Napatingin siya sa mga babaeng kaharap na noon ay nakapag palit na, habang siya at yun pa din ang kanyang suot, t-shirt and faded skinny jeans at flats.

Parang mga modelo ang kaharap niya habang siya...MUDIL. Pero hindi din naman kasi siya maluho eh, sapat na sa kanyang ang kung anong meron siya.

"So pano mo na-akit ang isang Luvdix Klein?" Patuyang na tanong nong Carla. Nasa buffet pa kasi ang mga lalaki at kinukuha din siya ng food ni Luvdix.

"Or should we say, ginayuma?" Si Bridget naman ang nag salita. Yumuko siya, kahit kailan ayaw niya ng gulo. Hanggat maari ay ititikom niya ang kanyang bibig. Hinintay niya na may sabihin si Miyu at Dian pero parang may sariling mundong ang dalawa sa cellphone ng mga ito.

"Hindi ka nababagay kay Luvdix. Kawawa naman si Luvdix kung ikaw ang magiging asawa niya, pano ka niya ihaharap sa mga business partners niya?" Maanghang na saad ni Carla.

"Alam ko na Car...this is Ivanie my wife slash maid." Natatawang saad ni Bridget. Naikuyom na lang niya ang kanyang mga kamao.

Hindi pa ba siya nasanay? Eh halos araw-araw niya na nga naririnig iyon sa school nila. Kesyo daw mahirap lang siya at mayaman si Luvdix at etc. Hindi na lang niya pinapansin pero kasi tao lang naman siya at may puso. Nasasaktan siya pero para kay Luvdix ay babalewalain niya na lang.

"Oh bat tulala ka my half?" Doon siya natauhan at hindi niya namalayan na nasa tabi na niya ang binata at nakalapag na sa mesa ang mga pagkain na dala nito.

Bumaling ang tingin niya sa dalawang babae na nagbubully sa kanya kanina at nakakapagtaka na parang maamong tupa na ang mga ito ngayon. Ang bilis lang mag transform.

"A-ah...mukhang masarap yan ang." Saad niya na lang. Biglang itong ngumiti at dumukwang papalapit sa kanya, kaya mabilis din siyang lumayo pero napigilan siya ng mga kamay nito.

"Masarap talaga yan at healthy my half dahil paniguradong kailangan mo madaming lakas mamaya." Napalunok si Ivanie sa nang-aakit na boses ni Luvdix. Bulong lang iyon pero kita sa mukha ng dalaga ang pamumula.

"Hoy ano yang pinag uusapan niyo?" Buti na lang isinalba siya ni Miles dahil ang lapit ng mukha nila at nagpipigil siya ng pag hinga.

" Papansin ka talaga no?" Tila naiinis na boses ni Luvdix.

"Ganun talaga kasi mas gwapo ako. Diba Karl?" Pero parang walang narinig si Karl dahil asikasong-asikaso nito si Miyu. Habang si Miyu naman ay tahimik lang na kumakain.

"See? Speechless si Karl kasi totoo. Kaya mahal na mahal ko yan si Karl eh suportado ako." Hindi na napigilan ni Ivanie ang matawa. Ang kulit talaga nitong magkakaibigang ito.

"Ouch!!" Napadaing siya ng pisilin ni Luvdix ang balikat niya. Madilim na ang tingin nito sa kanya kaya napalunok siya. Ayaw na ayaw niya talaga pag ganito ang aura nito, pero bakit ito galit?

"B-bakit?" Tanong niya pero madilim pa din ang bukas ng mukha nito.

"Woah pre wag ka mag selos. Alam kong masyado akong gwapo pero baliw yang si Ivanie sayo kaya kalma lang." Sinamaan lang din nito ng tingin si Miles. Pero balewala lang Kay Miles ang nakakamatay na tingin ng kaibigan, sa halip ay tumawa pa.

Hindi na nga siya pinansin ni Luvdix at sa halip na sa kanya nakatuon ang attention nito ay nakay Carla na iyon. Tuwang-tuwa naman ang babae at binigyan siya nito ng nakakainis na ngiti. Napabuntong hininga na lang siya at pilit inaalala kung ano ang nagawa niyang mali.

Out of place na siya kaya nag paalam siya kay Luvdix na mag c-cr lang pero parang wala itong narinig at nakikipag tawanan pa kay Karla.

Habang pababa siya sa hagdanan at doon niya pinakawalan ang luhang nagbabadya kanina. Hindi na siya nag cr, sa halip ay naglakad-lakad na lang siya. Masakit.Natatakot siya na baka bumalik ito sa pagiging malamig sa kanya.

Nakakita siya ng hammock kaya marahan siya humiga doon at nakatingala na siya ngayon sa kalangitan. Hinayaan niya lang ang patuloy na pag agos ng luha niya.

...

"Gago ka talaga Luvdix." Napatingin siya kay Miles. Nababadtrip siya rito. Gusto niya siya lang ang nagpapatawa Kay Ivanie.

"Sundan mo na. Hindi ka na mapakali Jan eh." Balewalang saad ni Karl na pinapaypayan si Miyu.

Pero nag matigas siya. Kanina ay sinandya niya wag pansinin si Ivanie, eh kasi naasar pa din siya eh.

Natigilan ang mga kasama niya ng makarinig ng ingit ng upuan. Tuluyan na siyang tumayo para hanapin si Ivanie. Almost 20 minutes na itong wala.

Narinig niya ang pag hiyaw ni Miles pero hindi na niya pinansin ito.

Napamura siya ng hindi mahanap si Ivanie sa paligid. Pero bahagya siyang natigilan ng makita ang babae na nakahiga sa duyan. Malalaking hakbang na tinungo niya ang dalaga at handa na sana niyang pagalitan...

Napailing na lang si Luvdix ng makitang mahimbing na natutulog si Ivanie.

"Pasaway kang babae ka, pinag-alala mo ako." Parang tangang saad niya sa babaeng tulog. Pero natigilan siya ng makita ang luha nito sa Mata. Napabuga na lang siya ng hangin.

Parang wala sa loob na hinalikan ni Luvdix si Ivanie sa noo at marahan niyang binuhat ang dalaga. Tulog mantika talaga ang babaeng ito, sa isip isip ni Luvdix habang buhat-buhat ang babae.

"I love you my half." Napahinto siya sa pag lalakad ng magsalita bigla si Ivanie pero tulog pa din. Napailing na lang siya.

*****

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now