20

20.7K 357 7
                                    

Thank God nag landing sila ng maayos. Grabe ang lakas maka-ignorante ang airport dito sa Bangkok na tinatawag nilang Suvarnabhumi Airport Bkk. Kung hindi niya siguro kasama si Luvdix ay mawawala siya duon panigurado. Hawak-hawak lang siya ni Luvdix habang papunta sila sa exit. Buti na lang mga carry on lang ang dala nila.

"Oh bat napabuntong hininga ka?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Nakakafrustrate lang ang ganda ng airport nila walang-wala sa atin..." Saad niya.

"Yup 'been in many country and I really believe that we have a worst airport so far...pero kita mo naman diba kahit papaano ay inaayos na ang NAIA. Someday gaganda pa lalo yun." Tumango siya. Grabe yung mga babaeng nakakasalubong namin ay napapatingin kay Luvdix, pero napansin niya din na magkamukha ang mga Thai at Filipino.

"Saan tayo mag ii-stay?" Tanong niya sa binata.

"Somebody will fetch us from the Hotel that we will be staying...Oh iyon na ata my half." Sabay turo sa lalakeng may hawak ba card kung saan nakalagay ang pangalan.

"Sawadeekha krup." Bati nong lalake na ang ibig sabihin ay hello.

"Sawadeekha krup. Shel alayka Luvdix Klien ani my faen Ivanie Gomez." Nagtatakang napatingin siyang kay Luvdix dahil bakit marunong itong mag Thai.

"Bakit marunong ka? At ano ang sinabi mo?" Tanong niya.

"Nagpakilala lang ako at sinabi ko na girlfriend kita." Napatango siys.

"Oh Sway mak faen krup." Sagot nong lalake na ang pangalan pala ay Sompon. "I said ma'am you are beautiful." Nag thank you na lamang siya. Napag alaman niyang Sway ang ibig sabihin ng maganda at mak naman ay sobra so ibig sabihin ay dyosa ang kagandahan niya. joke

Sumakay na sila sa van.

"Bakit ka marunong mag Thai?" Pangungulit niya.

"Niknoi, I mean konti lang. Back when I was a kid me, Tyron and Dad always went here for business that's why." Napatango-tango siya. "Napagod ka ba?" Tanong nito maya-maya at bahagya siyang niyakap.

"Medyo...Ano ba yan hindi ako nakapag paalam kay Mama." Sambot niya at ikinatawa nito.

"Your mom was happy when I told here that I have a surprise travel for you. She easily fix your things, actually gising siya nong pumunta ako sa inyo kanina pero hindi na siya nagpakita sayo." Grabe full of  surprise talaga ang taong ito.

Maya-maya ay huminto na ang van at sa isang kilalang international hotel sila nag check in. Bumaba kaagad sila.

"P'Sompon knob khon kha.'' Narinig niyang saad ni Luvdix sa driver ng van. Nakita niyang binigyan ito ng tip ni Luvdix at bahagyang yumuko, pinagdikit nito ang mga palad na parang magdadasal at yumuko kay Luvdix.

"Khob khon krup." Saad ni Sompon at hula niya ay thank you ang sinabi nito.

"Salamat yun no?" Tanong niya ng mawala na sa paningin nila si Sompon.

''Yes. Let's go, I'm kinda hungry na." Magkahawak kamay silang pumasok sa hotel. Grabe ang ganda ng loob at mukhang hindi basta-basta ang nag che-check in doon.

"I have a reservation, Luvdix Klien." Narinig niyang kausap nito ang Babae na nasa front office. Siya naman ay busy sa pagmamasid sa paligid, pansin niyang madaming budhaa sa paligid.

"Let's go." Pinakita nito na sa 14th floor sila at of course magkaiba ang room nila. Buti na lang walang kapilyuhan na nag lalaro sa isipan ng binata. Mahirap na baka bigla silang mag away at iwanan siya nito doon.

"Siguro naman matino na ang room ko?" Tanong niya ng si Luvdix mismo ang nagkusang buksan ang magiging kwarto niya. Mukhang naalala nito ang ginawa sa Batangas kaya natawa na lamang ito ng bahagya.

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now